Chapter Four
Kiara's PoV
"Ano? Hindi ka pupunta?" Padabog na saad ko, kainis! Hindi pala pupunta si Lexa dito at sasamahan ako may pasabi sabi pa siya ng promise tapos hindi lang pala ako sisipotin, kabognot naman ng araw! Ayaw ko pa naman na sinasabihan ako ng promise tapos hindi rin pala tutuparin.
"Sorry talaga Kia, big emergency lang talaga, kung nagtatampo ka dahil nag-promise ako sayo, sorry na please! Please! Please! Ple--"
"Okay! Tama na OA mona e, basta babawi ka sakin ha?" pabuga kong saad sa hangin.
"Thanks sis! Love you so much!"
"Sige bye na Lexa kakain mona ako, kapagod kayang maglakad ng pabalik balik dito sa mall"
"Bye!" Siya.
Pinatay ko na mana iyong phone ko kasi malolobat narin ito, hayst minsan talaga si Lexa ang sakit sakit sa ulo. Ano na naman kayang emergency iyon? Bakit ba hindi sila nauubusan ng emergency, pamilya ata sila ng punong punong emergency eh. Ganon naba kahirap magkaroon ng tatay na Congressman? Well! Mahirap talaga magkaroon ng tatay na Congressman, Kung ako siguro si Lexa baka sobrang bored ng buhay ko, puro media, bahay, school and repeat. Hayst ang sakit sa ulong isipin si Lexa>.<
"Boooo~"
"Ay emergency!!" Napasigaw ako sa sobrang lakas ng may biglang gumulat sa akin at hinawakan ang balikat ko. Ano bayan=_=
"Hahahahahaha gulat na gulat, naka tide ka siguro no?"
Napatingin naman ako don sa gumulat sa akin at nakita ko si---
"Oh anong ginagawa mo? Bakit hindi mo kasama iyong ibang member ng fanclub ko?"
Humagalpak naman siya ng tawa at umupo sa tabi ko, putik! Anong mali sa sinabi ko?
"Anong nakakatawa?" seryosong tanong ko.
"Na may fanclub ka? Sino at kelan pa?" Nakangiting sabi nya.
"At nagawan mo pang ngumiti?"
"Bakit bawal ba? Anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa kalang?" siya.. pero tumatawa tawa parin, matiguk ka sana, ay wag na pala mababawasan pogi sa Pilipinas;)
"Masamang mag-mall magisa?" then inirapan ko siya.
"Hindi naman! Anong gagawin mo ngayon?^_^"
"Wag ka ngang ngumuti" naiilang na tanong ko. Wth! Ang pogi nya lalo na pag ngumiti siya.
"Bakit? Ang pogi ko?" Pagmamayabang nya.
"Alam mo iyong salitang FEELING? ikaw iyon, pogi ka saang parte? Eh wala kapang talampakan ni RM"
Biglang kumunot iyong noo nya sa sinabi ko at sinabing "wag na wag mo akong ihalintulad sa mga baklang iyon" medyo madiin nyang saad.
"Anong sabi mo? Paki-ulit?" Ako.
"Sabi ko WAG NA WAG MO AKONG IHALINTULAD SA MGA BAKLANG IYON, ano? Siguro naman rinig mo na diba?"
Sa sobrang inis ko ay mariin kong ikinuyom iyong dalawang kamao o at balak sana siyang patayin kaso...
*KRRRRIIINGGG *KKKRIIINGG*
"Hello..? Oh saan?.....wala akong time.....ha? Ano?" Saglit na tinginan nya mona ako at ibinalik ulit ang sarili nya sa pakikipag usap.
"Sige! Pupunta na ako" iyon nalang ang narinig ko sa kanya, bigla naman siyang tumayo pero iniyuko mona nya ang sarili nya tapos inilapit ang sarili nya sa tenga ko at binulong na "lately mo nalang ako patayin, wag dito baka isipin nila bad person ka" he's said tapos binigyan ako ng isang nakakadiring smirk.