SIMULA

9 1 0
                                    


Room 704 ... Room 704.

Kabado akong huminto sa isang pinto, akmang kakatok na ako nang mahagip ng aking mata ang pangalan ng pasyente na nakalagay sa pinto.

Thaddeus Sage Atienza, basa ko sa aking isipan. Kumatok ako at mabilis naman 'yon nagbukas.

"Sino po sila?" tanong isang magandang babae sa akin, makinis ang balat nito at halos parehas kami ng tangkad. May dala siyang maliit na bag at mukhang lalabas ata. Sino siya?

"D-dito po ba si S-sage?" utal kong tanong. Halos hindi mabosesan ang sarili ko dahil sa sobrang kaba. Kinumpiram ko pa rin na tama ang pinuntahan kong room.

"Oo dito nga, anong relation mo sa pasyente?" tanong niya muli. Hindi niya muna ako tuluyang pinapasok dahil halata pa ang pagduda sa kaniyang tanong.

"Kaibigan niya po ako," lakas loob kong sabi. Nangunot ang noo niya sa sinagot ko.

"I've never met you before... Classmate ka niya?" tanong niya muli at binuksan ang pinto. Medyo nakakainis siya ah! Pero okay lang, mahabang taon akong naghanap at naghintay sa kaniya.

"Uhmm, schoolmate niya ako," sagot ko agad para matapos na. Halata parang ang pagdududa pero iginaya niya na rin ako papasok.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin dala ng aircon, rinig ko rin ang ingay ng TV.

Mabilis nangatog ang aking tuhod at ang aking laman dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Seryoso itong nakatingin sa TV, ang kilay niya ay salubong at ang mata niyang singit ay mas lalong lumiit dahil sa pagtanaw niya sa pinapanood.

Wow! It's been what? A month, almost a year...

"Sage... May bisita ka," imporma ng babaeng sumalubong sa akin.

Lumingon siya sa gawi ko. His eyes were darted on me, but I can't see any emotion on his eyes. I'm pretty nervous while I managed to walk on his side.

"S-sage..." tawag ko sa kaniya. Pinaupo ako ng babae at tumayo sa gilid ko.

"May bibilhin lang ako sa convenient store," paalam ng babae sa lalaking kaharap ko, tumango lang ito sa seryosong bumalik ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na may benda, pero nabigla ako nang bigla niya itong iniwas sa akin at nagtataka akong tiningnan. Nagtataka rin akong napatingin sa kaniya.

"Excuse me? Do I know you?" he asks me in a confusing tone. My heart pounds so fast at his question. What?

"Ha?" gulantang kong tanong sa kaniya pabalik. Anong sinasabi niya?

"I mean, sino ka?" tanong niya ulit. Anong sino ako?

"Nagbibiro ka ba? Huwag mo 'kong biruin! Lagi ka nalang ganiyan!" pabiro kong saad. Pero mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay sa sinabi ko.

"Lagi? I've never seen you before, Miss," suplado niyang sagot.

"Malamang! First time natin magkita ngayon sa personal! Meron tayong mundo, na sarili nating ginawa pero iniwan mo ako mag isa..." malungkot kong sagot.

"Again what? Baka kailangan mong magpatingin na," natatawa niyang tanong sa akin. Tahimik lang ako at hindi siya sinagot. Seryoso ba siya? Buwan ko siyang hinanap pero ayan ang bungad niya!

"Sorry Miss, I'm not intending to offend you but I don't even know you..." seryoso niyang sabi at nakatingin ng diretso sa aking mata. Mas lalo akong natahimik sa pagkakasabi niya. Sinsero siya at halatang hindi nagbibiro.

Nangilid ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Parehas kami ng sitwasyon pero pinilit kong makaalala dahil ramdam kong may kulang sa buhay ko.

"May amnesia ka ba?"

"Wala Miss, as far as I know I'm in coma for almost a year. I clearly remember the incident, my family, friends, schoolmates, may ex's... But you, wala akong maalalang nagkita na tayo..."

Parang mas lalong nanghina ako. Seriously? Ito ang napala ko kakahanap sa kaniya... Binalikan ko siya ng tingin at parang gusto ko siya iumpog sa pader!

"Hey! May I know your name?"

Tumulo ang luha ko dahil sa tanong niya. Parang dinurog ang puso ko at naninikip ang dibdib ko na parang kakapusin ng hininga. Sobra akong nalungkot at nangulila sa kaniya pero parang gumuho ang mundo ko. Iniisip ko noon ang una naming pagkikita sa realidad, pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare. Realidad lang talaga ang makapagpagising sa katotohanan.

"Naghintay ako... Alam mo ba 'yon?" naluluha kong saad. Sumeryoso siya at tinitimbang ang sinabi ko, "Naghintay akong babalik ka, pero hindi ka bumalik..."

Tahimik kami ng ilang minute. Ano na ngayon ang gagawin ko? Tinitigan ko siya.

"Ayaw mong kumain ng itlog dahil nanghihinayang ka na pwede pa sila maging sisiw, mahilig kang magpakain ng mga pusang gala at mga aso sa labas ng village niyo dahil naawa ka sa kanila, ayaw mo sa bagay na may bahid ng kulay na yellow at orange, gusto mong mangabayo at mahilig mangolekta ng sasakyan, mahilig kang dumayo sa ibang village kasama ang kaibigan mo para magbasketball, a-ayaw mong makita ang magulang mo dahil hindi mo ramdam ang pagmamahal nila, ayaw mong bumalik sa realidad noon dahil sa panloloko ng ex mo at k-kaibigan mo..." mahaba kong litanya para lang maalala niya.

Nag angat ako ng tingin kahit malabo na ang aking paningin dahil sa luha. Wala ng emosyon ngayon ang kaniyang mukha kahit ang kaniyang mata.

"You lift my feet off the ground... You spin me around...You make me crazier, crazier... Feels like I'm falling and I I'm lost in your eyes, You make me crazier, crazier, crazier..." kanta ko sa kaniya. That was the song that he sang for me...

"Shut it, Miss. I don't know how did you know that, are you're a stalker?" halong bintang niya.

Sa ganda kong 'to? Stalker? Tinaliman ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Tumayo ako. Mapipilit ko bang siyang makaalala? Hindi, pero kong gugustuhin niyang maalala ako kaya niya dahil kinaya ko.

"I'm sorry for the trouble, it's just that," I apologize but my heart and soul feel like flouting because of the mixed emotion.

"Hanggang sa muli..."

I was about to open the door when he asks me again.

"What's your name?" he asks me seriously.

I step on my right foot, turn my back on him, and wipe my tears away. Damn! At least I'm aware that he's already in good condition. Makakatulog na ako ng maayos kahit papaano ng hindi inaalala kung okay ba siya? Taas noo akong tumalikod bago sumagot.

"It's Ashnna."

"Ashnna ang pangalan ko... Ang babaeng naglakbay para tumakas sa katotohanan..."

Reality sucks!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Viajero De EnsuenoWhere stories live. Discover now