Chapter 4

24 0 0
                                    

"Hyung, pwede ka ba ngayon weekend" bungad ni Taehyung kay Seokjin.

Si Taehyung ay isa sa mga barkada nya sa opisina. Taga ibang department ito. Nasa same circle of friends nila ni Yoongi.

"san tayo?" tanong nya. Alam nya mag aaya ito ng gala sa darating na weekend.

"gusto ko sana mag punta sa Batangas"
"ano naman gagawin natin dun?"
"may bahay dun tita ni Jimin malapit sa Beach"
"Alam na ba ni Jimin?"
"Yes Hyung alam ko na at nag paalam na din ako kay Tita" biglang sulpot ni Jimin sa may gilid nya.

Si Jimin ay matalik na kaibigan ni Taehyung. College palang ay magkaibigan na silang dalawa. Pag naging close mo si Taehyung tiyak magiging close mo na din si Jimin.

"dapat friday night byahe natin para sulit naman" ika nya sa dalawa.
"yep, friday night gamit kotse ni Yoongi Hyung"
"oh... Kasama si Yoongi? Himala nauna pa ata pumayag ang isang un"
"kinulit ko, hindi ako matanggihan cute ko kasi" sabay pakita ng box smile ni Taehyung.

"uhm... Pwede ba isama ko sila Hoseok at Namjoon. Close nyo din naman mga yun db? "
"oo namam hyung mas masaya madami tayo" masayang sagot ni Taehyung
"sige kausapin ko sila mamaya, salamat"

After nila mag usap ay umakyat na ang dalawa sa department ng mga ito habang sya naman ay umalis papuntang owwa.

Nung lunch time saktong naman makakasabay kumain ni Seokjin si Hoseok at Jungkook. Napapadalas kasi ang lunch meeting ni Hoseok at laging sila ni Jungkook lang ang magkasabay.

"Hoseokie... Pwede kba ng weekend? Friday night aalis tapos Sunday ng afternoon balik natin"
"uhm... Yes pwede naman san punta natin?"
"Batangas.."
"uy sama ako!" biglang sabat ni Jungkook
"pwede naman, sabi naman nila Taehyung mas masaya daw if madami, pero ipaalam ko muna sa kanila. Sasakyan ni Yoongi kasi yung gagamitin"
"uy.. Si Yoongi nice..." sabi ni Hoseok habang parang may halong panunukso
"Hoseok hindi ako ang kumausap kay Yoongi okay? Sinabi nalang sa akin nila Taehyung ayos na ang lahat"
"bakit defensive ka?"
Tinignan nalang nya si Hoseok ng masama. Napatingin sya kay Jungkook kasi parang tahimik ito. Kung kailan kasama nila si Hoseok saka ito naging parang pipe.

"uy! Ang tahimik mo ata?"
"ah... Wala hindi ko naman kasi kilala pa mga kinukwenti nyo kaya nakikinig nalang ako"
"ah... Sa weekend makikilala mo na sila. Tiyak ko magiging close nito sila Taehyung. Tingin mo Hoseok?"
"Oo magiging close mo sila Taehyung mababait yun" pag sang ayon nito kay Seokjin

Natapos sila kumain ay tila ganun pa din si Jungkook. Pinasawalang bahala nalang nya baka may dinaramdam lang ito.

Pagkabalik nya sa Opisina ay sakto naman nagkasalubong sila ni Yoongi.

"Yoongi sasakyan mo daw gagamitin sa Friday?"
"oo nga eh... Napilit ako ni Taehyung. Kulit kasi hahahaha..."
"Isasama ko pala sana sila Namjoon at Hoseok eh... Saka yung bago naming kaibigan ni Hoseok si Jungkook"
"ayos yan madami tayo"

Habang nag uusap sila ay dumating naman nila Taehyung at Jimin. Uwian na din kaya siguro dumaan ito sa floor nila.

"hyung kakagaling mo lang OWWA?" tanong ni Jimin
"oo eh... Nalate ako ng uwi kasi traffic. Nga pala naaya ko na si Hoseok at pumayag sya. Tapos isasama din namin yung bago naming kaibigan, si Jungkook"
"uy may newbie sa tropa" excited na sabi ni Taehyung
"uhm.. Ano ba mga plano? At mga need dalhin?"
Nag plano na silang apat. Mag grogrocery sila ni Yoongi ng Thursday ng gabi para sa mga snacks nila sa byahe at mga kailangan nilang gamit. Si Jimin at Taehyung naman ang bahala sa mga kakainin pagdating ng Batangas. Sabi kasi ni Jimin ay magsasabi na sya sa mga tauhan ng Tita nito para sa mga ihahanda. Mukhang masayang bakasyon ito kahit na 3 days at 2 night lang.

Nang nakauwi na sya ay tinawagan na nya si Namjoon para yayain.

"Namjoon Batangas tayo sa Friday night balik natin ng Sunday"
"wow hindi mo na ako tinanong kung pwede ako ah.."
"need pa ba? Alam ko naman galang gala ka din"
"hahaha.... Sino sino mga kasama?"
"ikaw, ako, Yoongi, Jimin, Taehyung, Hoseok and Jungkook"
"uy exciting toh... Kasama si Yoongi ang manok ko"
"manok ka dyan? May sabong?"
"hahahaha.... Hyung alam mo naman kay Yoongi ako. Gusto ko sya for you"
"teka lang magkakaibigan tayo dito"
"sure akong hindi kaibigan ang turing nya sayo hyung. Maniwala ka sa akin"
"ayan na naman tayo eh.. Pinag iisipan mo ng masama mga ginagawa nung tao. Alam mo naman talagang ganun lang sya"
"hyung hindi naman sya ganun sa lahat, sayo lang"
"nakuh apaka malisyoso mo talaga kahit kailan. Umayos ka sa Friday baka puro malisya ang isipin mo sa aming dalawa"
"bahala ka nga. Pero pagmamasdan mo talaga galawan ni Yoongi. For sure may makikita ako."
"ang kulit mo Namjoon.. Bye na nga"
"hahahaha.... Bye! good night"
"good night"

Pagkababa ng cellphone ay napapailing nalang sya sa mga sinasabi ni Namjoon sa kanya. Hindi na nito natanggal sa isipan na may gusto si Yoongi sa kanya. Lagi nitong pinipilit na meron nung una pa man.

Sa unang pagkakakilala ni Namjoon at Yoongi ay nagsabi na ang kaibigan na feeling nito na may gusto sa kanya si Yoongi. Nasisigurado daw nito sa mga galaw ni Yoongi. Nagkakapagtaka pero wala naman syang nararamdaman na iba sa pakikitungo ni Yoongi sa kanya. Ang tanging natatandaan lang nya eh.. Nung kakain na silang tatlo sa isang fastfood chain eh.. Kinuha agad nito ang order nila at tumayo na. Ito na daw ang oorder. At nung dumating naman ito ay inilagay sa mesa ang mga pagkain nila. Tinanong lang sya nito kung may iba pa syang gusto, na sa tingin nya ay normal lang. Pero kay Namjoon ay hindi daw ito normal. Masyado daw maasikaso sa kanya si Yoongi.

Mula noon ay lagi na tinatanong ni Namjoon kung musta sila ni Yoongi. Pag lumalabas sila ay nag papakwento ito. Gusto nitong maging updated sa pakikitungo sa kanya ni Yoongi.

Aamin naman sya na kung minsan ay nabibigla din sya sa pakikitungo ni Yoongi pero siguro ay espesyal na kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Sya kasi ang nakakatanda at nasasabihan nito ng mga nararamdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon