The Man with the Dimples

3 0 0
                                    

Hola everyone so welcome to my second story and eto na nga sisimulan na natin ang story ni Camilla AACCCKKKK. Actually mas chill ang story na ito unlike kina Rein hehehe and sana mas magiging maikli na ang story na ito dahil hindi talaga ako gaano marunong gumawa ng mga scenarios😂 , so hindi ko na papahabain pa 


-Enjoy Reading 😉



Camilla Denise Lipana


"Den-Den aalis na kami ng family ko dito bukas"

Sabi ng isang mataba pero cute na batang lalaki kasama ang batang babae habang nakaupo sa swing ng playground.

"Ha? Eh san naman kayo punta Ren-Ren?"

"Babalik na kami sa house namin dahil malapit na ang start ng school at si lola ko sa Davao naiwan kasi siya at walang mag aalaga sa kanya. Sobrang old na kasi ni lola eh,nahihirapan na siyang mag lakad kaya need niya ang help namin"

Tumatango pa ang batang babae sa sinabi ng batang lalaki na animoy naiintindihan ng lubos ang sinasabi nong bata.

"Eh kailan kayo babalik?"

bigla namang nalungkot ang batang lalaki sa tanong ng batang babae kaya huminga muna ito ng malalim bago sinagot ang batang babae.

"Di ko kasi alam eh pero sabi ni Mommy, baka matagal pa daw kami makabalik dahil walng magbabantay kay lola pero wag kang mag alala Den-Den dahil babalik naman ako." 

kinuha ng batang lalaki ang kamay ng batang babae 

"Di kita malilimutan at ikaw lang ang girl na gusto ko i marry paglaki natin kaya wag mo rin akong kalimutan okay?"

Tumango naman ang batang babae sa sinabi niya na para bang yun na ang pinakatamang sagot para sa kanya.

"Pinky promise?"

"Pinky promise"


Nagising naman ako dahil sa alarm ng cellphone ko kaya bumangon na ako pero nakaupo parin ako sa higaan tsaka inalala yung panaginip ko kanina

Tsk! Araw-araw nalang yun palagi ang panaginip ko. Sino ba kasi ang batang yon? at isa pa ang babata palang ninyo ang haharot niyo na. Kasal kasal eh di nga ka pa nga tuli eh kasal agad.

dahil ayokong ma late eh tumayo nako at inayos ang higaan ko na parang dinaganan ng sampung baka sa gulo tsaka naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nako tsaka bumaba para kumain ng breakfast

"GOOOOD MORNING MOTHER DEAR, GOOOOD MORNING FATHER DEAR, HEEEELLO SISTER DEAR- O NAKANGITI KA NA NAMAN DIYAN SA SELPON MO. SINASABI KO SA IYO SA SIMULA LANG IYAN PUSTAHAN TAYO BUKAS IIYAK KA"

bati ko sa kanila habang pababa ng hagdan

"hoy a-anong nakangiti? guni-guni mo lang iyon no, siguro inaantok ka pa dahil ano-ano nalang ang nakikita mo"

sabi ni Ate sakin na nakaupo sa sofa sa sala tsaka tinapon sakin ang throw pillow na sapol sa mukha ko

"UGH!- MAAAA SI ATE O BINATO AKO NG THROW PILLOW"

sumbong ko kay Mama habang papalapit siya samin

"Ikaw talagang bata ka ang aga palang eh ang ingay ingay mo na tsaka pano di ka babatuhin ng ate mo eh nang aasar ka na naman agad"

sabi ni Mama tsaka piningot ang tenga ko

"A-ARAY KO MA ANG SAKIT! MAPUPUNIT NA IYONG TENGA KO MAAA! PA SI MAMA O"

sumbong ko naman kay Papa na tinawanan lang ako tsaka tinuloy ang pagbabasa sa newspaper

"Danielle Cate, Camilla Dennise maghugas na kayo ng mga kamay dahil kakain na "

Sabi ni Mama tsaka binitawan ang tenga ko at bumalik na sa kusina para ihanda na ang pagkain. Tinignan ko naman ng masama si Ate at benelatan lang ako ng gaga tsaka mabilis na tumakbo papuntang dining area bago ko pa siya mabato ng throw pillow na binato niya sakin kanina.

Pagkatapos kong sumunod kay Ate sa dining area ay umupo agad ako tsaka nagsandok ng kanin at kumuha ng tig dalawang hotdog,sunny side up at longganisa

"kaya ka nagmumukhang baboy eh"

narinig kong sabi ni Ate tsaka umiinom ng tubig

"akala mo naman sobrang sexy eh pinagpalit ka nga ng ex mo sa isang model hmp!"

sabi ko naman sabay kagat ng hotdog at naramdaman ko naman ang masamang titig ni Ate sakin

"ano ba kayong dalawa ang tanda tanda niyo na nag aaway kayo sa harapan ng pagkain, para kayong mga bata"

saway ni Mama samin kaya tumigil na kami ni Ate at nagpatuloy sa pagkain dahil baka di niya ako bibigyan ng baon mamaya.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda nako para pumasok habang si Ate naman ay bumalik sa pagseselpon, si Papa naman ang naghugas ng pinagkainan namin kanina dahil si Mama ang nagluto. Nilapitan ko naman si Mama para humingi ng baon.

"Ma penge baon hehe"

Tinignan naman ako ni Mama tsaka sinabihan na kunin iyong wallet niya

"Eto oh mag-aral ka mabuti ha? Wag magpapasaway sa mga teacher mo"

Sabi ni Mama pagkaabot niya ng bente sakin

"Bakit bente lang ma? Para naman akong elementary nito eh"

"Aba magpasalamat ka nga may baon ka iyong iba nga nagtitiis sa gutom dahil walang baon pero ikaw binibigyan nagrereklamo ka pa? Akala mo naman sobrang layo ng skwelahan mo eh walking distance lang naman. Iyang Ate mo nga setenta ang baon kahit nasa college na pero nagreklamo ba? Wala"

Napakamot nalang ako sa sinabi ni Mama at umalis na ng bahay baka kasi bawiin pa iyong bente kung manlaban pa ako.

Bakit kaya pag si Mama iyong nagbibigay ng baon ang damot pero pag si Papa ang galante magbigay, bibigyan niya agad ako ng 100 pag humihingi ako ng pera sa kaniya.

Pagkadating ko ng skwelahan ay tsaka tumunog iyong bell hudyat na magsisimula na ang klase kaya nagmadali ako papuntang classroom dahil iyong dragon na teacher pa naman iyong first subject namin ngayon. Eksaktong pagkaupo ko ay ang siyang pagdating ng teacher namin kaya binati namin siya ng "Good Morning'' at agad naman niyang inumpisahan ang klase.

Tutok kaming lahat sa dini discuss ni Ma'am nang biglang may kumatok sa pintuan kaya nabaling lahat ng atensiyon naming lahat don at agad naman ito nilapitan ni Ma'am

"Good Morning Ma'am, I'm sorry to disturb your discussion, by the way I'm the new transferee from your class"

"No worries Mr. Limbaga just make sure to arrive earlier okay? Now come in and introduce yourself to the class"

Pumasok ang isang lalaki at pumunta sa gitna tsaka nilibot ang paningin nito hanggang sa tumama ang mga mata niya sakin sabay ngiti na kita ang dimples niya. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nito tsaka iniwas ko ang paningin ko sa kaniya

"Good Morning Everyone I'm Ren Laurence Limbag, I hope we can all get along"

Pakilala niya sa sarili niya tsaka ngumiti na naman na kita ang dimples niya. Tumingin ako muli sa kaniya na sanay di ko nalang ginawa dahil nakatutok parin siya sakin

Shet! bat ba siya nakatingin sakin? Alam ko naming maganda ako pero nakakailang na kasi iyong mga titig niya na para bang inaalam niya ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya at isa pa bat sobrang familiar ng mukha niya? Siya ba iyong jowa ko sa past life ko na iniwan ko dahil ipinagkasundo ako ng mga parents ko sa isang mayaman na lalaki at hinahanap niya ako ngayon sa future para ipagpatuloy iyong naudlot na pag iibigan namin dati?



////////////

=)


Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon