Introduction

43 1 1
                                    

October 2014.
Habang papalayo siya ng papalayo, tinitignan ko siya. Ang lakad niya, ang porma niya, pati narin ang mukha niya siyempre. Para naman akong nasa isang scene sa pelikula na nawala bigla ang background music at tanging ang kabog lang ng aking dibdib ang naririnig ko. Dub dub dub. Isinuot na niya ang kanyang I.D. na kinuha nya mula sa loob ng kanyang bag habang naglalakad. At ako naman, tumawid na rin ng daan para sumakay na sa jeep, pero tinitignan ko parin siya. Papasok na siya sa main gate ng school namin. Sa pagtingin ko sakanya, bigla nalang tumulo ang luha ko mula sa gilid ng aking mata. Nalungkot ako at napaisip na baka eto na ang "una at huling beses" na makakausap ko siya sa personal.

M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon