Chapter Four

5 3 1
                                    

'Cause after all this time,
I'm still into you,I should be over all the butterflies but I'm into you, I'm into you and baby even on our worst nights, I'm into you'.

Napabaling ako sa harap ng Cafe ng biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta ngunit lalake ang kumakanta nito,napangiti ako dahil ang ganda ng boses, I could listen to it all day.

"Magandang umaga para sa paborito kong pinsan"nakangiting bati ni Pol
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa pagkakaalala ko ako lang ang pinsan nya kaya naman napailing nalang ako.

"What's your order,sir?"  Sabay ngisi ko dito na sya namang ikinangiwi nya.

Tumikhim muna ito bago sabihin ang order

"Bat andame?" Tanong ko

"Para sa bandmates ko yan"

Naguguluhan naman akong napatingin dito.

"May banda ka?"
Sumimangot ito

"Alam mo napaghahalatahan kang di nakikinig sa mga sinasabi ko,ansaket sa hart".
Napaisip naman ako kung kelan nya sinabe parang wala naman.

"Isasama nalang kita jan lang yun sa malapet dali" nakangiting sabi nito

Onti palang naman ang customers and I like bands malay mo maging fan pa nila ako.

Sinulyapan ko naman kung nasaan si Aya at pumunta dito para magpaalam mahirap na baka makaltasan ako ng sweldo pambili din yun ng Gucci.
Sinundan ko lang si Apollo at habang naglalakad ay dinadaldalan niya lang ako di ata to nawawalan ng topic.
Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi nya at talagang malapit nga lang ito sa cafe.


Malawak ang studio nila at centralized ang aircon maraming instruments ang sasalubong sayo sa entrance.

"Halika dito ipapakilala kita sa bandmates ko" sabay hila nito sa braso ko na parang bata lang ang hinihila nya, nubayan.
Apat na lalaki ang nakita ko na naroon at umaalingasaw ang pabango nila dahil narin sa aircon.

"Guys" pagaagaw attention ni Apollo sa kabanda nya.

"This is Jaden" pagpapakilala nya sa akin
Tumayo sila at pumunta sa amin.

"Nice meeting you Jaden, I'm Jack,Jack Bonifacio."

"Matthew Ferrer, Matt for short."

"Gray Villanueva"

"I'm Sebastian Guerrero, Miss Jaden."

Napakagat naman ako ng labi dahil sa pagtawag nya sakin ng 'miss' feeling ko tuloy ang landi ko.

"Tsk!" Napakunot noong napabaling ako sa likod namin at nagulat dahil hindi ko inaasahang nandito ito.
Naka t-shirt ito ng white at nakarip jeans , nakakaagaw pansin din ang magulo nitong buhok.

"Oh,gising na si boss HaHaHa" tawa ni Sebastian.

"And I bet kilala mo naman sya diba." Nanunuksong tanong ni Apollo, ansarap talagang manapak din minsan lalo na pag gantong klase ang masasapak.

"Anyways,are you Pol's Girlfriend?" Inosenteng tanong ni Jack at hindi na nakakagulat ang tanong na yun dahil simula highschool napagkakamalan na kaming magjowa nitong apaka gwapo kong pinsan.

"Gago mukha ba kaming magjowa?"

"Oo? Magkamukha na nga kayo eh"
Napahilot nalang ako ng sintido ng sinang ayunan ito ng iba pang kaibihan nila.

"Kahit kailan talaga mga timang kayo, malamang magkamukha kami eh pinsan ko to!"Naiiling naring sagot nito.

"Ahh" tumatango tango namang sagot ng mga ito.

"Jaden Claire San Mateo, you can call me Jaden or Claire and even 'JC'  whatever you prefer." Ngiti ko sa mga ito.

Nakapwesto ngayon sila at nakahawak ng kanyakanyang instrumento, mag prapractice daw sila dahil magpeperform sila sa isang gig.
Si Jack ang may hawak ng electric guitar, Piano naman ang kay Matt, Gitara para kay Sebastian ,Si Gray at Apollo naman ang drummer boys nila at si Troy ang main vocalist ng banda, ngayon ko lang alam na marunong pala itong kumanta ibang klase.

'You and I always fight 'bout the same old things
In the car,at the bar,by the kitchen sink
You used to say you want me now we just say sorry
You and I always fight 'bout the same old things

I should've probably already left
But i never listen to my head
Say Im gonna go can't take it anymore
Keys are in my head, gonna walk through out the door
Every time I try Every time I try to leave my heart won't let me.'


Napatitig lang ako kay Troy dahil hindi din nito tinanggal ang tingin sa akin habang kumakanta.
Maganda naman ang kanta,malaman.

Nagbatiaan naman sila dahil maganda ang kanilang performance sa practice na ito.

Binalingan ko naman ulit si Troy dahil feeling ko natutusok ako sa mga tingin nito, nagulat naman ako ng bigla itong pumunta sakin at hinila papuntang rooftop, bat ba ang hilig nilang manhila, naririnig ko pang tinatawag kami ni Apollo pero nagtuloytuloy padin ito sa pag akyat.

Itutuloy...

Rain Of JulyWhere stories live. Discover now