"Can we really fall in love at first sight?" pagbasa ko sa slam book na pinapaikot ng mga classmates ko. Imbes na sagutan ang slam book ay ibinalik ko na lang 'yon sa nagmamay-ari. Lumabas na ako ng classroom at mabilis na naglakad palabas ng school.
Love at first sight? Walang gano'n!
I'm a simple girl, hindi naman sobrang ganda. Basta masasabi kong simple lang. Bilang first year high school, sa bahay at school lang umiikot ang mundo ko.
Nang makarating sa waiting shed, naghihintay ako ng masasakyan pauwi. Marami akong kasamang estudyante rin na naghihintay. Ang iba ay nakatayo habang ako ay nakakuha nang maayos na uupuan.
Bumuhos ang malakas na ulan dahilan para lahat ng estudyante ay sumilong sa waiting shed. Napangiwi ako dahil halos magsiksikan na kami rito.
Napakatagal ng sasakyan!
Nahinto ang paggala ng paningin ko sa isang lalaking tumatakbo palapit sa kinaroroonan namin. Ang back pack niya ang ginagamit na pangprotekta sa ulan. Medyo basa na siya nang makapasok sa loob ng waiting shed.
He's a student from my school. Second year na siguro siya sa highschool, napansin ko kasi 'yong kulay ng ID lace niya.
Nang tumayo ang katabi ko dahil dumating na ang sundo nito ay dali-daling umupo ang lalaking 'yon sa tabi ko. Tahimik lang siya, pero ako ilang na ilang dahil sobrang magkadikit kami. Sinilip ko ang ID niya, napangiti ako nang makita ang pangalan niya.
Levi...
I don't know why but he caught my attention. Lahat ng mga babae ay may dream boy at may hinahanap na standard sa isang lalaki. Hindi ko naman siya kilala pero parang nafulfill na niya ang application ko sa isang lalaki.
"Opo, pauwi na po ako." Rinig kong may kausap siya sa phone.
Napakagat labi ako.
Ang ganda ng boses niya!
"Po? Nandito ka na, Pa?"
Ang galang niya!
"Ayon! Nakikita na po kita." Tinignan ko kung nasaan nakatuon ang atensyon niya. Nakita ko ang isang matandang lalaki na may hawak na payong. Tumayo na si Levi at saka lumapit sa tatay niya. Malawak ang ngiti ko habang pinapanood silang naglalakad paalis.
Naging interesado ako sa kanya, I can't forget him kahit ano ang gawin ko. Excited ako palagi kapag uwian na, dahil nagbabakasakali akong makita ulit siya. Hindi nga ako nabigo, lagi ko siyang nakikita sa waiting shed. Minsan nakakatabi ko pa nga siya at may mga nalalaman akong kaunting bagay tungkol sa kanya. Hindi pa kami nag-uusap, at nahihiya akong magpakilala sa kanya. Para na nga akong stalker sa ginagawa ko. Sinubukan ko na rin siyang hagilapin sa building ng second year high school. Kaso lagi lang akong bigo dahil masyadong malawak ang eskwelahan para mahanap ko siya.
"Sure ka? Hindi ka na sasabay sa 'kin?" tanong ng kaibigan ata ni Levi. Pinapanood ko lang silang dalawa habang nakaupo ako sa waiting shed. Buti na lang kaunti lang ang estudyante ngayon.
"Oo, mauna ka na," saad niya sa kaibigan.
Nagpaalaman lang sila matapos ay umupo sa tabi ko si Levi. Buti pa ang pangalan niya ay alam ko pero ako ay hindi niya kilala. Nakuntento na kasi akong makatabi at makita lang siya. Kahit hindi kami mag-usap parang maayos na ako.
Maiingay ang mga estudyanteng kasama namin sa loob ng waiting shed. Habang kami ni Levi ay nanatiling tahimik. Tinignan ko ang phone ko, napakamot ako sa ulo nang magtext ang math teacher ko. May nakalimutan daw akong ipasa sa kanya kaya kaylangan kong bumalik sa school. Kaya bago ako umalis ay pasimple akong tumingin kay Levi. Diretso lang ang tingin niya sa libro niya. Habang hindi siya nakatingin ay nginitian ko siya. Okay lang 'yon hindi naman niya nakikita.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Historia CortaThese one shot stories are based on a song. Happy reading!