CHAPTER 13 - THE PROPOSAL

42 1 0
                                    

VAG POV

"Hoy babaeng bato! Halika ka nga dito" tawag ko ke Diamond andito kami sa back stage ngayon kasalukuyang nagpapahinga ayoko pa kasi lumabas kasi nahihiya pa ko.

"Bakit bessy anong problema?" Maloko nyang tanong

"Bakit di mo sinabi na yun ang kakantahin? Jusko buti na lang favorate ko si Jessy at napapakingan ko ang mga kanta nya kung hindi naku naku ka talaga nganga tayo dun!" Mahabang paliwanag ko

"Bessy relax, tapos na diba? Tsaka naitawid din natin yung kanta ng matiwasay" pang uuto pa sa akin ni Diamond.

"Hmp sarap mo talaga....! Tanging nasabi ko

"Hoy bessy alam kong masarap ako pero yuck di kita papatulan kahit maganda ka!" Sagot ni Diamond

"Hoy bruha anong sinasabi ko jan excuse me lalong hindi kita papatulan tsura mo!" Ganti ko

Nasa kalagitnaan kami ng pag aasaran ng pumasok sila Sasha at Merideth.

"Ano kumusta ang show?" Tanong ni Diamond

"Haist ok lang naman muntik pa kami magkamali buti na lang naagapan" natatawang sabi ni Merideth

Ilang sandali pa bumalik na kami sa table namin dahil wala naman kami gagawin dun. Hindi maalis ang ngiti namin mula kanina marami nagsasabi bakit di daw namin itinuloy yung groupo namin. Masaya namin kami kahit di namin itinuloy kasi parang libangan lang namin to. Mas priority kasi namin yung mga negosyo namin.

"Gry?" Natigilan ako sa narinig ko iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganon.

Dahan dahan ko nilingon ang tumawag sa akin. I know its him.

"Hi!" Bati ko sa kanya. Oh my god that face. I couldnt believe after those years di pa rin nagbago itsura nya. Mas naging mature ang itsura nya, mas lumaki ang katawan.

"How are you, akala ko di ka naman aattend."

"Ahm akala ko din kaso naisip ko wala naman akong gagawin ngayon so umattend na lang ako" ano ba bakit kinakabahan ako.

"Ah akala ko kasi galit ka pa rin sa akin kaya ayaw umattend dahil umiiwas ka" malungkot nyang sabi

Awtz sapol ako dun ah ang talino nito naisip nya un. "hindi noh talagang busy lang ako last year" pagsisinungaling ko

"Ehem! Parang kayo lang tao dito ah di nyo na kami napansin agad dito!" Pagsabat ni Diamond

Minsan ipagpapasalamat ko sa panginoon ang pagiging madaldalin ni Diamond. nakakailang kasi na halos nasa akin lang mata ni Ethan.

"Hoy nathaniel wag ka masyado pahalata jan na me gusto ka pa ke Vag" pangaalaska ni MM kahit kelan talaga lakas makabanat

"Hahaha ganon masyado ba akong halata?" Natatawang sabi ni Ethan

Masaya kami nagkkwentuhan dito nang biglang me humalik sa pisngi ko.

"Oh Zeke saan ka galing kanina pa kita inaantay dito?" Sa ilang oras namin dito kanina ko pa sya inaantay na puntahan ako dito.

"Im sorry Lablabko napasarap ang kwento namin ng barkada ko" paliwanag ni Zeke

"Ah by the way, Zeke this is Ethan friend ko. Ethan si Zeke pala fiance ko" pakilala ko sa dalawa.

Hindi ako manhid nakakaramdam ako ng pagkailang kasi nasa gitna ako ng dalawang lalaki na naging bahagi ng buhay ko.

"Pwede ba ko ba maisayaw ang maganda kong fiancee?" Yaya ni Zeke haist bakit nag iinit ang mukha ko.

My Anticipated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon