Gab's POV
It's been a month since tumira ako sa bahay nila tito. Tumutulong naman ako sa mga gawain para hindi ako tawaging "palamunin".
Simula noong bumalik ang bf ni Sab, never na siyang sumasama sa amin ni Stephen papuntang school.
Nakita ko siya noon sa canteen.
Lalapitan ko sana siya kaso paghakbang ko dumating yung boyfriend niya.
Aalis na lang ako.
"Gab?" Nakita yata ako. Nalingon ko siya."Ryan, meet Gabriel. Gab meet Ryan." Pinakilala pa niya ako sa kanyang bf.
"Sige. Punta muna ako doon." Sabay turo sa mga classmates ko.
After that, hindi ko na siya nakikita sa school. Medyo busy na rin kasi.
Buti nalang pala gwapo ako at maraming gusto akong kaibiganin.
"Gab. Sama ka sa'min." Inaaya yata ako ni Drake.
"Saan naman?"
"Doon lang sa tabi-tabi. Manonood ng volleyball." Tumayo naman ako. Vacant time pa naman kasi.
Pagdating namin sa volleyball court, naabutan naming naglalaro ang mga babae.
"These girls are very hot."
"Yeah. Especially that Sabrina." Sabay turo kay Sab na kanina ko pa tinititigan.
"Swerte ni Ryan kay Sab." Narinig kong sinabi ng isa.
Swerte talaga at ang malas ko.Ang team ni Sab ang nanalo. Tapos na ang game pero may girls pa rin ang naglalaro. Yung natalo kanina, hindi man lang nakamove-on.
Napansin ko nalang na hinampas ng malakas ng isa ang bola at ngayon ay patungo na sa kinatatayuan ni Sab. Hindi naman siya nakailag kasi nakatalikod siya kaya ayun.
"Sabrina! Are you okay? Sab!" Agad ko siyang nasalo pero hinimatay pa rin siya.
"Sab!" Nagtinginan naman ang mga tao.
I stand and carry her. Tiningnan ko muna yung babae kanina ng masama at saka ko dinala sa clinic si Sab. Lagot talaga yung babaeng yun sa akin.Nakatitig ako ngayon sa maamong mukha ni Sab. Kahit kasi nasa iisang bahay kami ay minsan lang kami nagkikita. Sa tuwing may mangyayari ko lang pala siya makakasama.
Napansin kong may suot siyang bracelet. Yung bracelet na binigay ko sa kanya noon.Hahawakan ko sana ang kamay niya. "Gabriel."
"Sab, magpahinga ka muna diyan."
"Bakit ako nandito? Ano naman ang nangyari sa 'kin?"
"Natamaan ka kasi ng bola kanina." Hindi na siya nagsalita siguro sinusubukan niyang maalala ang nangyari.
Bumangon naman siya kaagad.
"Sab, may lakad ba kayo ngayon? Or iuuwi na kita?"
Hindi siya umiimik."Tara na. Uwi na tayo." Sabi ko at inalalayan siya.
Walang pasok si Stephen kaya naman kami lang dalawa ni Sab. Wala man lang nagsasalita sa amin.
Pagdating naman namin sa bahay, dumiretso siya sa kanyang kwarto.Sab's POV
Ano ba to? Niligtas na naman niya ako. Hindi ko man lang siya napasalamatan.
~~~~~~~~~~
I wake up and remember na hindi pa la ako kumain kagabi. Hindi man lang ako ginising.
Dumiretso nalang ako sa kusina. Ang bango ng pagkain eh.
"Hi Mommy!" Bati ko pero nabigla ako nang hindi pala si Mommy ang nagluluto.
"Hi."
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot dahil obviously nagluluto. Tinikman ko ito. Ang sarap!
"Umalis sina tita kanina for business trip. Next week pa daw sila uuwi."
"Si Stephen?"
"Si Stephen. Ewan ko. Baka sinama nila." Ang daya naman nila. Iniwan ako dito.
"Niwala ka naman. Andun sa labas naglalaro." Kainis talaga tong lalaking to.
"So. Ikaw palang magiging Mommy namin ngayon!" Nainis naman siya. Buti nga. Haha. Pero bigla yatang gumaan ang loob ko sa kanya.
Tinitigan niya ako. At saka papalapit na siya sa 'kin. Napakalapit na ng mukha niya sa 'kin.
"Tabi. May kukunin ako." Bumilis yata ang heartbeat ko.
Hindi ako nakasalita. Kumuha nalang ako ng pagkain."Umalis ka nga dito. Baka maubos mo na 'to." Whatever. Pumunta nalang ako sa sala at nanood ng TV.
~~
"Sabrina, tawagin mo na si Stephen. Kakain na tayo."
"Stephen, tawag na tayo ni Mommy!" Hahahaha.
~~~~~~~~
"Kuya, ang sarap mo palang magluto." Oo nga. Ready na yatang mag-asawa e.
"Anong masarap diyan?" Pang-iinis ko.
"Abat nagsalita ang walang alam sa pagluluto. Kawawa naman mapapangasawa mo."
Galit na talaga ako.
"Ate, sagutin mo yung telepono!"
"Bakit ako?"
Tumayo ako, baka si Ryan yun.
"Hello. Good morning. This is Sabrina Gonzaga. How may I help you."
"Sabrina, bakit namin ma contact phone mo? Asan ka ba ngayon?"
Low-bat pala cp ko."Sino to?"
"Sab! Tumigil ka nga diyan. Pupunta kami diyan ni Kate."
"Anong gagawin niyo dito?"
"MOMA tayo!" Sounds good kaysa naman wala akong gawin dito.
"Okay."
"Okay. Bye Sab."
Pagbalik ko sa kusina, wala ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Childhood Friend
Novela JuvenilThere are things that we don't want to happen but have to accept, things we don't want to know but have to learn and people we can't live without but have to let go.