___Nakahinga ako ng maluwag nung in-announce kanina na mayroong school event bukas ng hapon and voluntary lang ang pag-attend.
At syempre nakakatamad na kahit hapon pa 'yon kaya di talaga ako papasok bukas.
At yun ang akala ko.
***
"Tsk, pwede iba nalang i-assign niyo? Di ako papasok bukas eh. Madali lang naman magcollect ng bente sa mga kaklase natin kaya wag na ako ang i-assign niyo."
"Sabi ni Prof. Damo, ikaw ang i-assign ko, pag di mo daw gagawin, ibabagsak ka niya." sabi sakin ni Nez.
Ampucha talaga. Ang hilig nilang gamitin yan para takutin mga estudyante nila. Akala nila matatakot ako sa bagsak? Malamang oo, tangina nakakatakot bumagsak bwisit talaga. No choice tuloy.
"Tch, sige na nga, kapag nacollect ko na agad lahat bukas, uuwi na ako pagkatapos, sabihin mo yan kay Prof. Damo." sabi ko
"Okay. Sasabihan ko si Prof. Damo. Thank you Stephen" at umalis na siya.
Ugh, kala ko makakapagpahinga na ako bukas
→_→***
[day of the event]
Okay 25 lang kami sa klase ni Prof. Damo kaya madali lang 'to
Dala-dala ko yung list of names ng mga kakalase ko na kokolektahan at tinitingnan yung mga nakahighlight ang apelyido which is naka indicate na yun ang mga present ngayon and miraculously present lahat.
I looked around and well pumunta ako sa crowd. Tangina ang dami talagang tao. Makikita mo dito lahat kahit nasa kabilang department. Ano lang naman ang event ngayon ah? 'Di naman ganoon ka-special.
Nahanap ko na ang 17 sa mga kaklase ko at nakolekta ko na rin ang bente bawat isa sa kanila, pagkatapos ay umalis muna ako sa crowd at pumunta sa may gilid. Bwisit, may nakatapak pa sa akin kanina, nak ng tokwa talaga. Umupo muna ako sa nakita kong upuan sa gilid at hinilot yung paa kong natapakan. I wandered my eyes everywhere at nahagip ng mga mata ko si Yulli na kinakausap ng kaklase niya siguro. I was only meters away from them and I overheard their conversation.
"Ayaw ko. Please iba nalang" -Yulli
"Pero absent si Helen, ikaw lang yung alam ko na maaasahan ko. Please na Yulli ikaw nalang substitute sa kanya" sabi naman nung kaklase niya at hinawakan pa yung dalawang kamay niya
"Ayaw, nahihiya ako, paano kapag di ko alam yung kanta na mapipili ng randomizer. Edi nakakahiya talaga kaya ayaw kooo"
"Kaya nga ikaw ang tinakbuhan ko kasi halos lahat ng kanta alam mo. Please Yulli, I trust you in this. Gusto mo pa bang lumuhod ako dito?" aktong luluhod na yung kaklase niya kaya nagpanic si Yulli at napa "oo na sige nalang kaya tumayo ka na jan" agad.
"Omg thanks Yulli!" tapos iniwan na siya nung kaklase niya.
Nakita ko naman na medyo nagpanic siya na parang maiiyak na. I was on my way to approach her when suddenly someone's approaching her already kaya napabalik nalang ako ng upo bigla.
And who's that? Tch.
Kinausap siya nung lalaki and I can't help but eavesdrop.
"Bughaw! Kala ko aabsent ka?" -Yulli
"Pinagalitan ako ni mommy, sabi niya baka importante daw itong event, sabi ko naman na hindi, pero pinilit niya parin ako, kung hindi eh cut-off ang allowance ko for the whole month ー at ilang beses ko ba sasabihin na my name's 'Blue' , ang corny nung 'bughaw' Yulli eh" sabi nung lalaki tapos ay tumawa naman si Yulli
YOU ARE READING
Kinakalimutan Kita Pero Bakit Ganyan Ka? 2 [SHORT STORY]
Roman d'amour[COMPLETED] Kinakalimutan Kita Pero Bakit Ganyan Ka? 2 (KKPBGK 2) ㅡ HIS P.O.V. ㅡ a short romance story ㅡ still product of my imaginations ©All Rights Reserved ✧.*[09.14.2021 - 09.22.2021]*.✧