chapter 1

101 2 0
                                    

“What Dad?! Are you insane?! Iiwan nyo ko sa lalaking yun?!”

“Princess ,how many times I told you na aalis kami ng mommy mo?”

Princess

Princess

Yes. Im their only princess. At ayaw kong maiwan sa lalaking yun. Hindi kami mag kasundo. Bukod pa dun napakasungit nya. At nakakairita dahil sobrang gwapo. Pano kapag nadevelop ako sa kanya? Hindi naman sya play boy , kaya nga ayaw ko sa kanya eh. Mali ang iniisip nyo. Ayaw ko sa kanya kasi feeling ko bakla sya… argh. At hindi ako pumapatol sa bakla.

“Ano princess? Pumapayag ka na ba?”

“Dito na lang po ako sa bahay.”-nakasimangot na sumampa ako sa sofa habang umiinom ng Alaska chocolate. My Favorite.

“No.”-matigas na sabi ni daddy. Si Mommy tahimik lang habang nag lalaro ng candy crush. Bongga ang mommy ko no?  hindi ako pinapansin. Ganyan naman yan. Kapag kaming dalawa ng daddy ko ang nag uusap hindi yan nakikialam kasi alam nya kapag sinabi ni daddy hindi nay un mababago pa.

“Pero dad!”-sabay tapon ng iniinum ko. Wala na kasing laman.” Ayoko sa kanya!”

“that’s it! Ayaw mo sa kanya kaya ayaw mong iiwan ka namin dun.”

“kasi naman!”-reklamo ko.

“that’s final princess. Now  pack your things and be ready dahil susunduin ka nya.”

“ok! Ok! Fine. But give me the reason kung bakit kailangan nyo ko iwan sa kanya at sya maging guardian ko habang wala kayo? Dati naman kapag umaalis kayo, iniiwanan nyo lang ako kay manang.”

Si manang bata palang ako kasambahay na naming. Sya ang taga bantay ko kapag wala sila mommy.

“Dati yun princess. Because bata ka pa. but you grown up now. At hindi pwedeng basta ka na lang namin iwan dito.”

“yun na nga dad eh. Malaki na ko. Hindi ko na kailangan ng bantay at sa isang lalaki pa talaga. Baka mas lalo lang akong mapahamak dun eh.”- syempre joke lang yun. Baka nga kahit mag hubad ako sa harapan ng lalaking yun , eh kahit tingnan di nya gawin.

“Princess.”-umupo sya sa tabi ko at kinabig ako sa may dibdib nya. “Ayaw ko lang naman na mapahamak ko. Ang gusto ko lang naman , namin ng mommy ay safe ka kahit wala kami. Malaki ka na at hindi ka na bata. “

“bakit? May kaaway ba kayo dad?”-tumingin ako sa kanya pero mailap ang mga mata nya. At ibinaling nya sa iba ang tingin.

“ha? Hahaha. Princess pano naman kami mag kakaron ng kaaway?eh , ang bait bait ng daddy mo?”- sabay tawa.

Alam ko naman na mabait si daddy, kaya lang minsan nga kung sino pa yung mabait sya pa yung maraming kaaway. Bakit? Kasi maraming naiinggit sa kanila. Pero hindi pa rin ako satisfied sa sagot ni daddy.  Ngayon na lang din kasi sila aalis ng matagal after 3 years. 20 years old na ko ngayon at graduate na rin, kaya lang ayaw naman nila akong pagtrabahuhin dahil nag iisa lang naman daw nila akong anak. Ok lang naman sakin, dahil ayaw ko ring mag trabaho no.

“PRINCESS, Andito na ang sundo mo.”- I rolled my eyes Bago hinila ang dalawang maleta ko.

“maam ako na po ang mag dadala.”-sabi ng maid namin.

“gusto mo bang mawalan ng trabaho? Maam ka ng maam. Sinabi na nga na tawagin ako sa pangalan ko.”-nakakairita kaya  Padabog kung binitawan ang maleta at saka padabog din na bumaba ng hagdan.

“akala ko kung sinong 500 pounds na bumaba ng hagdan”-sabay talikod sakin , habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng maong pants.

“nye nye. Whatever.”-and I rolled my eyes again, kahit di nya naman kita. Im sure wala na itong ibang gagawin sakin kundi sungitan ako nito.

"HARD To Say I LOVE YOU"Where stories live. Discover now