U Move, I Move

34 5 0
                                    

"Goodbye!" masaya kong pagpapaalam sa mga kaibigan ko. Kinawayan din nila ako. Tumingin pa ako sa relo ko at kinabahan ako bigla dahil late na ako sa work.

Tumakbo ako hanggang makarating sa gilid ng kalsada. Sobrang bilis ng mga nagsisidaanang mga sasakyan. Dahil sa kagustuhang makaabot sa shift ko ay kahit hindi pa oras ng pagtawid ay tumawid na ako.

Wala pa namang masyadong sasakyan kaya binilisan ko nalang ang pagtakbo. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na namalayan ang isang kotseng mabilis na patungo sa kinaruruonan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang hindi rin ako napansin ng driver dahil may kausap siya sa phone. Sa pagkakataong 'to, ang tanging alam ko nalang ay nahagip ako ng sasakyang 'yon at nawalan na ng malay.

•••

"Doc!"

Nagising ako sa sigaw na 'yon. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko maigalaw ang katawan.

"Anong nangyare?"

"Gising na ang pamangkin ko! Doc anong kalagayan niya?"

Wala akong makita, pumikit pikit pa ako pero wala talaga.

"Aunte..." mahinang tawag ko.

Naramdaman kong lumapit siya sa 'kin.

"Jusko, Leanne!"

"Wala po akong makita," tugon ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng doctor at umiyak naman si aunte.

Anong nangyayare?

"Temporary blindness." 'Yon lang ang narinig ko sa doctor. "Ma'am, we need to talk privately," dagdag pa niya.

This can't be happening! Anong mangyayare sa akin?

•••

"Iiwan muna kita rito Leanne," rinig kong saad ni Aunte.

Tumango nalang ako.

May trabaho siya, hindi niya ako pwedeng samahan dito buong araw.

Pagkaalis niya ay nakaramdam na ako ng lungkot.

Kung nagingat lang ako noong mga oras na 'yon ay hindi sana mangyayare sa 'kin 'to. I blame myself for everything. Pero hindi lang ang sarili ko ang dapat sinisisi ko. Dahil kung naging maingat ang driver ng kotse hindi sana niya ako mababangga.

Wala na kaming balita sa lalaking nakasagasa sa akin. Although nakita ko ang itsura niya ay hindi pa rin sapat 'yon para mahanap nila ang taong 'yon.

I clenched my fist.

Magbabayad ang taong 'yon sa ginawa niya sa 'kin.

Galit ang nararamdaman ko ngayon. Paano na ako makakapagtrabaho ngayon? Wala na nga akong mga magulang, tapos nagkaganito pa ako. Hindi pa ba sapat ang lungkot na binigay sa akin noong nawala ang mga magulang ko?

Awang awa na ako sa sarili ko. Walang may alam kung kaylan babalik ang paningin ko. Natatakot nga ako na baka permanente na'to. Hindi ko kakayanin kung sakaling ganon na nga ang mangyare sa akin.

Instead of crying, I decided to bring myself outside the house. Dahan dahan lang ang bawat lakad ko. Inangat ko ang mga kamay para gabayan ang sarili. Kinakapa ko ang bawat sulok ng dinadaanan ko.

But sadly I tripped. "Aray!"

Halos maiyak ako nang makaramdam ng kirot sa mga paa ko. Kinapa ko pa 'yon at hinaplos haplos. Pilit ko rin pinakalma ang sarili ko.

"Okay Leanne! Ayos lang 'yan, babalik din ang paningin mo kaya wag kang panghinaan ng loob," kumbinsi ko sa sarili.

I smiled out of nowhere.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon