ChapterSeven: Bakit Ganon? Paki-explain Nga!

20 4 1
                                    

ChapterSeven:

"Bakit Ganon? Paki-explain Nga!"

-----

"Kumusta ka na?" tanong ko. Grabe, anong klaseng pampabata ba ang tinitira ni Ate Haru at napakaganda pa rin nya?

"Eto, beauty pa rin," pabirong sabi nya at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Haruka!"

Sabay kaming napalingon sa likod namin. Papalapit iyong kaloka-like ni Daddy.

Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Ate sakin.

"Gerard anong ginagawa mo rito?" may bahid ng disgusto sa ni tinig na sigaw nya.

"I'm here to-" natigil ito sa pagsasalita.

"Go away," matigas na saad ni Ate. "Hindi ka kailangan dito."

Naku po! mukhang LQ tong dalawang to. Excuse na ko -3-. Kumawala ako kay Ate at pasimple na namang nagalakad palayo. habang busy sila sa pakikipagtatagan ng tingin sa isa't-isa. Nang makababa ako ng hallway at hindi na nila ako mapapansin ay kumaripas na naman ako ng takbo.

Bakit ba ang damiung weirdo ngayon? Tsk! Minsan ko na nga lang uli makita si Ate Haru ganon pa mangyayari. Tsaka nasaan na ba iyong Fiance at Bestfriend ko?

Nahinto ako sa tapat ng isang malaking pinto. "Ang bano..hmmm..." Wala sa sariling sininghot-singhot ko ang amoy. Ang bango talaga, nakakakalam ng sikmura. Nakakatulo laway din.

Napanguso ako nang nasa likod pala iyon ng malaking pinto. "Madaya," bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong idinikit ang ilong ko sa pinto. Muntanga lang eh no? Wala eh, nakakagutom eh.

Nang di ko na makayanan, sapilitan kong itinulak-tulak ang pinto. Alam kong naka-lock iyon, pero feeling ko kaya ko tong buksan.

"Zen."

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Pagharap ko sa kanya ay napasimangot ako nang malaman kung sino iyon. "Ano ba?! Balak mo ba akong patayin sa gulat?"

Poker faced na umiling sya. "What are you doing?"

"Ah?" parang tangang tanong ko kahit maski sa sarili ko alam ang sagot. Napakamot na lanag ako ng batok.

"I said what are you doing there?" ulit nya.

"Eh.." sabihin ko na lang iyong totoo, malay natin dahil honest ako papasukin nya ako don para pakainin? Kyaha~! "Eh, kasi may naamoy akong masarap na amoy sa loob ng pintong iyon." Itinuro ko pa ang pinto sa likod ko.

Napatiim-bagang sya. "Get away from that door."

"Hueh?! Bakit naman? Hindi ba ito iyong kitchen door?" ungot ko.

"Basta. At hindi iyan ang kitchen door. Para ka namang hindi pa nakakapunta pa nakakapunta don ah? You're always with Kinji when you go there," inirapan pa ko ng loko.

Sumimangot ako. "Ano ba kasing nasa loob nito?"

"Mga bangkay at dugong isinalin sa bote. There's also human organs scattered everywhere. So, papasok ka pa ba?"

Naitakip ko ang kamay sa bibig ko, bigla kasing nangasim iyong sikmura ko.

"What's going on here?"

Napalingon kami sa babaeng pulos itim ang suot, gothic ika nga ng karamihan.

Napakurap ako. T-teka... "A-ate Shakura?!"

Nakangiting tumango sya. Ang waterfall braids  ay bumagay sa blonde at straight na buhok nya.

Isa pa itong maganda. Mukhang  magkaedad lang sila ni Ate Haru. Grabe! Habang ang magaganda't sexy kong future-sister-in-laws heto ako at nagdurusa sa patpatin na katawan =3=".

"Lady Zen, may problema ba?" -Ate Shaku.

As always pa rin iyong attitude nya. Perfect, ika nga ng dictionary at google.

Umiling ako. "Wala ah! Hahaha!" Sa totoo lang sa ilang taon kong kilala ang Crone Clan, ito ang pangalawang beses na nakita at nakausap sya. Nung unang beses ay nung anniversary lang nina Tito at Tita. At unang beses ko ring nakilala ang kambal.

Nakapagtataka ah? Bakita parang ni isang wrinkles hindi nagkaroon si Ate Shaku? Eh eh ilang taon na sya nun ah?! Eighteen yata, tas ngayon mukha pa rin siyang eighteen kahit tweinty-eight na siya. Naku! Talagang oras na malaman ko kung anong youth potion ang ininom nila, tiyak lalaklakin ko iyon three times a day.

Itatanong ko na sana kay ate Shaku kung anong klaseng youth potion ang iniinom niya nang makita kong may maliit na dragong nakalutang sa gilid niya. At isang nag-aapoy na ibon sa gilid naman ni ate Haru.

Napatunganga ako. Hindi ako makapagsalita. Ano ba to? Nagha-halucinate ba ko? Jusme may nakain ba akong may halong drugs at kung anu-ano nakikita ko?

Umangat ang kamay ko para sana hawakan kung totoo iyon nang ipagsalikop ni Zero ang kamay niya sa kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya?

"Let's go," aniya sa mariin na tono.

"Pero..." nang ibalik ko ang tingin ko sa kulay asul na dragon at pulang ibon, wala na ang mga iyon. "Bakit nawala..."

-----

*NARRATOR*

Nang mawala sa paningin nina Shakura, Haruka, at Gerard ang mahal na prinsesa, napailing silang sabay-sabay.

"So nakikita na niya ang mga Guardians," basag ni Gerard ng katahimikan. He feels sorry for his sister.

"Good job, Esdeath," –Shakura.

Tumalon si Esdeath pababa ng knight armor na kinatutung-tungan nito sa tabi ng malaking pinto. "Mistress' sisxth sense is awakening."

-----

Hope you like it ^_^… Nakakainis at konti pa lang ang nagbabasa nito, pero di bale, okay lang kasi the next chapters will be intense. Hahaha kayo na magdedcribe pag nabasa niyo.

©OjouColt_45

Black Rose within Blood RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon