Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2 

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I immediately searched for my phone only to find out that it was six o'clock in the morning already. 

I did my morning routines and went downstairs. Habang pababa ay nakasalubong ko si Nathaniel. 

"Uh.. W-Where are they?" I stammered, a bit nervous. 

"They are in the dining room, eating breakfast," he said in an American accent. 

I'm not surprised anymore, I'm actually expecting that. Maybe he grew up in US. Itatanong ko pa sana kung saan ang dining room ngunit nilagpasan niya na ako ng walang pasabi matapos 'yan. 

Hindi na rin naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sa ingay ng mga boys. Nakita ko silang lahat doon maliban kay Kuya Ethan and Nathaniel. Tito and Tita are also there. Nakaupo sila sa isang 12-seater dining table habang hinahain ng iilang maids ang pagkain. 

Nag-aayos din si Tita Emma at mayamaya lang ay napansin niya na ako. 

"Oh, Charmaine. Upo ka na. Ready na ang breakfast," pag-iimbita niya. 

Tumango ako sa kanya at umupo na sa tabi ni Carlos. I'm a bit stiffened because of suddenly flashing memories with my family. We also used to eat together. 

I guess hindi ako kailanman masasanay na wala sila. Who would, anyway? 

Nakikinig lang ako sa usapan nila kasi hindi ako makarelate. Nakatingin lang din ako sa mga pagkain, natatakam dahil siguro kagabi pa ako hindi kumakain. Nagpahuli na ako sa pagkuha ng pagkain. Typical breakfast -- hotdog, egg, bacon, and fried rice. 

"Charm.." tawag ni Tita. "Sasamahan ka nga pala nina Calvin at Carlos sa magiging bago mong school. They will tour you there. Nakausap ko na rin ang dean tungkol sa enrollment mo."

"Thank you po, Tita," I shyly said and smiled a bit. 

Nakita ko pa ang masamang tingin ni Calvin na hindi yata nagustuhan ang sinabi ni Tita. As if I want it too. Ayaw ko ring malapit sa kanya 'no. 

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. 

"Ate Charm, catch!" sigaw ni Isaiah sabay hagis ng isang bagay. 

Sinalo ko naman at nakitang ahas 'yon. 

"What the hell?!" sigaw ko sabay balik sa kanya. 

Napatayo ako at halos matisod pa sa upuan. The boy's laughter surrounded the whole area, pinakamalakas ang kay Calvin. What do I expect?

My gosh! What's wrong with these people? They are getting into my nerves! Kainis! Maiyak iyak ako sa inis. Hindi biro ang ginawa niya. 

Kung hindi lang masama ang ginawa ni Isaiah sa akin, pupurihin ko na pati ang pagtawa nila. I have this feeling that I didn't want them to stop. Pero iba ang lagay ngayon dahil napahiya ako. 

"Isaiah!" Tito Michael shouted. "We didn't teach you to be like that. Hindi ka na nahiya sa Ate Charm mo. Say sorry to her."

He raised his hand like he's surrendering. 

"It's just a toy, dad. That's my way of welcoming her," he said, smirking. 

What a petty reason! I'm still thankful that it's just a toy. Kung hindi lang ako nagtitimpi, baka kanina ko pa siya nasagot. 

Sakto namang dumating si Kuya Ethan habang tinitiklop ang kanyang white longsleeve polo hanggang siko. 

"Anong nangyari? What did you do this time, Isaiah?"

"Ikaw na ang bahala d'yan sa kapatid mo, Ethan. Pagsabihan mo 'yan. Nawawalan ng respeto kay Charm."

"It's okay, Tita," I smiled.

The Lost HavenWhere stories live. Discover now