"Miss Tomas, paano ko itutuloy ang job interview mo kung naka-sunglass ka?" halatang iritable si Mamang tabatsoy. Look at those greasy sweat! Basang kili-kili, nangingitim na leeg and the not so pleasing smell ng bunganga niya. Ngunit kahit ganun pa man ay kailangan ko siyang irespeto. Tigil muna ang exorcist's job ko at dahil yun kay Leaf Sykes!
"Eh sir may sore eyes kasi ako ngayon, ayaw ko naman kayong hawaan." pagsisinungaling ko.
"Aba may sore eyes ka pala tapos may gana kang maghanap ng trabaho na ganyan ang sitwasyon mo?" sabay labas ni Mamang tabatsoy ng nanglulumahid niyang panyo para punasan ang mantika sa mukha niya. Grabe lang ang baboy na ito. Ang sarap tuhugin at ipaikot-ikot sa nagbabagang uling.
Timpi lang Hannah. Tumingin ako sa katapat kong upuan kung nasaan si Makisig ngayon.
"Huwag kang magalit Hannah." pagpapakalma ni Makisig na tanging ako lang ang nakakakita.
Inhale, exhale. "Sir, biglaan lang po ka-"
"Next!" malakas na utos ni tabatsoy. Agad namang bumukas ang pintuan tsaka pumasok ang sekretarya niya na daig pa ang binagsakan ng langit at lupa ang itsura. Hindi na ako nagtataka kung bakit wala siyang kagana-gana.
"Papasukin mo na yung susunod na aplikante." utos niya ulit sa sekretarya. Mabilis akong tumayo sa upuan ko at kahit anong pagpipigil ni Makisig sa akin na huwag magalit ay pumutok na talaga ang mount pinatubo ko.
"Hoy Tabatsoy!" sabay turo sa nagulantang baboy. "Akala mo kung sino ka! Gusto mo bang yayain ko lahat ng multo sa paligid at takutin ka twenty four seven? Huh!" Nasapo na ni Makisig ang noo at rinig ko rin ang malakas kong boses.
Agad na naramdaman ko ang pagbigat ng aura ng paligid at maski si Mamang tabatsoy ay nakaramdam ng kakaibang lamig. Well, sensitibo rin kasi ang mga multo sa amin. Dahil siguro nabanggit ko na magtatawag ako ng multo kaya na-excite siguro ang mga fans kong multo.
"Hannah, maghulos-dili ka. Alam mo namang-"
"Tumigil ka nga Makisig!" bulyaw ko kay Makisig. Napatingin naman si Tabatsoy at ang sekretarya niya sa upuan kung saan ako nakatingin. Hindi na ako magtataka kung aakalain nilang baliw ako.
"Ano?!" pinanlakihan ko ng mata si Tabatsoy.
"Ba-baliw ka ba?"
"Eh kung sabihin ko sa iyong may katabi akong multo?" pananakot ko. Sa takot nga ng sekretarya niya ay tumakbo na pala ito palabas.
"Sinungaling!" aba at nagtatapang-tapangan pa.
Itinaas ko ang kilay ko. "Multo ni Maria Mercedes, ikaw ay tinatawag ko huwag lulubayan ang baboy na ito." sabay turo kay Tabatsoy.
"Hoy! A-anong ginagawa mo?" unti-unti namuti ang mukha ni Tabatsoy at mas lalo pa siyang natakot nang humangin bigla at naibalibag ang pintuan kasabay ng pagpasok ni Maria Mercedes. Ang bading na multo na super fan ni Maria Mercedes noon.
"Tinawag muwahh aketch?" maarteng pambungad ni Maria Mercedes sabay pose sa pintuan. Agad nitong inilibot ang mata sa paligid at naipako ito kay Makisig. "Ulala! Yummy!" tatakbo na sana si Maria Mercedes papunta kay Makisig ko nang inilabas ko ang pantaboy kong punyal.
"Hoy! Bakit may armas ka?" takot na tanong ni Tabatsoy. Halos lumuwa na ang mata niya habang nakatingin lang siya sa punyal ko.
"Huwag kang mag-alala, makapal ang taba mo at hindi ka nito mahihiwa." sabay balik tanaw kay Maria Mercedes. "At ikaw bakla, huwag na huwag mong susubukan na lumapit kay Makisig kundi ay makakatikim ka sa akin." umiiyak na talaga sa takot si Tabatsoy. Ewan ko ba kung dahil sa akala niya ay may baliw sa loob ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
THE EXORCIST'S LOVE
HumorNang maisipang mag-date ng isang exorcist at isang multo ng datu sa publiko ay hindi nila aakalain na maghahatid ito ng grabeng pagbabago sa tahimik na buhay ng dalawa (o patay na buhay ng isa.) Hindi nila inaasahan na maisasama sila sa magulong buh...