IIGTBB 04

45 24 0
                                    

Chapter 4: Work







Maaga akong nagising at hindi sinabi kay Lola Llyanda yung pag-alis ko pero alam naman na kasi ni lola kaya okay lang yon sakanya pero kailangan ko pa ding magpaalam sakanya.





Kay Ate Elaine ko nalang iniwan lahat siya na ang taga bantay ngayon kay Lola may tiwala ako kay Ate Elaine dahil kilala siya ni Lola at siya na mismo ang nagalaga kay Lola nung nasa FEA ako.








Nagbihis na ako ng naka-oversize t-shirt na binigay ni Ms. Pascua sa akin at nagpantalon lang ako nag sneaker na ako at bago ako umalis hinalikan ko sa noo si Lola.










Pumunta pa akong kusina para uminom sana ng tubig ng may nakita akong tupperware sa ibabaw ng lamesa. Ito yung gamjatang na korean spicy pork spine soup.








Ito talaga ang favorite ko sa lahat na soup sobrang sarap at medyo may pagkamaanghang nga lang siya pero okay lang sakin tama lang siya.






Sumama ako kay Ashiana sa bagong apartment ni Vien doon kami magstay ni Leigh dahil wala kaming mapapagistayan na bahay.







Yung dala kong bagahe na may isang backpack, small backpack at isang duffle bag yung small back pack at shoulder bag ayun ang gagamitin ko sa araw-araw na pagpasok ko sa trabaho basta lahat ng kakailanganin ko nandidito na sa bagahe na dala ko.







"This is your room. Khaiza, kung may kailangan ka katukin mo lang ako andoon banda yung room ko." sabi naman ni Vien sa akin.



"Yeah thank you, Vien." nakangiting sabi ko sakanya nginitian niya lang ako at pumasok na siya sa kwarto niya.



Tumango ako sakanya pumasok na ko sa kwarto at nilock ang pinto medyo kulob itong kwarto dito at magka-room kami ni Leigh yung isang kwarto kasi ni Vien na kay Ashiana doon siya nagroroom at isang bedroom lang ang nandoon. E, kasi dito sa kwarto namin ni Leigh dalawa ang kama at dalawang single bed ang gamit namin dito




Halatang pinaghandaan ito ni Vien pati sa design ng room ang plain lang puro beige and white color ang makikita dito sa kwarto nagring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko na yung tawag. Si Lola Llyanda.


"Hello po, La."

[O, apo kamusta dyan? Okay ka naman ba?]

"Okay lang po ako nandito na po ako sa apartment ng kaibigan ko po kayo po diyan?"

[Ito namimiss ka agad masasanay din si lola, apo basta't magiingat ka diyan yung mga binilin ko sayo ah okay lang ako dito, huwag kang magalala. Si Elaine ang kasa-kasama ko dito, ayos naman kami]

"Okay po, lola salamat po dahil pinayagan po ninyo ako. Maraming salamat po, Lola."

[O, siya sige alam kong abala ka dyan sige na ibaba ko na ito...]



Narinig ko pa yung pagtawag niya kay Ate Elaine napangiti naman ako doon hindi niya siguro alam kung paano ma-end call yung tawag. Si Lola talaga! Tinignan ko ang text message kung meron at kay Vien ang una kong nakitang message.




From: Vien
Khaiza, pwede ka bang pumunta ngayon dito sa  main office?

To: Vien
Oo, sige. Pabihis na ko.

From: Vien
Papasundo na lang kita dyan.
Thank you.



Mabuti nalang at naka-white oversize shirt ako. Tinuckin ko lang yung oversize shirt ko at nagsuot ako ng plaid blazer na color beige.




Medyo kinakabahan ako na hindi ko alam kasi bakit ako ipapapunta ni Vien doon. Ano bang kailangan niya o baka may ipapagawa sa akin.






Nang nasa harapan ko yung sasakyan na susundo sa akin ay sumakay na agad ako baka may importanteng sasabihin si Vien kaya pinapunta niya ako sa main office.


Mas dumoble ang kaba ko ng nasa harapan na ako ng company building ni Vien. Sana naman hindi mahirap ang ipapagawa niya kung meron man pero kung wala okay lang din naman.






Khaiza, sumunod ka naman agad nakalimutan mong itext sakanya kung para saan at kung bakit ka naman niya pinapunta sa opisina niya. Ang tanga lang! Anyway, mukhang importante ito kaya hindi na ako nagabalang magtanong pa sakanya nakakahiya din kasi baka maraming ginagawa si Vien bahala na.

Khaiza Faye: It Is Good to be BadWhere stories live. Discover now