Part 1

14 1 0
                                    

Oh there she is again. Mag-isa palang siya...

"ㅡsino tinitingnan mo dre?"

Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko nang biglang sumulpot sa harap ko itong pinsan ko hawak-hawak ang tray niya na may pagkain.

"Ah wala" sagot ko nalang pero di parin siya nakuntento at tiningnan kung saang direksyon ako nakatingin kanina.

"Siya ba yung tinitingnan mo kanina?" sabay nguso doon sa nag-iisang babaeng seryosong nagtatype sa laptop niya.

"Ha? Hindi, Im just thinking about how can I survive our long quiz later" pagmamaang-maangan ko.
"Bakit kilala mo ba yun?" pahabol kong tanong.

"Oo, kagrupo kami sa reporting mamaya. Teka tawagin ko nalang rin, baka para sa reporting namin yung ginagawa niyaー YULLI!" tinawag niya yung babaeng naglalaptop kanina kaya lumingon yung babaeng 'yon sa direksyon naming dalawa.

"Gago, close kayo o feeling close ka lang -_-" tanong ko.

"Gago ka rin, kaibigan kami niyan" sagot niya

Hmm, so 'Yulli' is her name.

***

"Uy Chase buti nandito ka, patulong sa report natin, medyo hindi kasi ako sure sa grammars ko. Pacheck nga kung tama" ani Yulli sa pinsan kong si Chase nung nakaupo na siya at inopen agad yung laptop pagkalapag niya nito sa table.

"Ayy nga pala, pinsan ko, si Stephen" biglang pagpapakilala sa akin ni Chase kay Yulli.

Medyo di ako nakaready nung pinansin niya ako ng biglaan, she greeted me "Hello" then smiled at me and ofcourse I smiled back at her.

"Ehem!" Chase suddenly cleared his throat. I don't know if its on purpose but thanks to that because I didn't know I was already staring at Yulli, nakakahiya naman baka mahuli niya ako, akalain pang may gusto ako sa kanya.

I got distracted from my train of thoughts when she closed her laptop and got up from her seat.

"Sige una na ako sa inyo, puntahan ko na muna yung iba naming members. Bye bye~" she waved at us at umalis na.

"ㅡI just confirmed something" Chase suddenly spoke at napalingon nalang ako sa kanya ng may pagtataka.

"Huh?" nalang ang naiuntag ko

"Si Yulli nga yung tinitingnan mo kanina pa bago ako dumating ditoー ay di pala kanina ... kasi lagi-lagi pala." he explained

"Huh?"

"Wag ka na magdeny. I always see you staring on somewhere I dont know bago pa ako pupunta dito sa table, and when I check it outー it is always where Yulli was."

"Coincidence lang yun" sabi ko

"It's been weeks so it is too much for a coincidence haha am I right?" sagot naman niya. And I gave up wala na akong pang explain

"Fuck, oo na siya tinitingnan ko. But that doesn't mean that I like her, okay? It's only my curiosity -_-"

"Curiosity... What's the thing about her that you're curious?ー TEKA!" Tangna ang kupal sumisigaw bigla.

Lumapit naman siya ng konti na kunwa'y bubulong

"wag mo sabihing curious ka paano kumilos ang isangbabae?" after that, he got back from his seat and shrugged "Hmm pretty good excuse tho, peeo di ko na kasalanan kung malaman nina tito at tita yan" at tumayo na siya dala ang tray niya at bago pa siya makalayo may pahabol pa siyang sinabi.
"ㅡge una na ako sayo. Goodluck sa curiosity bro" at napasapo nalang ako sa mukha ko.

Tangina talaga kausap.

***
[fast forward]

4 years and 6 months already passed, Im in my second year as a college student, pero sakit parin sa ulo.
Bwisit naman kung bakit andaming nagpapa-long quiz! Last last week pa ata eh, di ba sila nauubusan ng ipapaquiz nila? Ampota

"Hi Stephen, kay aga nakabusangot yang mukha mo" I was startled by that voice, I know whose voice is that and I was right its from Yulli. I just smiled at her before she walked away.

Hmm, mag-isa lang kaya siya?


"PSST! YULLI! DITO!"

okay so hindi. She's with her friend.

Hinanap niya kung sino yung tumawag sa kanya at nung nakita na niya kung sino, dali-dali na siyang pumunta doon.

They're three tables away from me, nakatalikod siya.

Tumingin sa akin yung kaibigan niya ng madalian at may sinabi siya kay Yulli pagkatapos.

Tapos nagkaroon sila ng friendly argument siguro na sila lang ang nakakaalam. Tumingin nanaman sa akin ng madalian yung kaibigan niya tapos may sinabi nanaman lay Yulli dahilan na kurutin siya nito tapos tumawa lang yung kaibigan niya sa inakto niya.

Ako ba pinag-uusapan nitong dalawang ito?
(?..?)

" Stephen the spy... Pwede, pwede"

Nagulat nanaman ako sa biglaang pagsulpot ng kupal kong pinsan sa harapan ko, kabute ampota. Wearing his grinning face-- tinanong niya "Kamusta pag ii-spy kay Yulli? Handa ka na ba maging binabae? Hahaha matagal tagal na ring kuryosidad yan ah, anggaling" sarap suntukin ang kupal

"Tangina ka talaga, bakit ka pa nakikiupo dito kung wala kang kwentang kausap."

Tumawa lang siya, tapos binuksan yung soda na hawak niya.

"I think she has a crush on you, noon ko pa napapansin" sabi ni Chase na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Ako?" turo ko sa sarili ko

"Tanga, may iba pa ba akong kausap -_-" sabi niya

"Malay ko ba kung kausap mo sarili mo. Pero kung ako nga kausap mo. Sinong tinutukoy mo na may gusto sa akin?" tanong ko pa

"Yulliー Sa tingin ko gusto ka niya" sabi niya sabay inom ng soda niya.

"Paano mo naman nasabi?" I asked and acted as if I am not interested but I really am interested with it.

"Palagi siyang magtatanong sa akin tungkol sayo tapos kung anong gusto mo tapos kung may girlfriend ka na ba, at kung ano-ano pa."

"Ah, yun lang pala" sabi ko

"Oo yun lang and she asked me a while ago kung kumakain ka ba ng chocolates, pero di ko alam kaya sinabi ko nalang 'oo', kumakain ka naman siguro ng tsokolate diba?"

"Yeah, chocolates are fine with me tho"

"Uyy abangan mo, baka bigyan ka niya ng tsokolate bigla hahaha" asar niya

"Gago, asa pa. Busy yun palagi sa schoolworks." sabi ko

"Ayy alam na alam..." sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero may dinagdag pa siyang sinabi.

"...ah syempre ilang taon ba namang pagmasdan si Yulli. Hahaha bat pa ba ako magtatanong" he shrugged pagkatapos mang-asar.

"Tangina ka tumahimik ka baka may ibang makarinig akalain pa nilang may gusto ako sa kanya."

"Bakit wala nga ba?" he looked at me doubtfully

Natahimik naman ako sandali.

Oo nga, wala nga ba?

"Oo wala kaya shut your traps" sabi ko.








Im pretty sure that's the right answer, right?

_____
To be continued...

Kinakalimutan Kita Pero Bakit Ganyan Ka? 2 [SHORT STORY]Where stories live. Discover now