CHAPTER 3

8 0 0
                                    

Language...has created the word 'loneliness' to express the pain of being alone. And it has created the word 'solitude' to express the glory of being alone. 

                                                                                                     -Paul Tillich

                                                                                                                  

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Gaya ng dati, ang madilim na pasilyong yun ang nagsilbing solitaryo para sa kanya. Isang kadiliman na nagbibigay sa kanya ng sekyuridad. Ang pasilyong ito ang sumasalubong sa kanya kapag uuwi na siya mula sa pagtatrabaho sa restaurant. Noong una, natatakot siyang dumaan dito. Hindi dumadadaan ang tiya at pinsan niya sa pasilyong ito dahil na rin sa nagbabadyang panganib. Ang pasilyong ito ay tila isang daan na nagmula sa impyerno. May madadaanan kang adik, magnanakaw, (pero wala pa namang nambiktima sa kanya, kasi mukha talaga siyang dukha, thank God for that), and one time, a stranger mistook her for a prostitute, tsk.  But she took all the risk, because she just felt that this place will the only place for her to experience great solitude. 

Sa sandaling 'yun, naramdaman niya ang pagod. She realized that she was alreading feeling the exhaustion. The exhaustion of living alone and surviving alone. 

Niyuko niya ang sarili, kay luma na ng mga suot niya. Ang kanyang kupas na jeans na halos puti na sa kakakuskos, sa t-shirt niyang binili pa niya sa Divisoria limang taon na ang nakalipas, sa ballet shoes na kamukha niya. At ang cardigan na nagpoprotekta sa kanya mula sa lamig. Tumingala sa kalangitan, hindi, wala siyang nakikitang langit, bubong ang nakita niya, mga kahoy na lubak, metal na punong puno ng kalawang, at may mga butas na nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maaninag ang langit, ang langit na kasing puti ng uniporme ni Enrique na isang linggong hindi pa nalalabhan.

She froze. Lalabhan pa pala niya ang uniform  na 'yun. 

Binilisan niya ang paglalakad. Alam niyang palalayasin na siya ng tiya niya, pero lalabhan na muna niya ang uniporme ni Enrique.

Dahil trabaho niya 'yun, nangako siyang lalabhan 'yun, at bago pa nangyari ang insidente kanina, gawain na niya ang pagsilbihan ang kamag-anak na kumopkup sa kanya. At kapag di niya lalabhan ang damit ni Enrique, kawawa naman ang lecheng pinsan niya. Papasok sa school na marumi, kasingrumi ng budhi ng nanay niya, nilang lahat. 

Kinupkop siya ng tiya niya pero di naman talaga siya pinatira sa pamamahay nito. Pinatira siya nito sa isang lumang bahay na minana nito sa lolo at lola niya. For so many years she lived there, alone. Dahil ayaw nito sa malas, sa mga katulad niyang ulila. 

Ulila

noun

a minor or someone who has lost her/his parents, thank you google.

Naninag niya ang hagdanan na magdadala sa kanya sa liwanag, ang liwanag ng mga usok na dinadala ng hangin pataas, ang liwanag ng cellphone na itinatakbo ng gagong snatcher mula sa matabang babae na nakasuot ng mamahaling damit, ang liwanag na binibigay ng mga maiingay na tawanan ng mga magkakaibigan na nag-iinuman sa maliit na tindahan katabi ng highway.

Isang ibang klaseng liwanag.

Umakyat siya sa hagdanang 'yun. Sa loob ng maraming taon, umaakyat siya sa hagdanang 'yun, papauwi , pero tuwing gabi lang. Ngayon, masyado pang maaga, Alas dos palang yata, at hindi pa niya nakuha ang sahod na pinagtrabahuan niya kaninag umaga.

Naglakad siya ng naglakad. Kung sino sino na lang nakasalubong niya, may mga pamilyar na mukha, pero estranghero pa rin sa kanya. 

Hindi niya namalayan ang ang pagpatak ng ulan. Isang munting patak ng tubig  mula sa kalangitan.

Ganito na lang ba ang buhay niya? Habangbuhay na lang ba siyang magtitiis sa kasakiman ng iba? Habanbuhay na lang ba siyang api?

No, she didn't think so. She knew she'll make it. Someday. Somewhere.

Siguro ito na 'yung hinihintay niya. Ang makatakas at maging malaya mula sa impluwensya ng tiyahin niya.

She continued to walk. Malapit na siya sa bahay. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ring of CercleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon