chapter 2

86 5 0
                                    

“Stop that music”-reklamo ni xandrie.

“Anong sinabi mo?”-pasigaw na nya. Lumapit si xandrie sa speaker at binunot ang saksakan nito.

“Ang sabi ko kung gusto mo mag music dun ka sa kwarto mo. Nakaka abala ka sa trabaho ko!”-humarap na ulit ito sa ginagawa.

“napaka tahimik naman kasi ng bahay mo!”-habang sinasabi yun ay pagulong gulong sya sa kama ni xandrie.

“get out of my bed!”-sabi nito na hindi na katingin.

Kasalukuyan sya ngayong nasa kwarto ni xandrie. Dahil sunday. At kahit sunday na ay nag tatrabaho pa din ito. Napaka workaholic talaga.

“mister hindi ako gugulong gulong dito sa kama mo kung sasamahan mo akong pumunta ng mall.”-ayaw nya talaga dito kaya lang kailangan nya ito pakisamahan , at isa pa ito ang guardian nya habang wala ang mga magulang nya.

“ano? Puro ka na lang trabaho. Hindi ka ba naaawa sa gwapo mong mukha?”-bigla itong humarap sa kanya.

“joke lang. hahaha.”-hinila nya ang isa pang swivel chair at tumabi dito.

“woooh. Ang galing… “-hanggang hanga sya sa ginagawa nitong laro sa computer. Ito din ang dahilan kung bakit nag take sya ng course na IT. Gusto nya din kasi gumawa ng mga games. Kaya lang hindi sya pinalad. Puro drag and drop ang kaya nya lang gawin. Kahit naman naiinis sya sa lalaking ito, humanga naman sya sa galing nito mag program.

“go to yourself and don’t  distureb me.”-sabi nito na nakatuon lamang ang pansin sa ginagawang laro. Mayaman ang pamilya nito. Maraming negosyo, pero wala itong hilig sa business ng mga magulang at nag tayo ito ng sariling business. Isang Company Developer, game developer, website developer and graphics designer.

“What the hell!”-sigaw nito dahil bigla nyang pinindot ang power button. At nag tatakbo palabas ng pinto. Nakita nya naman kasing isinave eh, kaya alam nyang hindi mawawala ang ginawa nito. Gusto nya lang naman  gumanti dahil sa ginawa nito kanina sa kanya.

 Hindi nya ito maintindihan. Kahit marami naman itong programmer eh, mas pinipili pa din nito ang mag program. Dumiretso sa sya kusina at naabutin si manang luring na nag luluto.

“manang luring, alam nyo po ba may manang din kami sa bahay.”- alam nyang napakawalang kwenta ng sinabi nya.  Wala syang magawa. Nabobore sya. Ayaw nya namang lumabas mag isa. Hindi nya rin mayaya ang mga classmate nya dahil nasa bakasyon ang mga ito, katatapos lang kasi ng graduation nila.

“Ikaw na bata ka wala kang magawa.”-nakangiti nitong sabi.

“wala po kasi akong makausap. “-naamoy nya ang niluluto ni manang.”wow. manang ano po yan? Wooo. Chapsoy “-dali dali syang tumakbo papunta sa kwarto ni xandrie.

“XANDRIE! Halika dali.”-wala itong nagawa ng hilahin nya sa kusina.

“ANO- wow manang. Mabuti naman at nag luto kayo nyan.”-sabi nito na ang lapad ng ngiti. Napatulala sya sa ngiting iyon ni xandrie. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin pati narin ang dimple nito. Pakiramdam nya may mga angel na bumaba.

“oh! Iha. Ito ang plato. Bigla kang tumahimik ah.”- sabay ngiti nito sa kanya. Sarap na sarap naman si xandrie habang kumakain.

Noon nya lamang ito napag masdan kumain ng ganon. Balak nya sana itong inisin ang kaso mukhang tuwang tuwa ito habang kumakain.

“Gusto mong pumunta ng Mall?”-nagulat sya sa tanong nito.

“Oo. Sasamahan mo na ko?”-ngiting-ngiti nyang tanong.

“No.”-sabay subo nito.

“Abnormal.”-at inirapan nya ito.

“what did you say?”-kunot nuong tanong nito sa kanya.

“wala.”-hindi na ito nag salita kaya hindi na din sya nag salita. Mga tunog ng kutsara at tinidor lang ang maririnig habang kumakain sila. Hindi sya sanay ng ganto. Maingay sa bahay nila kapag kumakain sila, kahit tatlo lang sila ng mommy at daddy nya. Kwentuhan kasi sila ng kwentuhan.

“Ok kayo na lang ni manang ang pumunta ng mall.”-na disappoint sya sa sinabi nito.. gusto nya kasi ito ang kasama. Gusto nya kasi itong mag libang kahit naiinis sya ditto , naaawa pa rin sya. Pakiramdam nya kasi wala na itong oras para sa sarili.

“hindi na. inaantok na ko. Matutulog na lang ako.”- sabi nya. Nawalan na rin naman talaga sya ng gana.

“Mabuti naman. Matulog ka na lang para lumaki ka.”- insult nito sa kanya. 5’3 lang kasi ang height nya. Samantalang ito ang 6’ footer .

“wow ha! Hiyang hiya naman ako sa laki mo, na halos di ka na mag kasya sa pinto.”-balik na ganti nya. “at isa pa ang maliliit daw cute.”

“oh! I see. Yung ibang kakilala ko cute. Pero ikaw? “-iiling-iling nitong sabi. “hindi ka cute. Your beautiful. Lalo na yung mga mata mo.”- hindi nya alam kung nag bibiro ba ito o nag sasabi ng totoo. Marami ng nag sasabi nun sa kanya. Na maganda sya lalong lalo na ang mga mata nya. Pero iba ang pakiramdam nung ito ang nag sabi o baka naman dahil wala na syang ibang naririnig dito kundi ang pang iinsulto , kaya ganun na  lamang kalakas ang kabog ng dibdib nya.

“n-nang insulto ka na naman.”-uminom na sya ng tubig saka pumasok ng kwarto nya. Pakiramdam nya kasi aatakihin sya sa lakas  ng kabog ng dibdib nya. Balak nya pa naman sanang tulungan si manang mag hugas ng mga plato.

“Andito ka na naman!”-bungad nito sa kanya pag pasok nya ng pinto. Mag gagabi na kasi at kagigising nya lang. wala syang magawa sa kwarto nya, kaya dito na naman sya tatambay sa kwarto nito.

Humarap sya dito ng nakasimangot. Gusto nya na naman sanang kabahan pero pinilit nya itong alisin sa isip lalo na ang sinabi nito kanina sa kanya.

"HARD To Say I LOVE YOU"Where stories live. Discover now