How to Promote My Stories

5.2K 151 20
                                    

Sa Wattpad

• I-follow ang iba pang writers at basahin ang kanilang mga istorya. Kumuha ng ideya kung ano ang gusto nila at ibahagi kung ano ang iyong nagustuhan sa kanilang gawa. Magandang magbigay ng mga constructive feedbacks.

• Kung mayroong nagfollow sa iyo, sabihin sa kanila kung gaano mo ito naaappreciate.

• Magreply sa mga comments at mungkahi tungkol sa iyong istorya.

• Makipagusap sa iba pang Wattpadders, yung isang kwento ba ay nagpapaalala sa iyo ng isang kanta, video, larawan o personal na karanasan? Maaring ang iyong iniisip ay higit pa sa iba sa puntong maari mo itong ibahagi sa iba.

• Manghingi ng payo. Kung kailangan mo ng tulong, humingi sa maayos na paraan.

• Gumamit ng maikli at catchy na pamagat.

• Panatilihin na updated ang iyong fans at profile sa iyong latest activiy. Kung ikaw ay magpapahinga mula sa pagsusulat o kailangan mo ng tulong sa anumang bagay, ang iyong profile ay isang magandang lugar upang ibahagi kung ano ang mga nagyayari.

Sa mga Clubs

Note: Ang mga club ay available lamang sa web.

• Maari mong ibahagi ang iyong mga istorya sa pamamagitan ng pagpunta sa genre kung saan akma ang iyong istorya, at tignan ang mga naka-pin na usapan na nasa itaas ng bahagi ng club.

Sa Social Media at iba pang websites.

Facebook

• I-like ang Wattpad sa Facebook, at gamitin ang iyong sariling Facebook account at magpost upang mahikayat ang iyong mga kaibigan na basahin ang iyong mga istorya.

• I-promote ang iyong gawa at humingi ng advice sa iba pang Wattpadders sa Wattpad Facebook page. Isa itong magandang lugar upang makakilala ng iba pang Wattpadders, may comments, mga tanong, at mga recommendations na pinopost araw-araw.

Twitter

• I-link ang iyong Wattpad profile sa iyong Twitter account. Tuwing ikaw ay mag-tutweet tungkol sa iyo o sa istorya ng iba, ikaw ay makakapagpromote sa iyong followers.

• Kung ikaw ay mag-tutweet siguraduhing isama ang hashtag tulad ng #wattpad o #wattpadlife. Ang mga user ay kadalasang naghahanap ng mga istorya sa pamamagitan ng mga nasabing hashtags.

• Maraming Wattpadders sa Twitter na maaring magre-tweet ng iyong mga mensahe sa kanilang mga Twitter followers, ito ay makakatulong din sa iyo.

Blogs

• Kung ikaw ay may blog, pahintulutan ang iyong mga followers na malaman kung ikaw ay nagpost ng bagong istorya o tungkol sa iyong pagsusulat.

• Magpadala ng email sa mga blogs na iyong fina-follow, tanungin kung maari nilang ibahagi ang iyong profile o ang iyong istorya. Kadalasan ang mga bloggers ay tumitingin ng mga bagong ideya lalo na kung mula ito ay suggestion mula sa kanilang followers.

Other Sites

• Ikaw ba ay nasa iba pang site gaya ng Tumblr at Pinterest? Ito ay ilan sa magagandang site kung saan mo maaring ibahagi ang iyong mga istorya sa Wattpad. Wag kalimutan isama ang link ng iyong gawa.

Wattpad How To'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon