Chapter 2

33 1 0
                                    

Natuloy si Yoongi at Seokjin sa Coffee shop na gusto punthan ng nakababata. Maganda ang coffee shop, bagay na bagay na tambayan ng mag babarkada at pwede din sa mga magkasintahan. Katamtaman lamang ang laki nito at hindi din dagsa ang tao katulad sa starbucks. Masasarap din ang mga frappe at kape nila.

"Maganda at masarap ang pagkain dito ah.."
"buti nagustuhan mo hyung" ngiting ngiti sabi ni Yoongi

"sayang nga hindi pwede si Namjoon, malamang magugustuhan din nya dito"
"ah oo nga sayang"
"san mo pala ito nakita? At bakit gustong gusto mong puntahan? May dadalhin ka bang nililigawan dito?"
"nakita ko sa post ng isang kakilala. Wala lang gusto ko lang makita kasama ka. I mean kasi alam ko mahilig ka din sa gantong lugar at mahilig ka din sa mga kape"
"ah..akala ko dinala mo ako dito para tanungin kung okay ang lugar para sa date. Okay sya kung may idadate ka. Mas okay un kesa ako kasama mo hahahaha...." ngumiti lang si Yoongi sa sinbi ni Seokjin.

Gusto pa sana nila magtagal ngunit may pasok pa bukas at may out of town pa si Yoongi. Mawawala daw ito ng mga 2 linggo.

"Yoongi dumating na yung binook ko na grab salamat sa pag invite at libre sa akin"
"wala yung Hyung, ingat ka!"
"ikaw din ingat ka bukas. Malamang hindi kna makakadaan sa office nyan"
"oo diretcho na ako sa airport bukas. Salamat!"

Nang makasakay na sya ay napapikit nalang sya gawa ng pagod. Minsan napapaisip nalang din sya kay Yoongi at sa mga ginagawa nito. Nagtataka pa din sya kung bakit sya ang niyaya nito sa coffee shop na yun samantalanag alam nyang madami itong barkada sa trabaho. Nung sinabi nya na sasabihan nya si Namjoon ay parang ayaw nito, kaya nagdahilan nalang sya rito na hindi pwede ang kaibigan pero sa tunay ay hind nalang nya ito niyaya. Nagtataka din sya kung minsan pag rating sa opisina ay may choc-o nalang sya sa lamesa at may note ni Yoongi. Naikwento na nya ito kay Namjoon noon pa at sinasabihan sya ng kaibigan na baka may lihim na patingin sa kanya ito at pinaparamdam na lamang ang nararamdaman. Pero lahat ng sinabi nito ay tinatanggi nya. Ayaw nya isipan ng kung ano pa man ang ginagawa sa kanya ni Yoongi. Baka nga ganun klaseng kaibigan ito kaya madaming may gusto rito.

Lumipas ang mga araw. Si Yoongi kahit na sa ibang lugar ay nag tetext sa kanya or tumatawag para mangamusta. Minsan ay nag vivideo call sila ngunit kasama ang ibang kabarkada nila sa opisina.

Lalo naman silang naging close ni Jungkook. Itetext sya nito sa umaga ng good morning at pag lunch na at alam nito na nasa OWWA sya ay susunduin sya nito sa klase para sabay silang kumain. Kahit wala si Hoseok ay sinasabayan sya nito. Naging close na din sila sa isat isa dahil dito. Ayaw naman nya bigyan malisya ang mga ginagawa nito. Sinasawalang bahala bya nalang ang sinabi noon ni Hoseok sa kanya. Sadyang palakaibigan lang siguro si Jungkook kaya sya nito laging hinahanap.

Linggo ay napag planuhan ni Seokjin at Namjoon na magkita. Gusto na din kasi nya na ikwento rito ang mga nangyari sa kanya ng nagdaang linggo. Parang sa konting panahon ay madaming bagay ang gumugulo sa utak nya.

Nagkita sila ni Namjoon sa paborito nilang kapehan sa may Malate. Pagkarating doon ay saktong libre ang paborito nilang upuan sa may bandang dulo kung san makakapag usap sila ng maayos. Pagkaupong pagkaupo nila ay nagtanong na agad ito sa kanya.

"oh... Anong kwento?
"Sino ba uunahin ko?"
"uhm... Si Yoongi muna"
"bago sya umalis papuntang Davao eh niyaya nya muna ako puntahan ung bagong coffee shop sa may Taft. Sabi nya matagal na nyang gusto puntahan  yun. Nag aaya ako ng ibang kasama namin kaso sabi nya mga may lakad daw. Nung sabihin ko naman aayain kita eh.. Parang ayaw kaya hindi na din kita tinanong"
"hindi din naman ako sasama, masisira ko pa date nyo!"
"hindi yun date!"
"maniwala ka pasimple kang yang si Yoongi!"
"hindi yun, saka normal na yun sa kaibigan ayain mo sa bagong kainan ganun lang yun wag natin bigyan ng malisya"
"asus! Aminin mo na minsan napapaisip ka din sa mga ginagawa ni Yoongi sayo"
"hindi noh! Wala sa isip ko yan! Kaibigan lang talaga tingin nun sa akin" pilit nyang tanggi sa gusto nitong iparating.

"eh yung bago mong kilala? Ano naman ang kwento?"
"uhm..  Kaibigan sya ni Hoseok. Pinakilala sa akin. Unang kita namin okay naman sya. Gusto ko din sya ipakilala sayo para maging kaibigan mo. Mabait naman mejo makulit kasi bata pa"
"uhm... Basta kay Yoongi ako hahahaha...."
"alam mo ikaw apaka malisyoso mo!"
"gusto ko lang sumaya ka Hyung, after your heartbreak 5 yrs. Ago, gusto ko naman maranasan mo ulit sumaya"
"salamat pero sana maapply mo din sa sarili mo!" sabay silang nagtawanan.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta naman sila Robinson dalawa. Gusto nya sana tumingin ng bagong sapatos.

"hyung dapat ata si Hoseok ang sinama mo mag shopping hindi ako"
"okay lang yan same naman kayo magaling sa fashion dalawa kaya tulungan mo na ako!"

Nang makapili na sya ng sapatos ay sabay na silang umuwi. Magkalapit lang kasi sila ng tirahan. Ang condo na inuupahan nya eh.. Isang kanto lang pagitan sa bahay nila Namjoon.

Nakatulog na si Namjoon sa byahe. Habang sya abala naman sa panonood at pag titingin sa twitter at instagram. Nag IG story sya ng picture nila ni Namjoon sa coffee shop ng biglang nag reply dito si Jungkook.

[wow.. May date]
[kumain lang kami sa labas date na?]
[oo! Sino yan Hyung? Bf mo?]
[loko single ako, bff ko yan]
[ah... Akala ko bf mo, iiyak na sana ako]
[bakit ka naman iiyak?
[kasi may bf ka pala]
[ano nakakaiyak dun kung may BF ako?]
[wala na akong pag asa sayo!]
[tantanan mo nga ako Jungkook! Hindi nakakatawa biro mo! Itong batang to!]
[hahahahaha.... Hindi kna mabiro! Asan na kayo ng "bff" mo]
[bakit kailangan ung "bff"? hahaha... Pauwi na kami]
[ah.. Ingat kayo ni "bff"]
Hindi na sya nakareply dahil nakarating na sila sa condo nya. Sya kasi ang unang baba bago ito.

"sige Namjoon salamat, text mo ako pagkarating mo ng bahay"
"parang ang layo ah.."
Tawa nalang sinagot nya dito saka muling nagpaalam.

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon