Chapter 3 - Questions

29 4 2
                                    

Angela's POV

Ang sakit. Ang sakit- sakit palang makita yun sa harap mo mismo.

Kasalukuyan akong nasa comfort room.

Inilapag ko lang yung tray ng  food na binili ko kanina para kay Adrielle at agad na tumungo dito.

Dito ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob at pagsisisi.

Kung sana noon, hindi ko na sila ipinakilala sa isa't isa, eh di sana hindi siya magugustuhan ni Kenshin.

Kung sana sa dinami- dami ng babae dito sa mundo, hindi nalang si Adrielle na bestfriend ko ang nagustuhan niya.

Kung sana, ako nalang yung minahal niya.

Ang daming sana... Pero may kakayahan ba kong baguhin 'to gayong wala naman akong karapatan?

Sh*t lang! Masama na ba akong bestfriend sa paningin niyo? Pero nagmamahal lang ako.

Kung pwede lang rin sanang kontrolin 'tong punyetang nararamdaman ko eh matagal ko nang ginawa. Dahil kung tutuusin, ako rin naman ang dehado rito. Ako din yung nasasaktan.

Lalong- lalo na kanina na akma na sana siyang halikan ni Kenshin.

 Naman. Ba't ko pa kasi naabutan yon?! T.T

Noon,parang gusto kong magalit sa bestfriend ko dahil sa halip na makita niya na todo- effort na yung lalakeng gusto ko eh hindi niya parin pinapansin noon.

Pero, may part rin sakin minsan na nasisiyahan kasi akala ko, susuko na siya.

Akala ko ibabaling  rin niya yung atensyon niya sa iba.

Pero, mali pala. Maling- mali ako.

Sa halip na sumuko ay feeling ko mas lalo pa siyang nagiging determinado na mapalapit siya rito sa tuwing itinataboy siya ng bestfriend ko.

At bakit ngayon, parang nagbago na yung ihip ng hangin?

Kanina lang, kitang- kita ko sa itsura ni Adrielle na kinikilig rin siya. Maaaring... nagugustuhan na rin siya nito. ( -.- )

Hindi ko na talaga mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Ang bigat - bigat sa pakiramdam. Ang sikip - sikip ng dibdib ko.

Ganito naman ako palagi. Umiiyak ng palihim. :'(

At once, naipagtapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko. And yes, sinabi niya talaga sa'kin'  to : "Sorry Gela, pero si Adrielle lang talaga yung laman nito", sabay turo sa kaliwang side ng dibdib niya.

FLASHBACK

After ng first class namin ay binigyan kami ng 5 - minute break kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makipag-usap sa kanya.

"Kenshin!", tawag ko sa pangalan niya.

Agad naman siyang lumingon sakin.

Parang nagwawala yung puso ko pagtunghay ko sa kanyang gwapong mukha. Palagay ko nga'y namumula na ko paglapit ko sa kanya kung saan naging mas malinaw sa aking paningin ang kanyang buong pisikal na anyo.

Pero hayan na yung matabil kong dila. Hindi na talaga mapigilan.

"Ahmmm. May sasabihin sana ako sa'yo."

"Oh. Ano yon? Tungkol ba kay Adrielle?"

"Ah. Eh. Hindi."

Tumalikod ako sa kanya.Naisipan ko sanang huwag nang ituloy.Ngunit sa huli, nanaig parin ang katangahan ko.

"Kasi ano.... Kasi..."

"Kasi ano Gela? Sabihin mo na. Ba't ka ba kasi tumalikod ha?"

Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinatak ako paharap sa kanya.

My Long- Lost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon