PROLOGUE
Nakarating na ako sa school gamit ang kotse ko.
Kahit babae ako, hindi ko hilig ang matingkad na kulay, lalo na pink. Itim ang pinakulay ko sa Ferrari kong mala-demonyo kung daanan ang grounds ng school.
Guess what, late na naman ako para sa Math Class namin. Wala nang bago doon. Para ano naman at dadating ako nang maaga? Hintayin silang lahat para dumating? Ano sila? Espesyal?
Binukas ko yung bintana ng kotse ko para naman makita nila yung kagandahan ko.
Oo, maganda ako..
Lahat ng students, mapa-lalake o babae man, nakatingin lahat. Nagulat na lang ako nang may babaeng bigla na lamang nagharang sa dinaraanan ko.
Siya na naman pala, yung babae halos lumuhod na sa akin hapon sa Cafeteria.
Ni hindi ko na nga inalam ang pangalan, sa mukha ko lang siya nakilala. Sa kapal palang nang make-up niya, natandaan ko na itsura niya. Nagmumukha siyang payaso sa ayos niya.
"Tumabi ka nga sa dinadaanan! Babanggain kita!", sigaw ko dun sa babae. Eh paano, nagpupumilit siya na sumali sa mga alipores ko dito sa campus.
"Sige na naman, idol kasi kita Ms. Skylla..", tsk. naiirrita ako sa mga ganito eh, lalapitan ka para maging famous sila dito sa school.
"Ayusin mo nga sarili mo PAYASO! Gusto mong maging katulad ko tapos nagmamakaawa ka? Handa ka pa talagang magpabangga? NAKAKAHIYA KA..", saka na ako nagpatuloy sa pagdaan at iniwan ang napahiyang payaso.
Ako nga pala si Skylla Marie Carrentes, senior high school.
The other students call me Ms. Skylla. Ako ang pinakaginagalang na student sa mga nag-aaral dito.
Sabi ko nga kanina, maganda ako, yun nga lang, sa pisikal. Pero sa lahat ng aspeto, negatibo lahat. Lahat nang ugali ko, hindi mo aakalaing mayroon ako.
Kilala ako ng lahat pero wala akong ibang kilala sa kanilang lahat. Ni isang student, wala. Tatawagin ko sila sa pangalang gusto ko. Gaya noong babae, payaso ang tinawag ko sa kanya.
Lahat sila nagtry na maging kaclose ko, walang pumasa kahit isa. Alam ko naman ang pakay nila. Sa huli, sisiraan ka lang nilang lahat.
Mas gusto ko ito. Yung kinatatakutan ka nang lahat. Hindi yung ikaw ang matatakot sa iba.
Being a badass in this school is NOT new. Lahat ng students dito, masasama ang ugali. Even the principal and the facuilty members, matatakot ka.
This is a school for demons. Kaming lahat, nagkasama sama dito.
Kung mabait ka, talo ka.
WALA KANG IBANG AASAHAN DITO KUNG HINDI ANG SARILI MO LANG..
Pero ako, aawayin nila? Subukan lang nila..
Sabi ko nga,
DESTROY WHAT DESTROYS YOU..
-----
This Is The Author's Note: Pasilip pa lang yan, hindi pa talaga yan ang umpisa. :-)
Actually, it's NOT a fantasy story. At hindi literally demons ang mga characters. What Ms. Skylla mean is, you won't fit in if you don't have the guts para maging kasing sama nila. It's more on bullying especially in the Chapter 1. You will know her more as you read the next chapters.. :-)
Kung masyado kang mabait para sa storyang ito. Wag munang ituloy.
Prologue palang yan. Baka magising ka agad sa katotohanan kung ano nang mundo ang mayroon tayo ngayon.
Yung itsura ng school nandyan, sinadya kong ganyan para damang dama niyo yung theme ng story..
BINABASA MO ANG
The Revenge of Miss No One
Teen Fiction"Now I know that this is a cruel world.. I've been spending my whole life to fit in, but I've realized that being KIND won't make any sense!" --Skylla Marie Carrentes ~~~Life living in an outcast state. You're living but you don't exist.. "Destroy W...