"Iniwan na niya ako kasi nagsawa na daw siya sa akin!"

1.6K 1 0
                                    

A/N: First few chapters ay para sa may mga PARTNERS which means para sa may mga boyfriend o girlfriend then the preceeding chapters ay para sa mga Single naman. That's all. Happy reading. 

Oh? Iniwan ka niya dahil sawa na siya sayo anong gagawin mo?

Ngumawa ng ngumawa? 

Mag maka-awa ka sa kanya na balikan ka niya?

Girl, kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi ka na niya babalikan.

Let's look on both sides. Alamin natin ang mga posibleng rason yung bakit niya iniwan.

Iniwan ka niya dahil sawa na siya sayo? O baka naman may iba pang siyang dahilan bukod lang doon? O baka naman binigyan mo siya ng rason para iwan ka at magsawa siya sayo?

POSSIBLE REASON : Iniwan ka niya dahil........

#1. PUNYETA ANG UGALI MO!
Oh bakit? Totoo yan, may mga babaeng iniiwan ng kanilang mga boyfriend dahil sa pangit ang ugali nila. And may mga lalaki namang iniiwan rin ng mga girlfriend nila dahil di na nila matolerate ang pag-uugali ng boyfriend nila. Works on both sides diba? 

Sa case ng mga GIRLS, so what kung maganda ka? Pangit naman ang ugali mo, sinong makakatagal sayo? Malamang wala. At kung meron man pasalamat ka, napagtitiisan ka pa, o baka naman TROPHY GIRLFRIEND ka lang. Kapag di mo binago ang kapangitan ng ugali mo, malamang sa alamang, iiwan at iiwan ka rin ng boyfriend mo. Magsasawa at magsasawa yan sayo dahil sa kapangitan ng ugali mo.

Sa case naman ng mga BOYS na iniwan dahil sa nagsawa na si girlfriend, siguro mayabang ka o hindi kaya basagulero ka etchetera. Ayaw naming mga babae ng mayabang at basagulero na lalaki. Seriously guys, tandaan niyo yan. Wala talagang makakatagal sayo kung ganyan ang ugali mo. Feeling mo kapag basagulero ka BAD BOY kana? Oo, may mga babaeng gusto talaga ang mga bad boys, pero kung sa case mo na palaging lapitin ng gulo, syempre iiwan ka talaga ng girlfriend mo dahil sa takot. At kung mayabang ka naman, no more explanations. Yan ang pinaka ayaw ng mga babae. MAYABANG NA LALAKI. Kaya kung mayabang ka, BYE BYE GIRLFRIEND kana.

#2. MASYADONG PA-CUTE O PA-BABY
Eto para sa mga babae. Ateng, tandaan mo, hindi baby sitter ang boyfriend mo! Huwag kang masyadong pa baby ano ba! At wag ka rin masyadong pa cute sa boyfriend mo. Oo, minsan kailangan talagang mag pa-cute sa boyfriend eh kung sa kaso mo na araw-araw kang nag papacute ay juicecolored! Magsasawa talaga siya sayo. Pacute ka ng pacute sa boyfriend mo mamaya mapagkamalan ka na niyang aso instead na girlfriend gets? Sino namang lalaki ang may gustong magmukang baby at dog sitter diba? Wala! Kaya ateng, isip-isip rin okay? Para di siya magsawa sayo.

#3. KASI MAY GUSTO NA SIYANG IBA.
For boys and girls ulit ito. If that's the case, wala na, dead end na kumbaga. Baka alibi nalang niyang nagsawa na siya sayo kaya ka niya iniwan para maka wala na siya sa relationship niyo. Sorry.

#4. DAHIL SA HININGA MO!
For boys and girls nanaman ito. Aba'y wala talagang makakatagal sayo. Iiwan at iiwan ka talaga ng partner mo kapag amoy imburnal yang hininga mo. Mag tooth brush and mag gargle rin kapag may time ha?

Pero syempre medyo joke lang yung sa number 4 haha masyado tayong seryoso eh. Pero malay naman natin diba? 

Ang gusto ko lang iparating sayo, maraming dahilan kung bakit ka niya iniwan, hindi lang yung dahil nagsawa na siya sayo. At please! Huwag na huwag kayong maghahabol ng taong kayo ang INIWAN. kung iniwan ka niya, pabayaan mo siya. Don't settle for less. Hope for the best. Kaya kung broken hearted ka dahil iniwan ka, pag pahingahin mo muna yang puso mo, baka time mo muna para mahalin ang sarili mo. 

Let's Talk about LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon