Isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay nasa kulungan parin si mama. Sa susunod na buwan ay tutubusin narin ng bangko ang bahay namin. Saan na kami pupulutin? Hay!
"Ate wala na tayong ulam"
Bilang kapatid pati ako ay naaawa narin dito sa kapatid kong si Ken. Hindi kami parehas ng tatay at gaya ko iniwan di siya ng tatay niya nung buntis palang si mama at 10 years old naman ako. Bakit kaya puro kamalasan nalang ang mga nangyayari sa amin? Haay!
"Oh edi alam mo na!" Binigyan ko siya ng nakakalokong tingin. Alam niya pag ngumiti na ako ng ganito sa kanya eh dederetcho na sya sa tindahan para mangutang kay aling Lordes.
"Ate naman eh. Alam mo namang baon na tayo sa utang kina aling Lordes tas mangungutang pa ulit?" Reklamo ni Ken pero dire-diretcho palabas ng bahay. Loko talaga ang batang yun di man lang ako pinagsalita.
Habang sinusulat ko ang mga gastusin dito sa bahay, sa pang araw araw naming kakainin, sa pag-aaral ni Ken at para sa abogado ni mama ay parang nawawalan ako ng pag-asa dahil hindi ito kakayanin ng kinikita ko. Ano lamang ba trabaho ko? Baby sitter at sumasideline lang naman ng ibang trabaho kahit delikado. Okay lang para sa pamilya ko.
Siguro kung mayaman lang kami ay hindi kami maghihirap ng ganito. Nakakapagod narin kasi pero kailangan ko magpakatatag para kay mama at para sa kapatid kong si Ken.
"Leche naman oh! Ngayon pa naubusan ng page." Sa dami ng mga gastusin na kinekwenta ko pati notebook sumuko narin. Nakakainis naman.
Sakto at kakadating lang ni Ken na may dala dalang pansit canton at delata ng sardinas "Psst Pogi dito ka muna at may pupuntahan lang ako. May kanin na dun" paalam ko sa kanya "Sige lang my darling" sagot niya. Aba sosyal ang dukha. Makaalis na nga bago pa magsanib pwersa naming magkapatid.
.
.
.
.
"Ate eto bayad ko oh" sabay abot ko ng otso piso sa kanya. Sakto pagkabigay ko ng pera ay may nakita akong Ariel powder at naalala ko mount everest na pala labahin ko sa bahay. "Ate magkano Ariel?" Tinanong ko si ate na kanina pa nakabusangot "8.00 pesos"
"Ang mahal naman ate, sabi sa TV 7.50 pesos lang ang Ariel tas sa inyo 8pesos?!" Grabe na to ah! Hindi na makatarungan ang pagbebenta nila ng mga gamit nila. Naistress ako "Edi sa TV ka bumili! Hmpt!" Ay ang taray. Di bale na nga lang. Sa iba nalang ako bibili.
Naglalakad ako kalagitnaan na ng highway, gabi na at wala nang masyadong sasakyan mga isa o dalawang sasakyan nalang siguro ang mga dumadaan pag minsan. Nagiisa akong naglalakad dito sa highway, oh! Wag kayo mag-alala sanay na ko dito walang rerape sakin. Tss! Ako pa?! Keri ko to.
"Tol pag bukas ng gate na yan tsaka mo paandarin itong motor at ako naman kukunin ko yung brief case nung matanda"
"Sure ka sa plano mo ah. Ayoko ng may sabit nanaman"
"Wag kang magalala tol, nung isang gabi ko pa pinagaaralan ang pabrikang yan"
Liliko palang sana ako ng kanto nang may marinig akong usapan. Tumakbo ako sa waiting shed at dun nagtago. Since medyo madilim dito sa lugar na to ay imposibleng makita nila ako. Mukang may binabalak kasi itong dalawang ungas na to eh.
"Aba akalain mo nga namang ang tagal dudong!" Reklamo nung driver ng motor "Gusto mong kumita ng malaki diba? Magtiis ka" Sagot nung back rider. Tumingin ako sa gate kung saanbannda nakapako ang tingin nung dalawa.
Aba talaga namang may plano ang dalawang ire!
Nagisip agad ako ng plano bago nila gawin ang evil plan nila, sisiguraduhin kong uunahan ko sila. Wahahaha! >:D
BINABASA MO ANG
I am his Cupid
HumorThis is a story of a Damien Chemsty Robtile and Heicap Reidford na sure na sure akong ikakamatay ninyo sa tuwa, inis at mix emotions pa. All around! Kaya ano pang hinihintay niyo? Add na, basa na, join na!