TMB Prologue

136 7 1
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.It contains violence, torture, explicit language, inappropriate wordings, and rape that's not suitable for young readers. If you don't like that kind of thing, stop reading this. It also has some mature scenes that's for adults only but if you are open minded you're welcome here.

Paala lang po Boyxboy po itong storya na ito kung hindi po kayo natutuwa o isa po kayong homophobic o hindi gusto itong aking akda free Naman po kayong umalis hindi ko po kayo pinipilit magbasa nito kung ayaw ninyo.
Ang akin lamang isunulat ko ito dahil sa gusto at para maibahagi sa lahat ng aking mambabasa, pinaghirapan at pawis, pagod at load ko ang aking ginastos rito, at mahirap rin pong magsulat at mag isip.
Kaya Sana wag niyo po sanang ireport, dito po ako kase komportable at dito ako kumukuha ng lakas at saya Kaya please lang po wag naman Sana.
At kung mga typos grammars man o kahit anung Mali jan eh kayo na po ang umunawa hindi po ako perpektong manununat Kaya pasensya na po.

©All rights reserved

Plagiarism is a crime










Lantis Pov

Ang sarap talagang lumangoy at mamasyal dito samin , malawak at napakaganda talaga ng aking pakiramdam at sobrang nasasayahan ako.

Kilala ako bilang si Lantis ang makulit at pilyong sireno sa aming lahi, kasama ko ang mga kaibigan kong sina Otep at si Pulga.

"Lantis saan ba tayo pupunta? Malayo na tayo sa atin? 'di ka pa napapagod lumangoy?" Napabaling ako kay Pulga at napatawa.

"Hindi kailanman ako mapapagod sa kakalangoy Pulga sa katunayan nasisiyahan pa ako!" Nagkatinginan pa silang dalawa Ni Otep bago kami magpatuloy sa paglangoy.

May gusto kase akong Makita kaya ganun na lamang ang pagnanais kong makatungtung doon, nabalitaan ko kase sa ibang mga Bata na maganda sa isang lugar kung saan namumuhay at naninirahan ang mga tao, nakikinig kase ako sa kanila habang sila ay pauwi galing sa paglalaro kaya dahil gusto ko rin yung sinasabi nila kaya andito ako ngayon kasama ang dal'wa kung kaibigan.

Nagpatuloy kami sa paglangoy hanggang sa mapadpad kami sa gilid at mabatong lugar saka doon huminto.

"Lantis lugar ito ng mga Tao 'di ba? Anung ginagawa natin rito?" Tanong sa akin ni Otep.

"Gusto ko lang makakita ng mga Tao at makita kung paano sila namumuhay nahihiwagahan kase ako eh"

Napatango ang dal'wa sa aking sinabi nag-abang kami kung may mga tao rito at ayun nga may isang taong papalapit sa isang bagay na gawa sa kahoy ito ang nakikita kong ginagamit nila upang makarating sa gitna ng hindi lumulubog at manghuli ng mga isda na kanilang kakainin.

Nagtago kami at nakarinig kami ng may kumakanta.

" Tong Tong pakitong kitong alimango! Sa dagat! Malaki at masarap! Kay hirap huliin kase nangangagat! Tong Tong pakitong kitong!"

Yan ang narinig namin at nagkatinginan kaming tatlo at  sabay namin kinanta yun biglang tumigil ang Tao at nakita kami kaya agad kaming nagtago na may hagikgik na kasama.

"Hoy! Sinong nandyan magpakita kayo!" Napatawa ako ng malakas kaya natakot ata at umalis saka nagtatakbo kaya mas lalong napalakas ang tawa namin.

"Natakot ata ng sobra ang taong iyon sa atin?" Sabi pa ng dalawa pero di ko na inintindi iyon sapagkat masaya ako.



Theo Pov

"I'm sorry Gunther but I'm breaking up with you " napahinto ako sa paglalakad namin habang magkahawak ang aming mga kamay at sabay kaming naglalakad rito sa park.

Nilingon ko siya at nagtataka ako sa kanyang sinabi
"What do you mean Betina? No, Pero walang maghihiwalay sa atin?"

Binitawan nito ang aking kamay at humarap sakin.

"No that is my final decision Gunther I'm sorry but-" napahinto sa kanyang sinasabi at napayuko bago ako tinignan ulit ng diretso "buo na ang aking kagustuhan na makipaghiwalay sayo" saka ito tumalikod at natatakbo wala na akong nagawa kahit tinawag ko na ang kanyang pangalan at pabalikin siya rito pero wala , wala na siya at tuluyang umalis.

Nasaktan ako ng sobra kaya napagdesisyonan kong mag punta sa bar at tinawagan ang mga kabrakada ko

"Hey bro napatawag ka?" Yan ang bungad na tawag sakin Ni Hendrix isa sa mga katropa  ko.

"Tara sa bar mag-inuman tayo kasama buong tropa" bago ko pinatay hindi ko na hinintay pang makasagot yun dahil alam kong magtatanong siya sa akin.

Nang nakarating sa bar ay agad na akong nag order ng aming iinomin puwesto ako sa V.I.P room at hinintay ang iba pa, at nang sila ay dumating agad nila akong dinaluhan at nilapitan saka kanya-kanya na silang upo at kuha ng maiinom nila.

"uy matagal na rin bro nung tayo ay nagpunta sa bar at ikaw pa mismo nag-aya ngayon Gunther? Anu bang nakain mo at inimbitahan mo kami? Saka kamusta date ninyo ni Betina? Nakascore ka na ba?" Tanong sakin ni Collum.

Napatingin ako sa kanilang Lima at inisang lagok ang bote ng beer sa aking lalamunan nanuot pa ang pait at tapang ng lasa nito saka ako nagsalita " she break up with me" agad silang nagsitahimik kaya pinagpatuloy ko ang aking pagsasalita.

"I don't know why? I don't know her reason para ganun niya na lang ako hiwalayan anu pa bang kulang? Lahat na yata binigay ko sa kanya kase siya lang ang Mahal ko saka nag-iisang babaeng mamahalin ko, sobra akong nasasaktan to the point na gusto kong magwala!,uminom, magpakalasing at kalimutan ang ganung eksena mga pare kase ang sakit, sobrang sakit ngayon lang ako nagmahal ng ganun sa babae pero bakit ganun? Yes, may pagka-babaero ako, gago at maloko pero nagbago iyon ng dumating siya kaya lang ngayong wala na siya ewan ko kung paano na ako? siguro magpapalipas na muna ako bago ko siya suyuin at naniniwala akong hindi niya ako kayang iwan at mahal pa rin niya ako"

Tinapik ako sa balikat ni Rex at binigay sakin ang isang bote ulit ng beer saka ko ininom, " bro, alam kong nasaktan ka dahil sa ginawa ni Betina at pasensya na kung wala man lang kaming maitulong siguro hindi talaga siya para sa'yo at marami namang mga babae jan kalimutan mo na si Betina di naman siya siguro kawalan sayo?"

Napatingin ako sa sinabi Ni Hendrix at tumango ang apat pa pero umiling ako.
"No bro Betina is mine she is the perfect girl that I have she's my everything and I love her so much"

Napailing sila dahil sakin " we know that Betina is your great love but siya na yung bumitaw eh? saka alam mo para maka-move on ka jan kay Betina mo why would you want to go in the island of your Lola?"

Kumunot ang aking noo sa sinabi sakin ni Perry " anu namang gagawin ko sa isla ng Lola Ko?"

"Vacation maybe?"

"No, I don't like dito lang ako"

Tumayo si Ken at hinarap ako habang may hawak na beer na kanyang iniinom

"Bro walang magandang maiidudulot yang pagmumukmok mo rito para sa babaeng iyon iniwan ka na niya kaya nga sinabi namin na pumunta ka sa isla ng Lola mo tiyak kong makakalimot ka at makakahanap ka agad ng shoshotahin mo roon, magbabakasyon ka lang doon para naman maibsan ng konti yan sakit dyan" saka niya tinuro ang aking dibdib.

Napaisip naman ako sa kanilang sinabi pero tama naman sila saka tinutulungan nila ako para makalimot kaya susundin ko sila bahala na kung  may magugustuhan ko roon pero susubukan ko rin para naman ito sa akin at ako ata si Theo Gunther mabilis lang sana ako makalimot.

Napatingin ulit ako sa kanila at bago ako nakapagdesisyon.

"Fine! I will visit the island own by my Lola doon ako magbabakasyon maybe to forget?" Saka ako ngumiti at natuwa naman ang mga kasama ko bago ipinagpatuloy ang inuman.




TBC...

Ayan may bago na naman po akong kwento sana magustuhan ninyo at sana suportahan ninyo Gaya ng iba ko pang stories

Sorry for the typos and grammar guys

Please vote comment and share and papafollow na rin salamat....😍😘😍😘

The Mermaid Boy (BoyXBoy Mpreg)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon