ChapterSix: About Guardians

16 3 0
                                    

ChapterFive:

"About Guardians"

-----

*ZANDRA EMM NAVIDA*

Dahan-dahan kong idinampi ang bulak na may alcohol sa labi ni Konny. Bwiset na tuod na iyon! Anong karapatan nyang suntukin ang sariling kakambal nya? Napakawalang-puso lang ah?!

"Ouch!"

"Heh! Tsk! Kapag ako tagala nainis ng tuluyan sa tuod na iyon babawiin ko na lahat ng sinabi ko! Hindi na ako magpapakasal sa kanya oras na saktan ka pa nya uli!"

"Aray! Eminem naman!"

Na-realize kong mariin pala ang pagkakadikit ko ng bulak sa putok nyang labi. "Ay! Pasensya na, hehe..." Pinunasan ko ang sugat nya ng basang bimpo. "oh, hayan na! Okay na iyang labi mo."

"Gwapo na ba as ever?"

(=_=)...

Idiniin ko sa pinakasugat nya sa labi ang bulak na ibinabad ko sa alcohol. Umungol sya sa sakit. "Aray naman! Eto hindi na mabiro oh."

"Wag mo akong busitin kung ayaw mong ako ang sumapak sayo," babalo na nginisihan lang nya. "Wag kang makangisi-ngisi dyan."

"Opo, ma'am!" aniya at nag-salute.

Iniligpit ko na ang first aid kit at ibinalik sa banyo. Inilapag ko na lang iyon sa tabi ng sink. Bahala na si Konny magligpit na to bleh :P.

Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na si Konny sa kama nya. Nakatitig lang sa kisame habang naka-wide ang mga braso. Iyong pormang parang ipinako sa krus lang?

Dinagnan ko sya. Idinikit ko ang pisngi ko sa dibdib nyang walang shirt. Hindi naman ako naiilang sa pwesto namin dahil lagi naman kaming tabi matulog dati pa.

"Zen," tawag nya.

"Hmm?" tanong ko na nakapikit na. Grabe, inantok pa ko kahit magtatanghalian pa lang.

"Bakit ka pumayag?"

"Na?" inaantok kong saad. Humikab ako.

"Pakasal kay Eros."

"Eros? Sinong Eros?"

"Si Zero."

"Ah." Kaya nga pala 'Eros Univrsity' ang pangalan ng school na pagmamay-ari ng tuod na iyon. "*hikab* May k-um-idnap kasi sakin. nang malaman kong sya iyong may pakana, hinabol ko sya ng katana. Nasaksak ko sya, *hikab*, kaya para mabawasan ang hiya ko pag humaharap ako kina tita Luiza at tito Damon, pumayag.. na ako... *hikab*..."

Ipinulupot nya ang mga braso sa akin. May mga sinabi pa sya pero hindi ko na naintindihan dahil sa antok.

-----

*KINJI SEIKO NIICHI CRONE*

"You don't have to marry him just because of consience. I love you, Zen, marry-" naudlot ang pagtatapat ko nang marinig ang hilik nya.

Black Rose within Blood RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon