CHAPTER 10 - TROUBLE

37 2 0
                                    


ZEKE POV



Ang liit talaga ng mundo noh, biruin mo iisang paaralan lang kami ni Vienne. Parang good sign ata ito ah.

Kasalukuyang hinintay ko dito sa baba si Vienne papunta kasi ngayon sa alumni namin. Tss.. mga babae nga naman katagal mag bihis.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa paglalaro dito sa phone ko.


Ilang minuto pa lumipas, nabored na ko sa kakalaro hindi pa din bumaba si Vienne.


Maya maya pa me narinig na akong me pababa sa hagdan. Agad ko tiningnan kung si Vienne na ba ang bumaba.


Si Vienne nga, sh*t! ang ganda nya. Kahit anong damit babagay sa kanya. Oh how i really love this woman, my Vienne.

She's just wearing a simple dress, simple but elegant isa sa mga gusto ko hindi yung trying hard na magpaganda para lang maimpress yung kadate nya.


Oh ano nangyari sayo jan para kang timang nakatulala jan


Ha? wala, ang ganda mo kasi kaya ayan tuloy natulala ako sayo. biro ko sa kanya.


Hahaha loko ka dami mong alam, tara na. Anong oras na ba? Baka malate pa tayo. tanong nya


Oras na para mahalin ako. Bíro ko uli sa kanya.


Hoy zeke!!!! kanina ka pa bumabanat jan.


Hahaha tara na nga baka kung saan pa umabot yang mga banat mo sabay pasok sa sasakyan tingnan nyo di man lang nag-antay na pagbuksan ko sya ng pinto basta na lng napasok.

Wala kaming imikan habang papunta kami sa school. Pakiramdaman lang kaming dalawa mapapanis laway ko nito.Hindi ko pa rin maiwasan hindi sya tingnan habang nagddrive.

Grabe me angel atang dumaan pagbasag ko sa katahimikan namin nakakabingi kasi

Ha? anong angel na sinasabi mo jan? maang na tanong ni Vienne grabe di man lang nahalata na nagpaparinig ako tsk tsk


Wala, ang tahimik kasi natin nakakabingi napapanis na laway ko dito sagot ko sa kanya sabay lingon.

Hahaha,, kasi po ayoko istorbohin ka habang nagddrive tsaka pwede ba sa daan ka tumingin hindi kung saan saan..  



Pag dating namin madami na ang ang mga dumating sakto lang talaga para mag umpisa yung event. Hinahanap namin yung table kung saan kami nakareserve. Grabe na lang kung tingnan nila itong kasama ko akala naman ngayon lang nakakita ng babae. Nakakainis.


Hi zeke, how are you now? Mas lalo kang gwamapo ngayon ah... ahehehe lagot ako nito  bat andito patay na.

Hindi naman, tulad pa rin ng dati mahinang sagot ko.

Well kung ganon pwede bang ikaw na lang maging date ko this night?holy cow, asan na ba kasi si Vienne bakit wala sya sa tabi ng tingnan ko sa likod ayun me kausap pala. Nagdasal ako na sana makalapit na agad sya dito psst! 

Watapak, paano ba to.


Ahh Im sorry Lineth but im with my girlfriend 


Hay naku Kyle hanggang ngayon di pa rin nagbago ang palusot mo hahaha


Ehem... narinig kong me tumikhim. At alam kung sino yun dahan dahan akong lumingon sa likod. Yes! my savior


ahehehe, ahhmm Lineth this Vienne my fiancee and hindi talaga ako nagpapalusot Lineth. See this? Itinaas ko yung kamay ni Vienne para makita yung engagement ring na binigay ko sa kanya.


Vienne this is Lineth classmate ko dati.


Hi nice meeting you sabay lahad ng kamay ni Lineth


Same here nakangiting ganti ni Vienne. 


Di nakaligtas ang mga mapanuring tingin nya sa akin habang paalis kami dun.


Woop, wag mo kong tingnan ng ganyan. pairap nyang sabi


Bakit? Inaano ba kita? Para tinitingnan ka lang naman ah..


Pag dating namin sa loob sumalubong sa amin ang lakas ng ingay ng banda. Hinanap namin yyng table na nakalaan sa amin.

Bessy,, dito oh.. kaway ni Diamond

Kanina pa kayo dito? Tanong ni vienne kay diamond

Medyo alam mo naman ako ang nag arrange nito kaya malamang andito na ko kanina pa

Ano yan? Pilosopo lang teh?

Hahaha si bessy talaga di na mabiro.

Mayamaya pa nag umpisa na ang event, madami rin ang umattend. Lahat kanya kanyang partner.

Asan na kaya ang mga ugok na yun akala ko ba pupunta sila dito. .

Nagpaalam na muna ako ke Vienne para hanapin sila. Nang makita ko na ang hinahanap ko agad ako pumunta dun.

Yow bro akala namin di ka na pupunta aba kakaumpisa pa lang ng party lasing na ang kumag

Hindi pwede hindi ako pumunta alam nyo naman di ako nakapunta dito last year.

So ready ka na makaharap mo sya? Ani ni matthew

Nag isip pa ko, handa na ba talaga ako. After those years iniisip ko pa rin kung paano kung magkita kami.

Ito ang dahilan kung bakit di ako nag aattend sa ganitong gathering.

Siguro, ewan bahala na. Sagot ko

Bro tama lang itong ginawa mo kasi paanu mo malalaman kung nakapagmove on ka na ba talaga sa kanya paliwanag ni Adrian

Wow pre hugot lang? Asar ko

Bahala ka nga ikaw na nga itong binibigyan ng advice, jan ka na nga maghahanap na lang ako ng magpapasaya sa kin ngaun kitam loko talaga kaya paanu ka maniniwala sa isang yun.

Asan ka na yung date mo bakit wala pa tanong ko ke Chester

Hmn baka mamaya pa yun alam mo naman ang mga babae kabagal kumilos tanging sagot nya.

Eh ikaw me date ka nga iniwan mo naman, baka mamaya me ibang hihila nun.

Fvck! Iniisip ko pa lang me iba syang kasama. Parang gusto ng manuntok.

Makaalis na nga! Sabay tayo ko

Wow possesive lang dre? Pang aasar ni Blaze

Shut up! Im not possesive man, depensa ko

Sinung possesive? Shit that voice para makasiguro nilingon ko kung tama ba hinala ko.

Hi hon, its been a long time hindi ko na inasahan ang sunod nyang ginawa.

Fvck!

I miss you honey sabay pulupot sa braso ko.


My Anticipated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon