Scared

3 0 0
                                    

HOLA GUYS! Sorry kung ngayon lang ako nakapag update ulit busy kasi sa college life aketch. So may chika ako HAHAHAHA di na talaga mawawala ang chika sa tuwing mag a-update ako. So eto na nga, na sa 2nd sem na kami and yung mga kaklase ko sa 1st sem eh hindi ko naging kaklase ulit lahat bale nahiwalay yung iba at sa class namin ngayon ay may taga ibang section. Sa gc namin nong 1st sem eh pinag usapan namin kung ano ang thoughts namin sa bagong classmates namin and guess what nalaman nila kung ano ang pinag-usapan namin dahil may spy pala. Ang nakakatawa pa don ay wala pang isang araw nalaman na namin kung sino ang spy. HAHAHAHA kaya ayon siguro ay dahil sa hiya eh hindi na ito nagparamdam ulit. Tama na nga ang chika eto na ang new update sana magustuhan niyo 💖💖

ENJOY READING😉

-MILADY RARITY

Camilla Denise Lipana


"Ano ba iyan Laurence ang bobo mo naman tsk! Kanina pa tayo pa ulit-ulit sa part na'to oh. Ang Supination is turn your palm onto its back or palm up at yung Pronation naman ay flip your arm onto its front or palm down"

"Sino ba kasing hindi maliito eh parehong may nation yung dalawa"

Kanina pa kami pa ulit-ulit sa step na'to dahil nga nalilito daw siya. Mga vebs mag iisang oras na naming inulit-ulit yung step nalilito parin siya? Or sadyang bobo lang talaga siya?

"Break time muna tayo. Kaya siguro mainit na ang ulo mo dahil gutom kana, pasok muna tayo sa bahay Camasungit at mag meryenda muna tayo"

Inirapan ko lang siya at agad na sumunod sa kaniya papasok sa bahay nila

Nandito ako ngayon sa bahay nila at nalaman ko nalang na malapit lang pala ito sa eskwelahan. Malaki din yung bahay nila at masasabi mo talagang may kaya sila. Sa likod ng bahay nila kami nag practice dahil malaki ang lugar don at hindi rin siya masiyadong mainit dahil may malalaking mga puno naman.

Iginiya niya ako sa may sala nila at pinaupo sa sofa at ini-on naman niya ang napakalaking tv nila.

"Diyan ka muna Camasungit ha? Maghahanda lang ako ng makakain natin. Chill ka muna diyan at manood ng tv sandali"

Tumango lang ako at umalis naman siya papunta sa kusina nila

Habang nanood ng tv ay biglang may kumalabit sa akin. Tinignan ko naman ito pero wala naming tao kaya binalewala ko nalang ito at patuloy sa panonood ng tv.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay may kumalabit muli at sa oras na ito ay medyo malakas na ang pagkalabit sa akin kaya agad ko itong liningon ngunit wala na namang tao akong nakita.

'May kumalabit ba talaga sa akin o guni-guni ko lang iyon? Siguro gutom na nga talaga ako'

Pagkatalikod ko palang may kumalabit na naman sa akin pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na ito nilingon pa at patuloy lang akong nanonood sa tv.

'Diyos ko may kasama pa ba akong ibang nilalang sa bahay na ito bukod kay Laurence? Tiyanak? Duwende? Huhu natatakot na ako kahit hapon pa'

Patuloy lang ito sa pangangalabit hanggang sa napagpasiyahan ko na lakasan ang loob ko at lingunin ito ulit.

'Lord kung ano mang makita ko paglingon ay kayo na po ang bahala sa akin huhuhuhu'

Pagkatapos kong magdasal kay Lord sa isip ko ay huminga muna ako ng malalim tsaka nilingon ko na ito.

"AAAHHHHH DUWENDE! TIYANAK! ENGKANTO! LAYUAN MO AKO HUHUHU MAAWA KAYO SA AKIN, LAURENCE TULONGGG!"

Sigaw ko tsaka tumakbo nang mabilis sa kusina kung saan naroon si Laurence naghahanda ng makakain naming dalawa

"Oh Camasungit anyare sa iyo? Para kang nakakita ng multong nag bu-budots ah?"

Nahampas ko naman ito ng wala sa oras dahil nagawa niya pang magbiro kahit na natatakot na ako

"Hindi mo naman sinabi na may Engkanto o duwende o tiyanak o kung anumang nilalang ang nakikitira sa bahay mo. Kanina pa kumakalabit sa akin pero sa tuwing lumilingon ako eh wala naman akong nakikita"

Naiiyak kong sumbong sa kaniya at bigla nalang sumeryoso ang expression ng kaniyang mukha tsaka nilapitan ako at hinawakan ang mga balikat ko.

"Denise can you tell me where is that creature bothering you?"

He said while directly looking into my eyes and I don't know what just happened, but I already found myself walking behind him and holding tightly to his shirt as we go back to their living room.

"Von lumabas ka na sa pinagtataguan mo tama na ang laro"

'Von? Iyan ba yung pangalan ng Tiyanak?'

"Von isa ha? Magagalit na talaga ako sayo pag ayaw mo paring lumabas"

Dahil sa sinabi ni Laurence na iyon ay bigla nalang may batang sumulpot sa tabi ni Laurence at malakas na tumawa.

"Naku ikaw talagang bata ka ang hilig-hilig mo manakot ng bisita, dahil sa ginawa mo natakot tuloy si Ate Camilla mo"

Liningon naman ako ng bata at lumapit sa akin at ngumiti

"Pasensya na po kayo Ate Camilla dahil natakot ko pa kayo. Hobby ko po kasing mang prank eh hehehe"

Paghinging tawad niya sa akin sabay peace sign at agad itong kumaripas ng takbo sa hagdan nila.

"Pag pasensiyahan mo na ang kapatid ko ha? Ganon talaga iyon pag may bisita palaging nagtatago sa tight places at gugulatin ito"

"Okay lang iyon atleast totoong tao siya dahil akala ko talaga duwende ito dahil sa tuwing lumilingon ako eh wala akong nakikitang tao. At isa pa ngayon ko lang nalaman na may kapatid ka pala"

"Ah oo dalawa kaming magkapatid at yung bata kanina ay Von Reinel ang name niya at obvious naman siguro na ako ang panganay at medyo malaki talaga ang gap namin dahil matagal nasundan eh. At dahil diyan may bago ka na namang nalaman tungkol sa akin"

Inirapan ko na lang ito at pumunta ng kusina para kainin yung pagkain na hinanda niya kanina dahil gutom na talaga ako.

"Stop na ang practice at continue nalang tayo bukas dahil malapit nang mag gabi eh baka hinahanap na ako nila mama. Basta bukas dapat hindi na marami ang mga mali mo ha? Sige na aalis na ako"

"Sige hatid na kita"

"Ha? Hatid? Nako huwag na"

At isa pa kung ihahatid niya ako sa amin eh baka akalain nila mama na boyfriend ko tong damuho na to no. EWWW

"Anong huwag? Ihahatid nga kita sa labas ng kanto, bakit? alam mo ba ang pasikot-sikot dito?"

'ay mali pala hehehe ang assuming mo naman kasi accla eh sa labas lang naman pala ng kanto'

"t-tsk sige na nga"

Habang hinahatid niya ako palabas ng kanto nila ay parehong walang imik kaming dalawa at nong nasa labas na kami ay nakatayo lang siya at tinitigan ako.

"Bakit Laurence may problema ba?"

Para kasing may sasabihin siya na hindi niya masabi.

"Wala sige na umuwi ka na, mag-ingat ka ha? Babye"

"Ikaw umuwi ka na din at thank you pala sa pa snack mo kanina ha? Babye"

Tumango lamang siya at ngumiti habang kumakaway

Pagkatapos ko mag paalam ay umalis na ako at umuwi na.

////////////

😙

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon