Chapter 1: Flashback *1*

25 1 0
                                    

Chapter 1: Flashback *1*

Heto si Marie or "Rie" na mabait 2 years ago bago siya naging si "Ms. Skylla" na sama..

~~

-Marie's POV

"Rie! Takbo pa!"

"Takbo pa!"

"Wala na bang mas bibilis pa dyan?!"

"Baka matalo tayo!"

Hayy.. Pagod na ako pero kailangan kong manalo.

Wala naman kasing gagawin ang mga kaklase ko kung hindi sigawan ka.

Support nga daw iyon,

MORAL SUPPORT.

May group activity kasi kami sa Biology, tatakbo ka tapos may mga obstacles kang dadaanan, pagdating sa dulo ikaw din ang sasagot nang mga tanong.

Ang matindi pa, walang pakialam yung teacher kung magtutulungan kayo as a team.

Walang nagreview sa mga kagrupo ko, lahat sila, maliban sa akin.

Ayokong mapasama na bumaba ang marka ko at sigurado namang wala rin silang pakialam sa grades nila kaya ako na lahat ang gumalaw para sa grupo.

"Time is up!!! Group 3 ang naunang nakasagot ng tanong. You will receive 90 as your grade in your group activity. The rest will receive 75 as your grade.", hingal na hingal ako habang nakikinig ako sa guro namin.

Krrrrriiiinnnnngggggg!!!!! ♪♪♪

"Ok, class dismissed. You can now take your recess.", saka na kami nagsi-tayo sa grounds.

Agad na kaming bumalik sa room namin..

Kinuha na nang iba yung recess nila, yung Group 3 naman masayang lumabas ng room para bumili ng recess.

Kami namang natira sa room, nakabusangot na kumain ng dala naming pagkain.

Pagod na ako at naghahabol ng hininga.

Ang dumi na nang T-shirt na suot ko. Nagkasat pa kasi ako sa lupa dahil may mga kinakalkal pa kaninang clue.

Kaya wag na kayong magtaka kung ayaw nila akong tulungan.

Maya maya, lumapit yung isang kaklase ko, nakabusangot din ang mukha.

Kagrupo ko siya, sigurado mayroon siyang sasabihin sa akin.

"Ang lampa mo naman! Tingnan mo, bagsak pa tayo. 75? Anong mapapala namin sa ganoong grade?"

"Kasalanan mo ito eh! Kung sanang hindi ka tanga, nadadapa ka pa!"

"Para yun lang hindi mo nagawa?!"

Lahat nang kagrupo ko, isa isa na ring lumapit para sisihin ako. "Sorry, ginawa ko naman yung best ko.", hingal pa rin ako habang nagpapaliwanag sa kanila.

"Best? 75 na grade? Yan na ang best na sinasabi mo?", sabi nung isa kong kaklase habang pinapakita yung index card ng group namin, "Pakatingnan mo nga!", tapos tinapal tapal niya sa mukha ko yung index card, "Ano?! Nabasa mo na ba?"

"Napakatanga mo!", tapos binuhos nung isa kong kaklase yung juice na iniinom niya sa akin, "Ayan! Maligo ka, nagdungis ka lang sa wala."

Pinagtawanan na nila akong lahat.

Halos mangiyak ngiyak na lang ako habang pulang pula na ako at tagaktak pa rin ang pawis.

The Revenge of Miss No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon