Chapter 2: Flashback *2*

20 1 0
                                    

Chapter 2: Flashback *2*

Continuation..

-Marie's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school, lunch time na kasi.

Sinundo pa ako ni Cyrome kanina, pati yung teacher namin ng English Class, nagulat at yung mga kaklase ko--

---Puro "Ayyiiieeehh" na lang ang lumabas sa bibig..

"Magkwento ka nga tungkol sa sarili mo.", sabi ko sa kanya.

Kanina pa kasi kami tahimik eh. Naging interesado tuloy ako bigla sa kanya, "May pangarap ka ba?"

Narealize ko bigla yung tinanong ko, bigla kaming natawa parehas. "Haha! Mayroon naman.. Kaya gusto kitang nakakasama eh, napapatawa mo ako."

Ano ba naman klasing tanong kasi yon? Hayy.. "Bakit? Mukha ba akong clown?", tanong ko.

"Hindi naman, napapasaya mo ako. Iyon ang ibig kong sabihin.", natahimik ako dun.. Uminom muna siya nang isang basong tubig saka nagpatuloy sa sinasabi niya, "Balang araw, gusto kong maging pilot nang eroplano."

Wala sa itsura niya, "Bakit naman pilot?", tanong ko.

"Nung bata pa lang kasi ako, mahilig na ako sa mga eroplano.", wow, unsual. "Wala akong hilig sa kotse. Ewan ko ba kung bakit.", dagdag niya pa.

"Iyon yung kursong kukunin mo?", paninigurado kong tanong sa kanya habang sumusubo ako ng lunch ko.

"Oo, ikaw ba. Anong pangarap mo? -- Ang ibigin ako, ayaw mo ba?", nasamid ako bigla dahil doon sa sinabi niya.. "Ayyy.. Tubig oh..", sabay abot sa akin nung baso ng tubig na tinanggap ko naman kaagad..

Jusko. Mamamatay agad ako sa kanya!

Nang nakahinga na ako ng maluwag, "Ikaw talaga! Kanina ka pa gumaganyan..", saka ko siya hinampas ng kaunti. "Pero, pangarap ko? Gusto kong maging sikat na singer."

"Aba? Singer? Edi marunong kang kumanta? Sample!!!", sigaw niya.

Lahat tuloy dito na kasama naming kumakain napalingon sa direksyon namin.

"Manahimik ka nga.. Nakakahiya ka.", mahina kong sabi sa kanya.. "Saka na lang kita kakantahan pero hindi dito.", pangako ko sa kanya.

Nangiti naman siya, "Manliligaw pala ako sayo, pwede ba?", nagpapatawa yata siya. Natawa tuloy ako bigla. "Bakit ka tumatawa? Seryoso ako..", bigla na ngang nagseryoso yung mukha niya.

"Ewan ko.."

"Bakit naman ewan mo? Oo o hindi lang ang sagot."

"Baka awayin ako ng mga Fangirls mo dyan sa tabi tabi eh.."

"Wag mo silang pansinin. Hayaan mo sila. Manliligaw ako ah?"

Jusko, hindi ko alam isasagot ko. Syempre gusto ko kaso.. "Basta kahit di ka pumayag, manliligaw pa rin ako. Mapapasagot din kita..", saka na naman siya kumindat sa akin. Tsss..

~~

Natapos na kaming kumain sa cafeteria, tinanung niya pa ako kung di rin pala siya papapigil?

Baliw nga talaga ang lalake na ito. "Sasama ka ba sa tour bukas?", tanong niya sa akin..

"Hindi, bukod sa wala naman akong kasamang mag-iikot eh wala rin naman akong pambayad..", sabi ko sa kanya..

"Ahh, sasamahan kita kung wala kang kasama.", sabi niya..

"Wala nga akong pambayad.."

"Ako yung magbabayad. Basta sasama ka bukas."

Hayy, kapag siya na naman nagbayad nang tour ko nakakakonsensya na naman kung hindi ko siya sasagutin.

Pero kahit ngayon, sa totoo lang..

Gusto ko na siyang sagutin eh. Pero tingnan muna natin kung seryoso talaga siya.

Baka pinagloloko lang ako nito..

"Ay nako. Hindi, wag munang bayaran. Nakakahiya na masyado sayo.", sabi ko, "Marami na akong utang na loob sayo. Wag munang dagdagan at baka hindi ko na mabayaran."

"Pagmamahal na nga lang hinihingi ko sayo eh.."

Ano na namang drama iyon? Hayy.. "Cyrome naman.."

"Basta ako magbabayad. Pupuntahan ko na yung adviser mo.", saka niya ako sinama papunta sa Facuilty Room.

"Akala ko bang ikaw lang ang pupunta?", nagtataka kong tanong.

"Ayy, sinabi ko bang ako lang? Hahaha!", sira ulo ka ngang talaga.

~~

Binayaran na nga niya yung sa Field Trip namin para bukas. Tss. "Pwede wag muna lang ipagsabing pinagbayad mo ako sa Tour? Yun lang. Tss..", kahit paano mahihiya ka syempre. Pera na itong pinag-uusapan eh.

"Pasalamat ka na lang nga! Psh. Basta date tayo bukas ah? Wala kang choice, ako ang nagbayad.", saka na naman siya kumindat.

Mannerism na ba niya talaga ang pagkindat?

Hinahatid na naman niya ako sa room namin, "Hindi mo naman na ako kailangan ihatid sa room namin eh. Wala ka namang obligasyon sa akin.", naiilang kasi ako tapos nakikita pa nang mga ibang students dito.

"Gusto mo ba, magkaroon ako ng obligasyon sayo?", tanong niya sa akin habang nakangiti nang nakakaloko.

"Pwede rin?", iyon lang ang naisagot ko sa kanya..

"Kahit naman ganito palang tayo, may obligasyon na ako sayo..", kinikilig ako bigla doon. "Basta hayaan mo lang ako, pustahan tayo. Magiging tayo rin.", paninigurado niya sa akin.

Bato na lang siguro ang hindi kikiligin sa mga salita niya..

To be continued..

~~

This Is The Author's Note: Ang gwapo ni Cyrome. Achuchuchu..

Konti na lang may tatamaan na ako! XD

Kung hindi nakakaistorbo sa inyo, pwede namang magvote and comment ha? :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Revenge of Miss No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon