chapter 6

32 6 0
                                    

"Imbyerna ang lalaking yun ha!"-sabi nya sa sarili nya habang nakaharap sa salamin.

Isang linggo na kasi ang nakalipas simula ng itulak nya ito sa pond at ilang araw din itong hindi nakapaglakad dahil namamaga ang paa nito.

FLASHBACK

"how dare you!"-galit na galit si xandrie na pumasok sa kwarto nya.

Humarap sya dito na nakahawak ang dalawang kamay nya sa bewang sabay taas ng isang kilay nya.

"Don't give me that look!"-sabi nito sa kanya. Nag lakad ito palapit sa kanya ng paika-ika. Hindi nya pinigilan ang sarili nyang tumawa ng tumawa.

"STOP!"-sigaw ni xandrie sa kanya.

"LOL! Bakit ako titigil tumawa? Masama na bang tumawa ngayon? Hahahahaha. Buti nga sayo! Bhee bhee bhee."-hindi naman maipinta ang mukha ni xandrie sa pang aasar nya.

"Waaaahhhh. Umalis ka dyan sa kama ko!"-sigaw nya , dahil basang basa ito. Pati ang kama nya mababasa.

"Masama na rin bang humiga ngayon? Pagkatapos ng ginawa mo sa paa ko?"-balik tanong nito sa kanya.

"Ganun? Kapag hindi ka tumayo dyan , bubuhusan ko ng isang timbang tubig ang kama mo."-pupunta na sana sya sa kwarto nito,pero biglang tumayo si xandrie at dahil nga masakit ang paa nito ,saktong pag tayo no xandrie nasa harapan nya at muntik itong mawalan ng balance kaya napahawak ito sa bewang nya.

Nag simula na namang kumabog ang dibdib nya. Natakot sya bigla dahil baka naririnig nito ang kabog ng dibdib nya, kaya bigla nyang inalis ang braso nito sa bewang nya at tuluyan na nga itong nawalan ng balance kaya natumba ito sa sahig.

Dahil naguilty sya sa ginawa nya , tunulungan nya itong makatayo at inalagaan nya rin ito dahil hindi nga ito makapaglakad, dahil sa namamagang paa nito. Ikaw ba naman mabagsakan ng bato.

END OF FLASHBACK

At pagkatapos ng mga nangyaring yun hindi na rin sya pinapalabas ni xandrie ng bahay. Meron na rin silang security guard para daw hindi sya makaalis.

"ano kaya ang pwede kong gawin para payagan ako ng lalaking yun na umalis?"-sabi nya sa sarili nya habang paikot ikot sya sa loob ng kwarto nya.

Kahit ano kasi pilit nya na umalis ayaw sya nitong payagan kahit pa ba sabihin nyang isasama nya si manang.

Nag dial sya ng number at agad naman na sumagot sa kabilang linya.

XANDRIE'S OFFICE

"Come-in"

"Sir may gusto pong kumausap sa inyo. Remi daw po."-sabi ng secretary nya.

"Sige kakausapin ko."-sabi nya ng hindi tumitingin sa kausap.

"Ok sir. Itatransfer ko lang po yung call."-sabi ng secretary nya.

"Ano na naman ang kailangan mo Remilyn?!"-pagalit nyang tanong dito.

"Maka Remilyn ka naman!"-reklamo ng nasa kabilang linya.

Ang totoong tawag nya talaga dito ay princess, pero sa utak nya lang yun.

"Busy ako at wag mo akong abalahin."-pero ang totoo nyan ay gusto nya talaga itong kausapin, pakiramdam nya kasi narerelax sya kapag kausap nya ito kahit na binubwisit sya nito.

"Uhm kasi-"-pinutol nya kaagad ang sasabihin nito. Mag papaalam na naman kas ito na umalis ng bahay.

"You are not going anywhere."-diretsong sabi nya.

"Ano ba yan! Hindi naman yan ang sasabihin ko eh!"- kahit hindi nya ito nakikita alam nyang naka pout na ito at isipin na ganun ang itsura ng nasa kabilang linya ay nangingiti na sya.

"Ano kasi- ano- uhm-"- iniisip nya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanya. Magdadahilan na naman ba ito? Mag iinarte o sasabihin sa kanya na samahan nya itong umalis ng bahay?

"WHAT?!"-kunwari naiirita nyang sabi.

"Ano- ano ba yan nakakainis naman!"-bulong nito pero narinig nya pa din.

"Ibaba ko na to kung hindi naman importante ang sasabihin mo."-sabi nya.

"Ito na ito na."-nakaramdam sya bigla ng kaba.

"Sorry na. Itinulak kita sa pool at saka sorry din kasi binagsakan kita ng bato."-Lalong lumakas ang kabog ng dibdib nya. Gusto nya itong yakapin. Hindi naman sya galit dito. Becuase in the first place kasalanan nya naman. Dapat pa nga sya mag thank you dahil inalagaan sya nito noong lasing sya. Pero anung ginawa nya? Sinigawan nya pa.

"Don't worry im not mad."

"Talaga? Hindi ka galit?"-nangingiti sya dahil alam nyang nakangiti ito sa kabilang linya habang nanlalaki ang mata.

"Nope."-sagot nya."And I want to say thanks and sorry din dahil sinigawan kita nung inalagaan mo ko."


XANDRIE'S HOUSE

'Nag sorry sya. Nag thank you sya. Anong sasabihin ko?' Sabi ni remi sa sarili nya. Dug dug dug dug. Napahawak sya aa dibdib nya.

"Kailangan ko na atang mag pacheck up."-sabi nya.

"Ano? Ba-bakit? Masama ba ang pakiramdam mo ha?"-tanong ni xandrie sa kanya.

"Ha? A-ah. Hindi ah"-napahawak sya sa noo nya. Nasabi nya pala ng malakas yung nasa isip nya.

"Dadalhin kita sa hospital."-nataranta sya sa sinabi ni xandrie.

"HINDI NGA MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO EH! NAKAKAINIS KA!"-pabagsak nyang binaba ang telepono.

XANDRIE'S OFFICE

"Tototot."

"What the?"-pinagbabaan sya ng kausap nya, kaya nag dial sya ng number. Naiinip sya dahil ang tagal tagal sumagot.

"he-"-hindi nya na naituloy ang sasabihin nya.

"Ano? Wala nga akong sakit eh!"-Nailayo nya sa tenga ang telepono dahil sa lakas ng boses ng kausap nya.

"Kung wala kang sakit bakit kailangan mo pag pa check up?"-tanong nya.

"Ah yun ba.. wala yun. Joke lang naman yun eh."-sabi ni remi sa kanya. "Wait sabi mo hindi ka galit sakin, pwede na ba akong umalis ng bahay? Naiinip na ko dito!"-napangiti na naman sya dahil alam nyang nakapout na naman ito.

"Hindi. Hindi ka pa din pwedeng umalis."

"ano? Pero-"-binaba nya na ang telepono bago pa ito makapag reklamo.

"Aham. Aham."-napakunot ang nuo nya.

" at anong ginagawa nyo dito?"-hindi nya manlang namalayan na nakapasok na pala ang mga kaibigan nya.

"Well. Dude lunch time na. At mukhang wala ka pang balak kumain dahil ngiting ngiti ka dyan."

"HARD To Say I LOVE YOU"Where stories live. Discover now