Chapter Three

9 3 3
                                    

REIGN OLIVER HERNANDEZ

Normal day at the Café,medyo marami padin namang bumibili simula noong nagbukas ito at dahil dito naging busy kami ni Aya sa pagbabake at pagaasikaso sa mga customers.

"Pasensya na di ako nakaabot noong opening"

Napatingin ako sa likod ko ng biglang may nagsalita at laking gulat ko dahil hindi ko inaasahang nandito sya ngayon kaya naman napangiti nalang ako at yinakap ito.

"Okay lang yun, kadarating mo lang ba?" Tanong ko kahit obvious naman na Oo

"Yah,by the way this place is nice and the servers uniforms I'm guessing you designed them?"

"Sabihin mong hindi maganda makakaalis ka na"

Tumawa lang ito at ginulo ang buhok ko, takte kakaayos ko lang to kanina eh.

"So, kumusta work?"
Tanong ko bago sumubo ng cake

"Ayos lang naman maraming projects pero nahahandle pa naman ng team"
Sagot nito sabay abot sa gilid ng labi ko at pinunasan ito hindi ko naman ito pinansin at sumubo nalang ulit.

"Ehem, kala ko ba si Reign umorder nyan bat ikaw umuubos?" sabay taas kilay na tanong ni Aya

"Eto naman nakikikain lang at di pa ako kumain kanina noh daming customers balakajan basta kakain muna ako." Sabay subo sa kalahating slice ng cake

"Okay lang Aya hayaan mo na lang,sya naman kumain alangan namang bayaran ko diba" sabi nito tsaka sabay pa silang tumawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Napabaling nalang kami sa counter ng  tumunog ang bell ng maraming beses, punyemas may balak pa atang sirain.

Napangiwi nalang ako ng makitang si Troy ito,kinalabit naman ako ni Aya na ako nalang daw ang magtake ng order nito wala naman akong choice dahil may gagawin pa daw ito kaya uminom nalang muna ako ng juice na iinumin na sana ni Reign bago pumunta doon.

He's wearing a dark blue hoodie and a cargo shorts medyo magulo ang buhok nito pero kahit papaano disente naman ito tignan.
Nagtama ang paningin namin kaya nasilayan ko ang mala tsokolateng kulay ng kanyang perpektong mata at naagaw ng aking pansin ang mapupula nyang mga labi at  hindi ko alam kung bakit ko sya pinupuri at sinusuri ngayon kaya napatikim nalang ako.

"What's your order,Sir?" Pormal na tanong ko dito dahil baka mapektusan ako ni Aya pag nagtaray ako.

"Oras ng trabaho nakikipaglandian ka sa customers mo at hindi mo man lang naiisip ang mga taong kanina pa naghihintay dito" walang emosyon na sabi nito na syang kinanuot ng noo ko dahil wala naman yon sa menu, at hindi ko maintindihan kung bakit nangengealam ito.

"Pasensya na kung di ka namin napansin agad at excuse me di ako  nakikipaglandian at kung Oo man wala ka na don."mataray na sagot ko dito at sinamaan ito ng tingen, shet ramdam ko na yung pektus ni Aya.

"Mmm k, one espresso and two slices of brownies, that's all and keep the change." sambit nito sabay alis papunta sa table nya

Napaiirap nalang akong binigay ang order sa Waiter, laki ata ng problema ng lalaking yun pati ako dinadamay, attitude ka girl.

Matapos yun ay tinawag ako ni Reign upang mag order ulit ng Juice dahil naubos ko daw kanina.

"Tsk pag iba ambilis" napalingon naman ako kay Troy ng  bumulong ito ng dumaan ito paalis.
Di ko nalang ito pinansin at kumuha nalang ng juice.

"So many people loves you don't focus on those who don't"

"Huh?"

"Just a piece of advice mula sa gwapo mong kaibigan." Ngiti nito

"Diba si Troy yun kanina yung ng busted sayo noon" sabay tawa nito ng malakas

"Sige isigaw mo pa dodblehin ko talaga babayaran mo at sana mabusted kadin para alam mo feeling at hindi ka tawa ng tawa diyan."

"Eto naman wag mo kong isumpa di pa nga ako nakakaamin kay crush eh"
Nguso nito

"Hahaha pusta ko di ka non gusto" pangaasar ko dito at tumahimik naman ito bigla.

"Uy" tapik ko dito dahil paiyak na ata.

"Kung hindi man edi hindi pakakasalan nalang kita" biro nito sabay ngiti ng nakakaloko.

"Sige mangarap ka lang"

"Ang feeling mo naman"bwelta nito

Itutuloy...

Rain Of JulyWhere stories live. Discover now