Everything Has Changed

28 6 0
                                    

Everyone has their own perspective in life and everyone has the right to make choices. Iyon ang pinapaniwalaan ni Gavin. A high school student, who lives only for himself. He doesn't want anyone to interfere in his life. Wala siyang pakealam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang importante sa kanya ay ang sarili niya.

"Please listen to me Gavin. Ayusin mo naman ang pakikisama mo sa mga classmates mo," pangaral ni Mrs. Reina sa anak na si Gavin.

"Maayos naman ah."

"No, you're doing nothing at all."

"Anong gusto mong gawin ko Mom?"

"Be kind!"

Iyon nalang ang sinabi ni Mrs. Reina sa anak bago ito umalis. Napabuntong hininga naman si Gavin. He lost his mood. Nawalan nanaman siya ng ganang pumasok. Imbes na pagtuonan ng pansin ang sinabi ng Mom niya. Inisip nalang niyang isang taon nalang gagraduate na siya sa highschool. Finally, he won't force himself anymore to get along.

Magulong classroom ang bumungad sa kanya. May iba't ibang usapan ang mga classmates niya. Hindi nga nila napansin ang presensya ni Gavin. Naupo nalang siya sa pinakadulong bahagi ng classroom. Doon palagi ang pwesto niya.

"Gavin, anong date ngayon?" tanong ng seatmate niya.

Instead of answering the question he picked up his earphone. Walang salita niyang inilagay 'yon sa tenga niya at nakinig nalang ng kanta. Inirapan siya ng seatmate niya na ngayon ay sa ibang estudyante nalang nagtanong.

He smirked.

He don't want to be disturb. As much as possible, he don't want anyone to be comfortable on his presence.

Nagsimula na ang klase. Kahit papaano ay maayos naman ang pag-aaral ni Gavin. Sa katunayan nga ay top student siya ng eskwelahan.

"What is the importance of cultural relativism? Ikaw ang sumagot Tanya," saad ng teacher nila.

Tumayo ang naguguluhang dalaga. Ang totoo kasi n'yan ay hindi niya alam ang isasagot. Napahawak pa siya sa batok at ngumiti nalang sa teacher.

"Tanya?"

"Sorry Ma'am... h-hindi ko po alam," kabado nitong sagot.

Napabuntong hininga nalang ang teacher.

"Who wants to volunteer?" tanong pa ng teacher, pero walang nagtataas ng kamay. "Anyone?" ulit nito.

Walang sabing tumayo si Gavin sa kinauupuan niya. It draws the attention of his classmates as well as his teacher.

"Gav--"

"It is how we deal with our own and other people's conviction. For one's self, it is being culturally aware of how the world works and how each culture is different from the others," diretsong sagot nito.

Napamaang ang teacher gayon na rin ang mga estudyante. Walang ganang bumalik sa pagkakaupo si Gavin.

"Very good! Tandaan niyong lahat ang sinabi niya. Para sa susunod may isagot kayo sa akin," saad ng teacher.

Panay ang pagtingin ng mga classmate ni Gavin sa kanya. Hindi pa rin sila makapaniwala sa sagot nito. Nagtagal ang klase nila, tiniis nalang ni Gavin ang pagkaboring.

Pagkatapos ng klase ay hindi pa muna umuwi si Gavin. He intend to go to the school garden. Madalas siyang namamalagi doon bago umuwi. Tahimik kasi ang lugar na 'yon at walang masyadong estudyante.

Pagkarating niya sa school garden ay mabilis siyang naupo sa upuang kahoy. Inilabas niya ang mga assignments niya at inilapag 'yon sa wooden table. He wore his earphone and listened to his favorite music.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon