Chapter 3: "HRM (Part 1)"

35 0 0
                                    

**
Heto na! Heto na ang hinihintay ko... ang maging block section na ang HRM. Dahil 2nd Year College na kami, pure HRM nalang ang class namin. Kung may masasamutan man na Culinary or Tourism Students, mga irregulars nalang sila.

Sadly, lumipat na pala sa ibang school si Mario, sa may Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU). Paano kasi yung Daddy niyang dinaig pa ng militar, pinagshi-shift siya from BSN to any Engineering course. Kukunin na daw kasi siya sa Australia ng Daddy niya. Pero dahil nasa state of rebellion itong si Best (tawagan naming mag best friend) ko, he took-up Marketing course instead of Engineering. Paano naman kasi, parehas namin kahinaan ang Math hahaha!

Sayang naman, mamimiss ko siya ng bonggang-bongga nito at wala na rin niyan akong spy kay Alchris.

***
Bago pa man ang pag-lipat ni Mario, napag-uusapan namin yung about sa katauhan niya. Hinding-hindi daw puwedeng malaman ito ng kanyang Daddy kasi papatayin daw siya. Kaya ang deal namin, pag-uusapan lang namin ang bagay na ito ng palihim.

**
1st Day of A.Y. 2009-2010.
Ang aga ko sa classroom namin, halatang excited ang lola mo. Sa St. Gabriel Hall (SGH) ang klase namin. Para kaming HS, ang malas lang na bakit dito kami napunta. Talagang nangangamoy HS yung building na to... amoy pawis kasi haha!

Pagkapasok ko sa room, sa bandang harap ng left side ako naupo. Habang naghihintay sa Prof. namin, biglang may pumasok na isang lalake. Payatot pero Cute. Siya si Menard Ayson. Parang kuminang ang mga mata ko nung nakita ko siya. Akala ko kasi wala akong makikitang cute sa mga kaklase ko. Pero biglang nagbago ang paningin ko nung nakita ko si Ronnel Kyle Sunga. Pumasok siya sa classroom after 5 minutes ng arrival ni Menard. Grabe, para bang nakakita ako ng chinito version ni Jun Pyo ng Boys Over Flowers. Ang lakas kasing maka-K-Pop ng porma niya eh.

Heto na naman ang the Ninja Moves ko. Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng bagong friends, nakipag-usap ako sa lahat ng mga kaklase ko. Araw-araw iba't-ibang group of friends ang nilapitan ko. Nakuha ko ang mga contact details nila because of that.

Naging kaclose kong una si Menard kasi katabi ko siya sa isang subject. Magulo pala siya. Ibang-iba nung una ko siyang nakausap kasi napakapormal niya nung nagreply siya sa Group Message (GM) ko sa buong klase.

"Hello classmates! I'm Raine. Please save my number. Thank you! Nice to meet you all. :)" ang laman ng aking text.

After a while, nag-vibrate ang cellphone ko.

"Hi Raine! Nice to meet you too! Hope that we will become friends" ang reply sakin ni Menard.

Siyempre, kinilig ako kahit papaano. Pero di ko inaasahan na magrereply din pala si Ronnel.

"Hello! Nice to meet you din. :)"

Ito ang kauna-unahang text niya sa akin. Sinave ko naman yung text niya sa folder siyempre hahaha!

Lumilipas ang mga araw ko sa 2nd year ng napaka-saya kasi hanggang sa online world, ka-close ko na sina Ronnel at Menard. Sa Friendster at Facebook (sumisikat palang ang social networking site na ito dito sa Pinas), pati narin sa Yahoo! Messenger.

Minsan, pinang-gawa ko na ng assignment si Menard kasi i-pprint din niya ng libre ang assignment ko. Sa facebook, parehas namin nilalaro ang Farmville saka Pet Society. Bonding rin namin ang Draw and Guess na laro. Ewan ko ba, since then, na-adik na ko sa Facebook. Buti nalang, di naman nasira ang pag-aaral ko. Nasanay mag-multitasking sa pag-online at pagrereview hehehe!

Si Ronnel naman, nakuha niya talaga ang atensyon ko dahil sa natural humors niya. Ang galing niya sa pag comedy and other acting stints. Kaya walang duda na siya ang napili para gumanap sa main role ng theatre drama presentation namin sa subject na Personality Development and Public Relations (PDPR). Kahanga-hanga rin na marunong siyang mag-drawing at mag-gitara. Nalaman ko pang marunong din pala siya sa drums. Napaka-talented niya. Pero ang pinaka-'di ko malilimutan ay nung minsang katext ko siya.

"Kapag malungkot ka, sabihin mo lang sa akin at patatawanin kita."

Sobrang saya ko nung nabasa ko 'yun text niyang 'yun. Ang bait niya pala. No wonder na crush din siya ng iba ko pang classmates. Paano kasi one day, pinag-uusapan nila na crush daw nila si Ronnel. Nagulat pa ako nung kinompronta ako ng kaklase kong si Mina Valdez, ang colleague ko sa JHRMA.

"Ikaw Raine, crush mo rin siguro si Ronnel no?" biglang sabi ni Mina.

"Ha? Hindi ah. Wala akong crush dito sa room no" ang mabilis kong pag-deny.

Kabang-kaba ako nung oras na 'yon. Nakatipon kasi ang mga girls doon sa tabi ng desk ko. Napabulong nalang ako kay Arianne de la Cruz, ang naging best friend ko sa mga kaklase ko.

"Kinabahan ako. Muntik na akong nabuking about kay Ronnel. Ang dami ko palang karibal no?"

"Oo nga Raine eh. Iba nalang kasi, 'wag nalang siya" ang sagot naman sa akin ni Arriane.

Bigla akong napaisip that time. Nalungkot ako na wala naman akong pag-asa kay Ronnel kasi ramdam kong may iba siyang gusto sa classroom. Sayang, kakagaling lang niya sa isang relasyon pero may nahanap na siyang bago sa klase namin. Bakit hindi nalang ako?

Ang tanging nagawa ko nalang ay makiagaw sa atensyon niya. Ang saya nung bonding namin sa room, nagdala kasi siya ng gitara niya para sa presentation niya sa Speech Class namin. Pero sa break time namin, nag jamming kaming dalawa sa room. Nakakakilig! Sana di na natapos ang oras na 'yun.

"Do you hear me? I'm talking to you... Lucky I'm in love with my best friend..." ang duet namin habang nagtutugtog siya.

Napaka-magical ang oras na 'yon. Tanging ang boses niya at boses ko at yung tunog lang ng gitara ang naririnig ko until biglang nakisawsaw ang ibang mga classmates namin.

Ouch.

Wala akong magawa that time. May nililigawan na siya. Ang classmate naming si Lea Santos.

**
September 2009.
Dumating na ang araw ng aming Theatre Drama Presentation. Di ako kasali sa stage play. Pero isa ako sa Back stage staff. Ako ang Wardrobe Assistant ni Ronnel. Sabi ko sa isip ko, ito na ang huling magagawa ko para sakanya tapos mag-momove on na ako.

Bago magstart ang stage play, nagpray over muna kami sa back stage with our professor with the whole staff. Eh bigalaan nagkita kami nung isa sa dabarkads namin nina Arlene at Mario na si Joan. Kagroup pala ng class namin yung class nila na isang section ng BS Culinary Arts Management.

"Oh Raine, nandito ka pala! Anong role mo?" sabi ni Joan.

"Wardrobe lang. Eh ikaw?" sabi ko.

"Tara, sama ka sakin, kunwari kasama ka sa fans club. Mag extra ka rin" sabi ni Joan.

"Ay naka uniform ako eh, baka mapagalitan ako ni Ma'am" sabi ko sa kanya.

"Hindi yan! Basta sama ka sakin para masaya!" sabi ni Joan sa akin.

Edi yun na nga. While looking at the spotlight, biglang nahila ako ni Joan. Nakakatuwang experience kasi parang totoong-totoo ang tili ko nun kasi ang role ni Ronnel, isa siyang Celebrity. Feel na feel ko namang maging fan girl niya that time hehehe!

Nung nagpapalit siya ng costume, mejo nailang ako. Siyempre nakikita ko yung katawan niya. Pero ang bilis ng pangyayari. 'Di ko namalayang tapos na pala ang play. Tapos narin ang maliligayang oras ko sakanya.

**
October 2009.
Awards night na kasabay ng aming Culminating activity ng PDPR sa Holiday Inn sa Clark. Naka pang-formal attire kami. It means, coat and tie for boys and ball gown for girls.
'Yun, feeling ko that time nasa JS Prom ako. Wala kasing ganun nong HS ako. Meron ngang Face of the night nun. Siyempre, 'di ako nanominate haha! Parang manang lang naman kasi ang gown ko. Ganyan talaga pag sexy-k, mahirap maghanap ng susuotin LOL!

Our class bagged almost all of the awards for the stage play. And ofcourse, si Ronnel ang nanalo bilang best actor. Feeling proud naman ang lola mo. Ang saya that time kasi perfect na daw ang finals exam namin sa PDPR.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon