"Break na kami kasi nag two-time siya!"

440 1 0
                                    

Kapag nakakarinig ako ng may nag b-break dahil sa may nag two time sa kanila, natatawa nalang ako.

Bakit kaya may mga taong hindi marunong makuntento no?

Oo, alam nating man cannot be satisfied pero isipin naman nating may limitasyon tayo sa mga bagay bagay.

Kung may nagbabasa man nito na "TWO-TIMER" may tanong lang ako sa inyo.

Did you forget that you are committed? Sinadya mo bang kalimutan na dati ka ng nasa isang relasyon para magkaroon ka ng bagong ka-relasyon? 

Or

You remembered but you just don't care? Naalala mo o alam mong nasa isang relasyon ka pero dahil wala ka ng paki alam sa una, naghanap ka ng pangalawa?

Haaay mga taong di marunong makuntento nga naman. Me, I experienced first hand two-timing issue. Ang masaklap pa sa first boyfriend ko pa. AT ANG MAS MASAKLAP PA, tinutime niya ako sa may anak na? Grabe hindi ba?

Ano bang ginagawa ng mga nasasaktan kapag nalaman nilang nag taksil sa kanila ang mga partners nila? Syempre iiyak. Yung iba pa nga, kahit babae, mag-iinom ang mga yan. Natural lang yan, nasaktan eh. 

Sige lang, take your time sa pag-iyak, sa pagbuhos ng galit at hinanakit mo sa EX mong walang kwenta. Pero once na nailabas mo na lahat ng sama ng loob mo, take a deep breath. Nakakaginhawa diba? Yan, giginhawa na ang buhay mo dahil naka takas kana sa galamay ng EX mong manloloko. At wala ka ng iba pang iintindihin kundi ang sarili mo nalang. Aanhin mo ang isang manloloko diba? Wala silang pwesto diyan sa puso mo at lalong lalo na diyan sa buhay mo. Hindi siya nakuntento sayo at naghanap siya ng iba? HIS LOSS NOT YOURS.

Sa mga taong timer naman diyan, ang kakapal ng mukha niyo dahil hindi kayo marunong makuntento sa kung anong mayroon sa inyo. Sige lang, ipagpatuloy niyo lang yang pinag gagagawa niyo, sino bang kakarmahin sa bandang huli? Kami ba? Kami bang mga niloko niyo? HINDI! Kayo, kayo mismo ang makakarma sa lahat ng ginagawa niyo. Lahat ng kabalastugang ginawa niyo, babalik at babalik rin sa inyo. Doble pa. Matauhan na sana kayo habang maaga okay?

Ang EARTHWORM ay mayroong FIVE hearts.

Ang HAGFISH ay mayroong FOUR hearts.

Ang OCTOPUS ay mayroon THREE hearts.

Ang EX mo, dahil nag two-time, may TWO hearts (?)

Kaya hindi tao ang EX mo kung ganon. Hayop siya. Hayop!

Babala! BE KIND TO ANIMALS! Kaya kung may binabalak kang gantihan ang ex mo at yung tinutime niya sayo, huwag mo ng ituloy at baka makasuhan kapa ng "Animal cruelty" sige ka. 

Let's Talk about LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon