GHOST 2 - ASWANG

536 28 5
                                    

Ako man ang pinaka-most wanted ngayon ay kailangan ko pa ring kumayod. Mahirap kayang magpaganda ng walang pera.

Sa isang sulok ng medyo nangangamoy at nangingitim na banyo ng mansiyon dela hueco ay ang isang multong yaya na nagmumulto sa lugar na iyon.

"Ang cheap mo huh. Bakit naman itong banyo pa ang napili mong pagmultuhan?" nagkibit balikat ako. Hawak na ng kanang kamay ko ang mala-krystal na punyal na gamit ko sa pagpapalayas ng mga espirito.

"Wa-wala ka ng pakialam!" bulyaw ng pangit na multo sa akin. Nangingitim na ang mukha ni ate at ang mga kuko? Gosh! Akala mo kung inilublob sa espalto. Pero ganyan lahat ang mga masasamang espirito na ayaw magpunta sa kanilang patutunguhan. Patay na nga sila in denial pa!

"Weh? Gusto mo lang silipan ang mga lalakeng trabahador dito eh." pang-aasar ko at akala mo naman kung sinong teenager si ate kung kiligin.

"Patatagalin mo pa ba yang gagawin mo?" lumitaw bigla sa kanan ko si Makisig. As always, he is so hot for a ghost! Pag namatay ako gusto ko eh kasama ko pa rin siya. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi gusgusin si Makisig kahit in denial din siya. Sabihin na lang natin na may kinalaman ako doon.

"Oh siya my love! Palalayasin ko na siya!" tsaka ko binalik ang aking tingin kay yaya multo na ngayon ay napako ang tingin kay Makisig.

"Malandi kang multo!" paratang ko kay Yaya. "Dahil sa kalandian mo ay palalayasin na kita sa mundong ibabaw. Out of your favorite dirty bathroom!"

Si ateng, hindi man lang natakot sa sinabi ko at panay ang pagpipiyesta ng mga namumula niyang mata sa katawan ni Makisig at take note sa abs siya nakatingin.

"Sasara ang bulaklak! Bubuka ang bulaklak!" malakas na sinimulan ko ang kumunta. May malanding choreography din yan. Halos madiri nga si multong yaya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni ateng.

"Ritual ng pagpapalayas! Haler?" kibit balikat ulit. "Dadaan ang reyna. Ang saya saya!" matalim kong tinitigan si Yaya.

"Palalayasin mo ako gamit ang pambatang laro na yan? Sinong multo ang maniniwala sa iyo?" tumawa tawa pa si ateng kaya kita ang nanglulummhid niyang mga ngipin.

"Eh di huwag kang maniwala." asar na pambabanta ko ulit. "Boom ti yaya!" malakas na patuloy ko sa kanta at kinabahan si ateng.

"Totoong ritual yan?" nauutal na tanong ni ateng.

"Boom ye ye!" patuloy ko.

"Huwag! Gusto ko lang naman ma-enjoy ang mga bagay na hindi ko nagawa ko noon." mangiyak ngiyak na sabi ni ateng.

"Sa kabilang buhay ka magpaliwanag!" sigaw ko.

"Huwag please!" makaawa niya ulit.

"Boom ti yaya boom ye ye!" pangtatapos ko sabay bato ng punyal sa multo at sapul sa may tiyan. Unti unting umilaw ang nasugatan sa multo hanggang sa nawala na tila sumabog na apoy ang multo.

"Wala ka namang ritual di ba? Nagsinungaling ka pa sa multo." sabi ni Makisig ng wala na si yayang multo.

"Syempre kailangang magmistulang may ritual ako kasi kung malalaman ng iba na enough na si beloved punyal para pang taboy ng multo eh baka may magnakaw." paliwanag ko naman kay Makisig.

Maya't maya ay dumating na si kustomer na nagpapataboy kay Yaya. Laking pasalamat nga niya dahil hindi na raw lalaki ang mga umbok ng kanyang mga tauhan at nabibigatan na raw sila.

Pag-abot ng pera ay party party na naman. Tulak papunta sa mall ulit para makabili ng mga pampaganda. Syempre ilang beses akong pinigilan ni Makisig pero ito ay isa na sa luho ko. Make up!

THE EXORCIST'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon