She's The One

108 8 0
                                    

"Rowan! Mag-compose ka na ng kanta para sa kasal namin," nakangiting sabi sa akin ng pinsan kong si Rylan.

Producer ako sa isang entertainment. Marami na akong nagawang kanta para sa mga artist na hawak ko. Kaya madali na lang akong makakapag-compose ng kanta para sa kasal ng pinsan ko.

I nodded. "Yup, I will."

He just patted my shoulder and bring out a warm smile.

I spend my whole day in the studio. Walang pahinga halos nakaharap lang sa computer. After my work, I decided to visit my bestfriend Aeryn. Excited akong puntahan siya ngayon. Ramdam ko kasi na gumagaan lagi ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.

Aeryn is my longtime bestfriend. 4 years na kaming magkaibigan at sa apat na taon na 'yon ay nagkaroon ako ng lihim na pagtingin sa kanya. She's my ideal girlfriend, a beautiful woman, hardworking, smart and kind. But I don't know how to confess. Nag-aalala ako na baka masira lang ang pagkakaibigan namin at maapektuhan ang buhay niya ngayon.

Pagkarating ko sa bahay nila ay ngiti agad ang bungad niya sa akin.

Kinikilig ako!

Pero kaylangang pigilan baka mahalata niya!

"How are you, Rowan?" tanong niya pagkaupo ko sa couch.

"Always fine."

Basta nand'yan ka palagi akong maayos!

Napansin kong sumimangot siya pagkaupo sa harapan ko. Napangiwi ako dahil hindi ako sanay na makita siyang gan'yan.

"Gusto ko talagang magpunta sa Paris," saad niya.

I laughed. "Ede mag-ipon ka."

"May ipon na ako, kaso mukhang kulang! Baka naman ehem!"

"Magkano ba?"

Umaliwalas ang mukha niya sa tinanong ko. "30k hehe!"

Kahit wala naman akong kinakain ay para akong nabulunan.

Wow 30k!

"Kalimutan mo na! Wala akong pera!" biro ko.

Pero sa totoo lang nakapag-ipon na ako para sa trip to Paris na plano niya. Ayoko lang sabihin na ililibre ko siya dahil sekretong malupet 'yon. Gusto ko siyang surpresahin sa espesyal na araw niya.

"Alam ko naman talagang hindi mo ako papautangin! Because you're broke," pabiro niyang sabi.

Hahahaha akala mo lang 'yon!

Nagk'wentuhan lang kaming dalawa at saka pinakain niya ako nang pinakain. Napagdesiyunan din namin na lumabas para makapag-chill daw siya.

8:30 p.m na, kahit papaano ay marami pa namang bukas na establishment. Gabi nga madalas ang gala namin nitong si Aeryn.

Sa isang korean pub kami nagpunta. Ang sarap kasi ng mga pagkain dito at makakainom ako ng soju ngayon!

Nag-order kami ng iba't ibang klaseng korean foods at limang bote ng soju.

"Sarap!" sabi niya habang kumakain.

Napangiti ako. "Libre mo ba?"

Tinignan niya ako nang masama. "Why me? Ikaw!"

"Huh? Grabe ka naman! Ikaw nag-aya sa 'kin dito."

"Wala akong dalang pera hehe."

Napangiwi ako.

Lakas ng loob niyang mag-aya rito wala naman pa lang dalang pera.

"Utang mo kakainin mo ah!" biro ko.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon