Chapter 3

22 1 1
                                    

Nagdaan ang isang linggo, nakabalik na si Yoongi galing Davao. May mga pasalubong ito sa lahat pero hindi nito agad binigay ang para kay Seokjin. Nagsabi ito rito na samahan daw sya ulit sa coffee shop na pinuntahan nila at dun nalang nito iaabot ang pasalubong sa kanya. Hindi nalang nya inintindi ang sumasagi sa isip na mga hinala ni Namjoon at pumayag nalang din sya. Nasarapan din naman sya sa mga inumin at pagkain doon.

Pumunta na sya sa OWWA para sa klase nya. Tatlo lang ngayon pupuntahan nya dahil may inutos sa kanyang tapusing report para sa mga paalis na officer nila patungong ibang bansa. Tulad ng dati inaabangan na naman sya ni Jungkook ng mag lunch time na. Tinanong nya dito si Hoseok pero ang sabi nito ay hindi daw makakasabay sa kanila dahil may lunch out meeting ito.

Niyaya sya ni Jungkook kumain sa may Jollibee sa may Harison. Sabi nito para daw maiba naman daw ang atmosphere at hindi lagi sa karinderya.

"hyung, may sasabihin ako sayo"
"ano yun?"
"gusto ko si Hoseok hyung"
Natigilan sya sa pagkain at tumingin dito

"seryoso ba yan?"
"oo! Buti nga mabait ka at naging close tayo agad at napalapit din ako sakanya"
"hahahaha.... Ginawa mo pa akong tulay ah.." ika nya pero may parang may bumara sa kanyang lalamunan. Hindi nya alam kung anong mararamdaman sa nalaman. Naisip nya ang sinabi ni Hoseok sa kanya na playboy si Jungkook. Malamang dahil doon ay mahihirapan itong ligawan si Hoseok.

"so gusto mo tulungan kita kay Hoseok!?"
"oo sana hyung" medyo nahihiyang sagot nito.
"alam mo hindi kita kayang tulungan. Si Hoseok may sarili syang utak. Sya yung tipong pag gusto nya papayag sya, pag ayaw nya hindi sagot nya"
"pero pag kasama ka tiyak sasama din sya"
"hay... Pag kaming magkaibigan ang nag away sa plano mo ah!"
"hindi promise" ngumiti na naman ito na parang kuneho.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na agad silang dalawa. Bago mag kahiwalay ay tinanong sya ni Jungkook kung pwede ba sya mamaya, gusto kasi daw nito sana maaya si Hoseok para mag dinner ulit.

"sorry hindi ako pwede mamaya may lakad ako"
"ah.. May date ka din?"
"uhm... Pwede na tawaging date since kami lang dalawa ni Yoongi pero friendly date hahahaha..."
"hindi sya yung kasama mo nung nakaraan"
"ay hindi, si Yoongi kasamahan ko sa trabaho, nung nakaraan si Namjoon yun bff ko"
"ah... Nanliligaw sayo si Yoongi"
"Yoongi Hyung correction mas matanda sya sayo and no, hindi sya nanliligaw?"
"hindi ka sure?"
"bakit ang dami mong tanong? Bakit ako bigla ang topic nating dalawa?"
"ah.. Wala lang chismoso lang hahahaha..."
"osige na! Need ko matapos lahat ng klase ko"

Hindi na napansin ni Seokjin ang pag hatid ng tingin ni Jungkook sa kanya. Umalis lamang ito sa kinatatayuan ng makapasok na sya sa klase nya.

Medyo natagalan si Seokjin matapos ang report na kailangan nya kaya naman nag hintay pa sa kanya si Yoongi nakaupo ito sa may tabi nya habang nag cecellphone.

"pasensya ka na natagalan ako sa pinapagawang report ni Mam Yuna"
"okay lang, mag kotse nalang tayo papunta dun para mabilis tayo makarating"
"ah.. Sige"

Naglipit na agad sya ng gamit para makaalis na sila. Pagdating sa coffee ship ay nagulat syang may live band ngayon. Kaya pala noon ay nagtataka sya bakit may maliit na stage sa may bandang gitna. Akala nung una ay may gaganapin lang na party kaya meron stage yun pala ay sadyang may live band tuwing gabi.

"nasaktuhan pa natin yung live band" ika nya kay Yoongi
"alam ko may live band dito tuwing gabi, nabasa ko dun sa post ng tropa ko"

Natutuwa sya sa live band naka dagdag ito sa ganda ng atmosphere sa coffee shop.

"Hyung ito pala pasalubong ko sayo" sabay abot ni Yoongi sa kanya ng paper bag.

May laman iyong Tshit at mga souvenirs. Laking gulat nya na may laman itong Malagos chocolate. Hindi lang isa kundi tatlo.

"ang dami naman nito Yoongi"
"konti lang yan. Saka pathank you din yan sa pag sama sa akin sa mga gala ko"
"salamat hindi ko na tatanggihan toh masama tumanggi sa grasya"
"sana magustuhan mo yung chocolate"
"oo salamat, papatikman ko din kay Namjoon madami dami kasi toh alam mo naman ako lang mag isa sa bahay masasayang kung ako lang kakain"
"okay lang hyung"

Tinabi na nya ang mga pasalubong ni Yoongi. Pero may napansin sya dito na parang hindi mapakali.

"May problema ka ba?" tanong nya dito
"ah... Wala bakit?"
"kasi hindi ka mapakali parang may gusto ka itanong sa akin"
"ano.... Meron nga"
"ano yun?"
"sa tingin mo ba hyung tanggapin ko ang offer ni Sir Je-Hyuk na maging officer na sa Japan?"
"bakit hindi? Malaking opportunity yun ano ka ba?"
"pero kasi parang ang lungkot. Wala ka dun, wala kayong mga ka close ko dun. Baka ma homesick lang ako"
"di ba naniniraham ka naman mag isa din tulad ko?"
"pero hyung mas malayo naman yun. Hindi ko kayo kayang puntahan kung may problema man or namimiss ko na kayo".
"pag isipan mo mabuti, dun ka kung san ka mas okay"
"nung nasa Davao kasi ako, dalawang linggo palang namiss ko na ikaw at kayo rito"
"pwede naman video call tulad ng dati"
"iba pag kausap mo ng harapan. Katulad ng ganto"

Mukhang hirap na hirap din talaga mag desisyon si Yoongi. Napag hahalataan ang iniisip nito sa mga kinikilos nito.

"wag mo muna isipin ang trabaho Yoongi, mag enjoy tayo ngayon"

Ngumiti lang ito sa kanya at nagulat sya ng biglang hinawakan nito ang kanyang kamay. Napatingin sya sa kamay nila pero mukhang ito ang kailangan ng kaibigan. Kailangan nito ng kamay na hahawak sa kanya para mabawasan ng problema. Kaya habang nakikinig sa banda ay magkahawak ang kanilang mga kamay.

Kumuha sya ng video para ilagay sa IG story nya. Sakto naman ang ganda ng kanta ang tinutugtog ng banda.

Sinama din nya sa video silang dalawa ni Yoongi at may mga picture din silang dalawa.

Hinatid sya ni Yoongi hanggang sa condo nya. Ayaw nya nung una pero ang dahilan nito madami syang dala at masyadong na gabi mahirap magbook ng masasakya nya. Pumayag na din sya dahil mapilit ito.

"salamat hyung" muling hinawakan ni Yoongi ang kamay nya
"wala yun, sige na salamat sa pag hatid mag ingat ka sa byahe"

Kumaway sya sa papalayong sasakyan nito habang hinahatid nya ng tingin. Nang nawala na sa paningin nya ang sasakyan ni Yoongi ay saka na sya umakyat.

Bago matulog ay nag check muna sya ng phone nya. Sunod sunod ang mensahe na natanggap nya kay Jungkook mula sa IG story nya.

[ang sweet naman]

[Hyung akala ko ba friendly date bakit may holding hands]

[ang lihim mo hyung, sabi ko na nga ba manliligaw mo ang kasama mo]

Binasa lang nya ang mga ito pero hindi na sya nag reply. Masyado na syang pagod para sagutin pa ang pangungulit ng batang un.

"Hindi siguro nito nakakausap si Hoseok kaya ako ang ginugulo"
Ika nya sa sarili nya

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon