Chapter Five

4 1 0
                                    

Halos malula ako ng makita ang hagdan pataas ng building at napapunas nalang ng pawis habang hinihigpitan ang hawak sa mesa na kakailanganin namin para sa chemistry, naiinis naman akong humakbang ng maalala kung sino ang dahilan ng paghihirap kong ito kaya mas binilisan ko ang lakad dahil kating kati na kong ihampas ito sa kanya.

"H-hoy hoy hoy!! Wag mo naman bilisan pag ako nadapa dito sasamain ka sakin" reklamo ni Amaya na nakahawak din sa kabilang dulo ng mesa.

Halos matumba ako ng marating namin ang fifth floor kung nasaan ang classroom namin.

"Ms. San Mateo, Ms. Diaz saan kayo galing magsisimula na ang klase?"naguguluhang tanong ng prof namin.

"Eh, Sir di po ba kailangan ng table para sa subject nyo?" Aya

"Huh? Baka ang tinutukoy mo ay ang subject ni Mrs. Lopez dahil di naman natin kailangan ang mesa para sa chem." Sagot ni Prof

Nag-iinit naman ang ulo ko dahil may dalaw ako at dahil na rin nagbuhat ako ng mesa mula first floor hanggang fifth floor.

Habang nagklaklase ay sinasamaan ko lang ng tingin ang nasa harapan ko dahil sa buong period nag-iinit padin ang ulo ko.

Recess na at kumpulan na naman sa canteen kaya naman pag pasok mo makikisiksik ka talaga para makakuha ng pwesto.

Dalawa lang kami ngayon ni Aya na magkasama ngayong recess dahil may  volleyball practice daw sina Coco at Pol, nagtataka naman ako kung bakit naki try out si Coco eh ang arte arte non baka mamaya mahimatay  sa pagod.

Tumayo si Aya para bumili ng pagkain namin at saktong limang minuto pag kaalis nito ay ang paglitaw ng di ko inaasahang nilalang.

"Hep hep hep bat ka dito uupo, ayaw kitang makasama kaya tsupe"

Ngumuso iti kaya naman napangiwi ako sa kabaduyan nito.

"Paupuin mo na eto naman" sali ni Aya na nakabalik na pala,sanaol mabilis.

Ngumuso ako dito, shet ang baduy ko na den, wala na.

Habang kumakain ay sinasamaan ko padin ng tingin ang talipandas na nakaupo sa harapan ko ngayon.
Tumuwid ito ng upo at nagsalita.

"A-ah bat ansama mo timingin,Jaden?"

Binitawan ko naman ang utensils ko at tumuwid din ng upo.

"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kami nagbuhat ng mesa mula baba hanggang taas ng building."

"Malay ko bang gagawin mo talaga yun"

"Sabi mo para sa chem kaya ginawa ko dinamay ko pa tong si Aya"

"Baka para sa grades" bulong nito pero narinig ko padin

"Hoy kapal mo, ano ako ikaw?!!"
sambit ko dito.

"Awat na " Aya

"Eto kasing si Troy pinapahirapan ako palage, di pa amining may gusto sakin" biro ko

Napahawak naman ako sa ulo ko ng batukan ako ni Aya

"Aray naman"

"Ikaw ang may crush jan tuleg" bulong nito  pero di rin malayong marinig ni Troy na ilang sentimetro lang ang pagitan namin.

"Kahit na ah sakit kaya sa puson, bahala na nga kayo jan gulo nyo kausap" umalis ako dun habang kagat kagat ang burger  at hawak sa magkabilang kamay ang fries at water bottle ko. 





Sa may park na lang ako kumain bago pumasok sa last period na subject namin, di ako masyadong maka concentrate dahil masakit talaga ang puson ko magmula kaninang pagpasok sa school, pero di ko na lang ito masyadong ininda at tumutok sa
Lesson.

Pagkatapos ng subject na iyon ay uwian na kaya naman dali dali ng nagsilabasan ang lahat, pagkaayos ko ng mga gamit ko ay lumabas na din ako pero laking gulat ko ng may iniabot sa king bag naguguluhan naman na tinignan ko ito at nakitang may gamot at tubig dito may heating pads din pala na kulay pink.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Troy pero nakaalis na ito.

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rain Of JulyWhere stories live. Discover now