Chapter 1

32 0 0
                                    

A/N: Momoko at the side.

PAALALA HO SA LAHAT: Lahat ho nang nandito sa kwentong ito ay kathang isip ho. Meaning nanggaling lang ho ito sa utak kong pala-imagine. Kung may kaparihas ho ako sa iba, ma-characters man o place o ano pa yan. Coincidental lang ho. Pero inspired ho ito sa anime na Special A kaya pagpasensyahan  niyo lang ho. Thank you! Anyway,

Enjoy..

—————————---

[Momoko 's POV]

"Hiro Jude Matsumuto!!!"

I shouted at the top of my lungs. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako sumisigaw sa kaagahan ng umaga.

Eh! Si Hiro kasi! He did it again!

"Hiro!" Sigaw ko ulit. Yan lang ginagawa ko. Tumatakbo habang sinisigaw ang pangalan ng g*gong yun. Tumigil lang ako nung hingal na hingal na talaga ako.

"Okay lang po kayo, Miss Momoko?" Napatingin naman ako sa nagtanong. Isang babae. Baka first year student? Hindi ako sure.

"Ah. Yeah. I am. Just taking a break from looking for someone." Sagot ko.

Napatango lamang siya.

"Sino ho ang hinahanap niyo? " ang g*go na si Hiro. Of course, hindi ko yun sinabi.

"Si Hiro. " that's it. Yan lang sinabi  ko.  "Ah. Baka nasa lounge niyo ho." Sabi niya.

I mentally slapped myself. Ba't di ko yun napagtanto. Of course he's there. Eh, parang tambayan ng mga specla yun.

Napakalaking katangahan! Ako po ay tanga! Bow!

Napatingin ako dun sa babae. "Salamat, ha, Riala. I have to go now. Bye." Sabi ko sabay kaway at takbo paalis. Kung natataka kayo kung bakit ang laki ng respeto nun sa akin?

Ito kasi yun. Itong paaralan na ito ay isang international school kung saan ang iba't ibang mag-aaral sa mundo ay umaaral. Kahit na first year lang nito simula nung itukod ito, napakasikat na nito kasi ang nagmamay-ari nito ay CEO ng isang talent agency dito sa south korea at oo, I am currently here in seoul south korea.

Anyway, ganoon na nga, CEO ang may-ari  na namamanage rin sa isa sa mga famous idol group ngayon. Ang Midnight. CEO nila ang may-ari kaya nabigyan pansin ang paaralan nito dahil other than minamahala nila ito parati rin silang dumadalaw dito eh di boom talbog. Saya nga eh.

Anyway, again, sa kasikatan nito, naging unique yung school na ito. Sa walang kadahilang rason, pinagka-isa nila ang mga estudyante na may average grade ng 95% pataas sa iisang classroom. Tapos binigyan pa ng lounge. At isa ako sa mga estudyante na iyon kaya that explains it. Pero di naman sila inutisan na respetuhin kami. Bigla-bigla na lang. Nagsimula ito last year. Hindi naman sa ayaw ko pero parang iniiba ng mga hindi kasali sa Specla (short for special class) ang mga sarili nila sa amin. Nakakalungkot.

Pagdating ko sa lounge, palakas ko na binuksan yung pinto.

"Nasaan si Hiro?! Ilabas niyo sya!" Yan agad bungad ko.

Tumingin sila sa akin tapos isa-isa silang sumagot.

"Ewan."- Kaylie

"Malay ko."- Dane

"No idea."- Nade

"Wala akong alam."- Aya

"Tss."- Hikari.

-___-

Kahit kailan talaga, ang laki ng tulong na nabigay ng mga to sa akin. Lalong-lalo na itong si Hikari. Eh, kuya naman niya yung hinahanap ko.

Miracle Academy: My Love On TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon