CS 2

94 2 0
                                    

I woke up because of the sound of my alarm clock. I groaned and turned it off. Storbo. Psh. Sabado naman ngayon eh. Bakit ko ba si-net yung alarm ko? Tss.

Umupo ako tapos tiningnan kung anong oras na.

6:06 am

Ang aga pa! Psh. Nag-inat ako bago sinuklay yung buhok ko tapos kinuha yung towel ko then pumasok sa loob ng bathroom. Maliligo na ako.

Pina-tuyo ko yung buhok then sinuklay. I looked at myself on the mirror. Naalala ko yung nangyari kahapon. May call sign na kami ni Sean. Tapos love pa talaga. Shems lang. Ewan ko pero kinilig talaga ako kahapon. I found myself smiling like an idiot kaya naman ay lumabas nalang ako ng kwarto ko. Psh. Ang tanaga ko tingnan kanina.

Bumaba na ako at nakita ko yung kuya ko na naka-upo sa couch ng sala. Nanunuod ng t.v. Psh. Hindi ko sya kapatid. He's just my cousin. Wala akong kapatid. Ewan ko kung bakit.

"Uy, hi Tzar. Ang aga mo atang nagising?" He greeted me.

"Na-set ko yung alarm ko. I forgot na saturday pala ngayon." I said and made my way to the kitchen. Why? I'm hungry kaya.

"Oh, ikaw pala iha..ang aga mo atang nagising?" Sabi ni lola.

"Ah opo. Na-set ko po kasi yung alarm ko. Nakalimutan kong walang pasok ngayon. Hehe." Sabi ko.

"Ikaw talaga. Oh, sige. Nagugutom ka na ba? Maupo ka na dun sa dining table. Ipaghahanda kita ng breakfast mo."

"Ah opo. Thank you po." Pumunta na ako sa dining room tapos umupo tsaka nag-hintay. Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino yung nag-text.

From: Sean

Hi love! Good morning. Have you eaten your breakfast?

Hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa text nya. My gosh lang. Wala naman dito yung ex ko pero bakit nya ako tinatawag na love?

To: Sean

Hello. Good morning. Actually, niluluto pa yung breakfast. Ikaw? Have you eaten?

From: Sean

Hindi pa. Hindi pa kasi gising si ate. I want to eat with her. Anong ginagawa mo?

To: Sean

Nuks. Sweet twin-brother. Wala naman. Naghihintay lang sa foods habang ka-text ka. Ikaw? Anong ginagawa mo?

From: Sean

Haha. Hindi naman. Na-miss ko lang kasing kumain kasama sya. Hm.. hinihintay magising si ate habang ka-text ka din.

To: Sean

Ah.. by the way, may tanong sana ako. Kung okay lang.

From: Sean

Okay lang basta ikaw love. Ano yun?

I felt my face heaten up. Seriously? Love nanaman. I kennat.

To: Sean

Ilang years ka dun sa Korea?

From: Sean

5 years ata? Ewan.

To: Sean

Lol. You don't know?

From: Sean

Nakalimutan ko kasi. Hahaha.

To: Sean

May girlfriend ka?

From: Sean

Wala. Pero may mga ex girlfriends ako. Don't tell me you're jealous, love? ;)

To: Sean

Jealous pa more. I was just curious.

From: Sean

Okay. Sige. Kain muna ako ah? Sakit ng noo ko. Tinapunan ako ni ate ng tsinelas. >3

To: Sean

Hahaha. Ang sadista talaga nyang si Janilla. Oh sige sige. Kakain na din ako. :)

Hindi na sya nag-reply kaya nilagay ko na yung phone ko sa table. Maya-maya pa ay sinerve na ni lola yung breakfast namin. Pumasok si kuya tapos umupo sa tabi ko.

"Ikaw ah. Nakita kitang ngumingiting mag-isa. Anong ibig sabihin nun?" Tanong nya.

"Psh. Bawal ba?"

"Wala naman akong sinabing bawal. Nagtatanong lang ako. Malay ko bang baka baliw ka na. Naninigurado lang."

"Ewan ko sayo. Psh." Sabi ko. Kumain nalang ako since I really am hungry like super.

--

Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin. Nagpapahangin lang. Gabi na din kasi tapos kakatapos lang naming mag-dinner. Nakaupo ako dito sa swing habang nakatingin sa taas. Haaaaayyy.

Biglang nag-ring yung phone ko kaya dali-dali ko iyong kinuha galing sa bulsa ko bago tiningnan kung sino yung tumawag.

Sean calling...

Huh? Why is he calling?

Sinagot ko yung tawag tsaka nilagay sa tapat ng tenga ko yung phone ko.

"Hello?" I said through the phone.

"Hey."

"Napatawag ka?"

"I just want to hear your voice." He said and chuckled. Biglang nag-init yung mukha ko.

"Lol."

"Yeah. Seriously. Anong ginagawa mo?"

"Wala naman. Nakatingin lang sa stars."

"Ah. So nasa labas ka?"

"Yup."

"Pumasok ka na. Lumalamig na. Baka mag-kasakit ka pa."

"Opo. Pero mamaya na."

"Tigas naman ng ulo mo."

"Oh? Talaga? Bakit, pinuk-pok mo?"

"Oh? Diba apilyedo ko yun? Nuks."

"Hahahaha. Oo nga, no?"

"Ngayon mo lang na-realized?"

"Oo. Ngayon lang. Haha."

"Pumasok ka na. Ayaw kong magkasakit ka."

"Oo na po. Papasok na." I said and rose to my feet before entering our house. "Oh, naka-pasok na."

"Ang hilig mo atang bigkasin ang apilyedo ko ngayon?" I heard him say and he chuckled.

"Mukha mo. Hahaha."

"Gwapo. Haha."

"Ge. Push mo yan. Matutulog na ako. Hindi ka pa matutulog?"

"Matutulog na din."

"Sige. Bye. Good night."

"Okay. Good night..love."

--

Call SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon