[Damien's Pov]
"Waaaa!! Huhuhu! Paano na tayo panget? Naputulan na tayo ng kuryente, Tubig at isang kamatis nalang na bulok ang nasa ref. Walang wala na tayo! Waaa!"
"Ma, una sa lahat mas panget ka. Naghahanap nga po ako ng trabaho eh, sabi ko kay kuya bogus kahit ano nang trabaho ihanap niya wag lang GRO baka daw walang mag-table sakin"
Hindi ko na alam ang gagawin ko, inayo ko na ng napakatagal at napakaraming beses itong nanay kong iyakin pero wala padin eh. Nganga! Eh ayaw tumigil sa kakaiyak.
Kinabukasan ay pumunta ako sa building kung saan naghahanap daw ng babysitter amg magasawa. Hay! Hanggang babysitter nalang ba ang ganda ko?
Nagsimula na akong kumatok sa pinto at binuksan naman agad iyon ng isang lalaking may kabataan pa. Maybe nasa 35+ na ang edad.
"Hello Ms. Ikaw na siguro yung babysitter?" Bungad sakin ng lalaki.
Tumango ako at agad naman niya akong pinapasok. Nang makita ako ng asawa niya ay nag-greet naman ako, syempre baka sabihin ang bastos ko kung isnaban ko diba?
"So Damien?" Pagsisiguro ng pangalan ko.
"Opo" smile kunwari. :D
"Mga 5o'clock siguro ng umaga andito na kami. Take care of my two siblings for me okay? Lalo na itong bunso dahil may asthma ito and you need to give him his inhaler twice this night. Ok? Naintindihan mo ba miss Damien? Dont worry about my eldest, may sarili yang mundo sa kwarto niya."
Yun lang pala. Tss! Sisiw. Pagkaalis nila ay sakto namang labas ni Gerald sa kanyang kwarto. Ang panganay nilang anak. Siguro mga nasa 8 years old na ito at ang bunso naman ay 6 years old.
"Kuya wala na sila" usal ng bunso na si Gerro
"Eh? Okay! SUGOD SA KUSINA!!! WAAAA!"
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang magsitakbuhan ang dalawa sa kusina at dumiretcho sa ref para kumuha ng mga pagkain. Ang bunso ay nakaistambay sa ref at ang panganay ay kumuha ng popcorn at nilagay sa oven.
"Huy mga bata kayo, ano bang mga pinaggagawa ninyo? Matulog na kayo gabi na" panunuway ko sa kanila pero parang wala silang narinig. Aba hinahamon ako!
"Huy! Bingi ba? Pwede namang bukas nalang kumain diba?"
"Mom wont let us eat too much because she said that eating too much is bad, that's why this is the only chance we can eat what we want"
Ay, shet. Ano daw? Di ko naintindihan.
"Pakitranslate nga tsong. Ahehehe! Di ko naintindihan yung iba eh" nagtinginan ang magkapatid at biglang tumawa ng malakas. Hindi naman ako nagJoke diba?
"You know, I like you ate Damien. You are funny" tatawa-tawang sabi ni Gerald
"Oh my god. Thank you. Even though me is dont underestimate your english hehehe" ang galing ko talaga mag-English. Daig ko pa mga british.
"Pero maiba tayo, pinagsabihan ako ng mommy niyo na wag ko daw kayong pakainin kasi kumain na daw kayo tsaka bawal yang mga yan. Akin na, pagalitan pa ako eh. Dapat natutulog na kayo" kinuha ko ang mga pagkaing kinakain nila at ibinalik sa ref. Hindi pwede yung ganito baka mamaya niyan ako pa mapagalitan ng mommy nila. "B-but w-we're hungry ate Damien. W-we only ate a lot o-once in a blue moon" nagpapuppy eyes naman itong si Gerro. Ang cute!
BINABASA MO ANG
I am his Cupid
HumorThis is a story of a Damien Chemsty Robtile and Heicap Reidford na sure na sure akong ikakamatay ninyo sa tuwa, inis at mix emotions pa. All around! Kaya ano pang hinihintay niyo? Add na, basa na, join na!