Chapter 1 - Ang Unang Pagkikita

55 1 0
                                    

Binabasa ni Seokjin ang mga nakapaskil sa bulletin board ng OWWA tungkol sa mga libreng kurso sa Canada. Matagal na nyang balak pumunta dun at baka pwedeng ito ang maging hakbang para matupad ang pangarap nya. Buo ang atensyon sa binabasa kaya hindi na nya namalayan ang pag lapit ni Hoseok sa kanya.

"Gusto mo pa din makarating ng Canada?" Nagulat sya sa biglang pagsasalita nito.

"Kanina ka pa diyan?"
"Hindi naman"
"Ano tara na, nagugutom na ako gusto ko na masubukan ung bagong samgyupsalan sa may Malate"
"Teka hyung may hinihintay pa ako"
"Ah.. may kasama tayo? Akala ko tayong dalawa lang"
"Oo, papakilala ko sayo bago namin dito. Pamangkin ni tita Yu-jin. Oh ayan na pala sya"

Napatingin sya sa lalakeng galing elevator na ngayon ay papalapit sa kanila. Nang ngumiti ito sa kanila ay isa lang ang naisip nya.
Kuneho! Para syang kuneho ngimiti
Ika nya sa utak nya.

"Seokjin hyung, ito nga pala si Jungkook bago naming admin assistant, Jungkook si Seokjin hyung pala kababata ko"

Tumango sila sa isat isa

"Newly grad ka?"
"Ah hindi po isang taon po ako nag trabaho sa isang private company, pumasa lang po ako ng CSE kaya lumipat ako sa OWWA" mejo nahihiyang sambit nito.
"Ah.. ayos yan! Ano tara na dun na tayo magkwentuhan habang kumakain. Nagugutom na talaga ako" kasabay ng mahinang pagtawa

Nakarating naman sila agad buti walang traffic at wala din gaano pa tao.

Habang kumakain ay nagkwentuhan sila  tungkol sa trabaho. Mejo tahimik nung una si Jungkook pero kalaunan ay nakakasabay na ito sa kwentuhan. Nalaman nyang bunso ito at dalawa lang silang magkapatid.
Napapansin nya minsan ang pagtitig nito sa kanya habang kausap nya si Hoseok.  Gusto nya itong tanungin kung may problema ba ngunit agad nitong inaalis ang pagkakatitig sa kanya pag haharap na sya dito. Nang matapos sila kumain ay nag book na sila ng kanya kanyang masasakyan. Bago sila mag hiwalay hiwaly tatlo ay kinuha ni Jungkook  ang cellphone number nya. Sabi din nito na iaad sya nito sa mga social media accounts.

Nang maka rating sya sa bahay ay agad syang naligo para makahiga at makapagpahibga agad. Hindi kasi sya sanay na humihiga sa kama ng hindi nagpapalit ng dami galing sa labas. Nang nakahiga na sya kinuha nya ang cellphone at nakita nya na meron syang text at missed call galing sa hindi kilalang number.

[Seokjin hyung, si Jungkook ito save mo nunber ko ah!]

[Hyung nakauwi kba agad? Andito na ako sa bahay kakarating ko lng]

Kanina pa pala ito nag text sa kanya. Muling tumunog ang cellphone nya. Tumatawag si Jungkook. Sinagot nya agad dahil baka may importante itong sasabihin kaya tawag ng tawag.

"Hello Jungkook napatawag ka? Sorry hindi ko agad nasagot text at tawag mo kasi naligo ako"
"Hyung akala ko mali yung napindot kong number kanina kaya napatawag agad ako. Hindi ka kasi nag rereply sa text ko"
"Ah.. ganun ba sorry naligo kasi ako para makatulog na din. Naramdaman ko ang pagod ko habang nasa byahe"
"Sorry nakaka istorbo ako. Sige hyung pahinga kna, good night"
"Sige Jungkook good night"

Napapailing sya pagkababa ng tawag. Hindi nya alam pero may kakaiba syang pakiramdam sa batang yun. Hindi naman masama pero parang may ibang pinaplano. Nakatulog sya na iniisip si Jungkook.

Kinabukasan napaligwas sya ng gising. Akala nya kasi ay malalate na sya sa opisina. Hindi nya akalain tulog na pala sya kakaisip. Nag ayos na agad sya para pumasok. Bago pumasok ay kumain muna sya ng almusal. Habang kumakain ay nag check sya ng kanyang cellphone. Bumungad sa kanya ang good morning message ni Jungkook. Tinatanong din nito kung nakaalis na ba sya ng bahay at kung nasa opisina na sya. Nireplayan nya lang ito ng oo kahit para matapos na ang usapan.

Pagkarating sa Opisina ay agad na syang nag ayos ng gamit papuntang OWWA. Isa sa trabaho nya ay magbigay ng financial lecture sa lahat ng papaalis na OFW. Nag papaopen din sya ng savings account upang mag  makatulong makapag ipon ang mga ito habang nag tratrabaho sa ibang bansa.

Nang makarating na sya sa OWWA agad nyang pinuntahan ang unang klase na kailangan nyang turuan. Habang naghihintay na matapos ang language teacher ay may natanggap sya ng text galing kay Jungkook.

[Hyung, nakita kita ano oras ka matatapos? Sabay na tayo nila Hoseok hyung mag lunch 😊]

[Hindi ko alam ano oras ako matatapos text ko nalang kayo if makakaabot ako]

Saktong tapos na ng Language teacher kaya nagsimula na sya magturo. Nawaglit na din sa oras nya kung anong oras na kung hindi pa nag sabi ang isa sa klase na lunch time na. Habang nag aayos ng gamit para kumain pagtingin nya sa pintuan ay  andun na si Jungkook.

"Tara na Hyung kain na tayo, hinintay ka talaga namin"
"ah sige tara, jan nalang tayo sa may tapat kumain para makabalik tayo agad. Meron pa kasi akong tatlong klase."

Tumango nalang ito bilang tugon. Tinulungan din sya nito bitbitin ang mga gamit nya.

Si Hoseok naman ay naghihintay lang sa kanila sa labas ng gusali. Sabay sabay na sila nag tungo sa maliit na kainan.

Hindi tulad ng unang pagkikita nila mas madaldal na ngayon si Jungkook. Naikwento na nito ang mga nangyari sa kanya sa nakaraang trabaho. Napasarap ang kwentuhan nila buti nalang at alerto pa din sya sa oras. Nag sabi na sya sa mga ito na bumalik na sila na maaga din sya matapos sa klase nya. Bago sila maghiwalay ay tinanong sya ni Jungkook kung makakasabay din sila umuwi.

"hindi na ako makakasabay umuwi, kailangan ko bumalik sa opisina para irecord mga account na napa open ko"
"ah.. Sige hyung text text nalang tayo"

Napangiti nalang sya. Si Hoseok naman ay tinignan sya ng masama at sumesenyas na tawagan nya ito mamaya. Tumango nalang sya rito.

Natapos na ang klase nya at nakabalik na sya sa Opisina ng lapitan sya ni Yoongi.

"Hyung mukhang madami ka napaopen ah.. Talagang nadadala mo sa kagwapuhan ang mga OFW ah.."
"Loko! Talagang naexplain ko lang sa kanila ng maayos kaya nakaka pag open sila"
"joke lang ito naman! Nga pala hyung pwede ka ba mamaya? Samahan mo naman ako gusto ko matry yung bagong coffee shop sa may taft"
"uhm... Sige pag natapos ko agad pang eencode ng mga ito"
"chat mo ako agad pag pwede ka ah..."
"tayong dalawa lang? Si Taehyung at Jimin?"
"may lakad daw sila eh.."
"ah.... Sige, text ko din si Namjoon if gusto sumama"
"sige ikaw bahala"

Tinapos na agad ni Seokjin ang mga trabaho nya. Saktonh alas Singko ng makatanggap sya ng tawag galing kay Hoseok.

"oh baket?" ika nya pagkasagot ng cellphone
"hyung ano meron sa inyo ni Jungkook?"
"aba! Db ikaw nag pakilala sa akin sa tao? Ako nakikipag kaibigan lang"
"hindi may iba eh... Kahit pag kami magkasama tanong sya ng tanong tungkol sayo"
"bakit ako ang tinatanong mo? Db sya dapat kasi sya yung tanong ng tanong tungkol sa akin?"
"haiz... Hyung sinasabi ko sayo ayang si Jungkook playboy yan! Balita ko kay Tita Yu-jin madami na daw niloko yan"
"Hoseokie wag ka mag alala kasi wala naman akong balak"
"sinabihan lang kita Hyung.. Sige na"
"oo na salamat sige na bye!"

Napaisip din sya kung bakit inaalam ni Jungkook lahat sa kanya. Gusto nya din itong komprontahin para malaman.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon