Whilom

67 2 0
                                    

"Okay lang ba?" Tanong ni Julia na katrabaho ko.




"Sige, go lang. Ako na dito. Wala naman akong ibang gagawin." Sagot ko, habang pinapanood siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit.




"Thank you. Thank you nang marami! Bawi ako sayo sa susunod na shifts. Alis nako ha." At mabilisan siyang umalis ng office. Iilan na lamang kaming naiwan dito since mga nagovertime kami at wala na ang ibang empleyado.



"Okay, Nam. Let's do this!" saka ulit sinimulang mag-type sa keyboard para tapusin ang ilan pang mga linya ng codes.



Isa na namang araw bilang corporate slave. Dahil ako ang team manager, ang dami ko pa din kailangang tapusin. Bukod sa pagchecheck ng codes ng mga ka-department ko, mayroon pa akong ilang documents na natitira for review. Stress at pagod to the max.




I am Naomi Han, 1994, IT Department Manager sa isang game company. Tired but cute.




"Mukhang walang problema ngayon. Pwede na ulit tayo makapahinga kahit saglit." Aniya nitong demonyo sa tabi ko. Legit mandedemonyo na naman porke wala na siyang ginagawa.




Tinanguan ko lang siya at patuloy na tinatapos ang weekly report nang maaga para na din makarelax ng konti. "Tabi, busy ako. Mamaya ka manggulo. "




"Sigurado ka ba na wala kang nakakalimutan?" Pabirong tanong ni Denise.




Tumigil ako saglit para isipin kung mayroon ba akong nakakalimutang importanteng bagay. Dahil sa sinabi niyang 'yon, hindi ako mapalagay. Parang may something na hindi ko dapat malagpasan.




"Gaga, comeback concert ng Sicinthe ngayon." Binatukan niya ako sabay flash ng black screen sa kanyang cellphone na may nakalagay na 'Broadcaster will be live soon. Please standby'. "




"Kaya kung ako sa'yo, mamaya na'yan. Magsstart na," sabay sipa sa office chair kung saan ako nakaupo. Wow, the nerve.




"Teka lang. Last graph na para tuloy-tuloy tayo."




Kinuha ni Denise ang nakatago niyang Lightstick at saka nagplug ng earbuds, isa para sa kanya at isa para sa akin.




"Finally finally finally. Nagcomeback din sila." With matching sign of the cross pa nitong katabi ko sabay wawagayway ng lightstick sa ere.




"Ilang months din silang hiatus? Mga 7 months ba?" Tanong ko habang nagnanavigate sa laptop.




"Oo, inintay kasi nila yung recovery ni Bevan kaysa mag individual activities sila." sabi niya at todo tango lang ako habang nagsasalita siya.




*Makaraan ang isa't kalahating oras*




"Thank you for being with us today. See you on our next livestream!" Kumakaway na nagpaalam ang Sicinthe sa fans sa kanilang livestream. Inexit na ni Denise sa homescreen ang ginamit naming laptop at sinimulan nang kuhain ang kanyang mga gamit.




Napatingin ako sa lockcreen ng phone ko, "Na-miss kita. I'm glad you're back."




Kinausap ko ang hangin na parang baliw. Oo at baliw na talaga ako kay Bevan, ang bias ko sa grupo ng Sicinthe.





Finally Found YouWhere stories live. Discover now