"May kabit ang asawa ko"

1.6K 0 0
                                    

A/N: Please be open minded okay? Proceed.

"Paiyakin na nila ang lahat, saktan na nila ang lahat basta wag lang nanay ko." yan ang karaniwang nasasabi natin tama ba? 

Para sa isang anak, masakit para sa atin na makita ang NANAY natin na umiiyak hindi ba? Hindi natin masikmura na umiiyak sila diba?

Sa may mga broken family diyan, pamilyang nasira dahil sa may "kabit" si tatay, subukan nating ilugar ang ating sarili sa kalagayan nila.

(A/N: "May kabit si tatay", I used that term kasi diba mas mataas ang case ng mga lalaking may kabit kesa sa mga babaeng may kabit? Please be open minded and please be guided.)

Let's put it this way. May asawa ka, at may kabit siya, anong gagawin mo?

A. Susugurin mo sila ng kabit niya
B. Kumabit ka rin
C. Hayaan mo siya sa gusto niya

May napili ka nabang sagot?
Think about it. Yang mga choices na yan ilalagay o iprepresent natin sa mga possible scenarios na pwedeng mangyari.

A. SUSUGURIN MO SILA NG KABIT NIYA
Most married women kapag nalam nilang may kabit ang kanilang mga asawa, manugod ang unang papasok sa utak nila. Why? Because they're hurt! Talaga namang kasing mag huhurumentado ka kapag nalaman mong may kabit ang asawa mo. Sino bang hindi di ba? 
POLYGAMY is a SIN that is strictly forbidden kapag ikaw ay kasal na. Polygamy is having more than one wife and that is AGAINST the will of God.
Of course, excluded po ang mga Muslin because thay have a different religion, and Muslims can marry as long as they want basta kaya nilang buhayin ang pamilya nila. Okay clinarify ko lang po. So back to our topic, syempre ang mga nanay they will react on impulse, gusto nilang sugurin yung dalawa. Pero isipin mo ito bago mo gawin yang balak mong manugod :
Susugurin mo sila ng kabit niya, sinong mapapahiya kapag nag eskandalo? Ikaw. At mas lalo kang mapapahiya kapag harap-harapan niyang sinabi o ipinamukha  sayong mas pinipili  niya yung kabit niya kesa sayo. Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo if ever, baka magaya ka sa Legal Wife o Two wives eh. Kung mahal ka talaga ng asawa mo, bakit siya naghanap ng iba?

B. KUMABIT KA RIN
Yan ang mas maling gawin. At ang PINAKA NAKAKAHIYANG gawin. Alam mo na ngang mali at masama ang may kabit o pag kakaroon ng kabit tapos gagawin mo rin? WRONG! Mas nakaka degrade yan ng pagkababae. Ang dami dami na ngang kabit sa panahon ngayon, tapos dadagdag ka pa kung sakali para maipakita mo sa "asawa" mo na hindi lang siya ang may kayang kumabit? Ano yan? Show off? Kabit-kabitan lang ang laro niyo kung ganon? Pathetic.

C. HAYAAN MO SIYA SA GUSTO NIYA
Aminin man natin o hindi, mahirap basahin ang takbo ng isip ng mga lalaki. Kahit ba na asawa mo na siya, may mga times na hindi mo siya ma gets hindi ba? Kaya kung ginusto niya o mas pinili niya yung kabit niyakesa sa iyo, let him be. Tandaan mo, HINDI SIYA TATANGGAPIN NI LORD SA HEAVEN. Why? Because he broke his vow na"TILL DEATH DO US PART". Sacred yun at sa harap pa ng Diyos niya isinumpa yun pagkatapos iiwan ka lang niya dahil nakahanap siya ng iba? Tsk tsk. That's a life long commitment at ang Diyos pa ang saksi tapos binali niya. Tsk tsk talaga.

What you have to do is, you two should TALK. Yung masinsinan. Ayusin niyo ang gusot sa relasyon niyong mag-asawa. Kapag natauhan siya dahil naisampal sa kanya ang katotohanang mali ang ginawa niya at IKAW at ang pamilya niyo (if ever na may mga anak kayo) ang pinili niya then good! But if mas pinili niya ang kanyang mistress at wala na talagang pag-asang maayos ang samahan ninyong mag-asawa, kapag wala ng pag-asang balikan niya kayo na pamilya niya, Letgo. Let him go.

I know, masakit yan. mas masakit yan kesa sa heartbreaks na nararamdaman ng mga kabataan. Mas masakit yan dahil usapang pamilya, relasyong pang mag-asawa na ang nasira. 

Kung ganun na nga ang nangyari, mag file ka na ng annulment o legal separation, mas mabuti ng ganun dahil kapag patuloy kapang aasa na baka in time babalik siya sa inyo baka aasa ka lang sa wala. Basta it's up to you. Ikaw mismo ang mag dedesisyon para sa sarili mo at para sa mga anak niyo. Alamin mo kung ano ba talaga ang mas makakabuti para sa kapakanan ninyong lahat. 

Kung kaya mong itaguyod ang mga anak niyo kahit wala na siya, thats good. Kung susustentuhan naman niya ang mga anak niyo, mas better at least alam niyang may responsibilidad parin siya sa mga anak niyo.

Just focus on how you will make your life better, even if he left you behind. Your FAMILY, FRIENDS and RELATIVES are always there for you. Especially GOD, He is always there for you, for us. Hinding-hindi ka niya papabayaan. Always remember that.

Let's Talk about LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon