CS 1

313 5 0
                                    

"Hi. I'm Sean." Naka-ngiting sabi sa akin ng kapatid ni Janilla.

"Tzar." Matipid kong sabi. Hanggang ngayon kasi ayaw ko pa din sa mga lalaki. Simula nung nalaman ko yung kagaguhang ginawa sa akin nung ex kong pangit eh naging man-hater na ako. Idag-dag pa yung ex din ni Janilla. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Lahat sila, ang tingin sa babae ay laruan. Wala eh, feel nila ang gwapo-gwapo nila kaya pwede nilang makuha lahat ng babae. I hate men. Lalo na yung Call sign namin ng ugok na yun.

Kapag naaalala ko yun, nasusuka ako. Ugh. Basta. Ayaw ko ng balikan ang past. Masaya sya ngayon kaya dapat maging masaya din ako.

"Bakit hindi kita nakikita dati?" Tanong nya.

"Busy with something kaya hindi ako makasama sa kanila. But that was before." I replied. Ngumiti naman sya sa akin. Shems. Ganito ba talaga ang genes nila Janilla? Ang ganda nya tapos ito namang kapatid nya ang gwapo. Okay. Ang landi ko na but I'm just telling you the truth! Swear. Makalaglag panga ang pagiging gwapo nya.

"Hm.. since you're my sister's friend. Can we also be friends?" Nagulat ako sa tanong nya. Friends? OMG. Friends? Hanggang friends lang?! Kidding. Ang O.A ko na.

"Sure." Nakangiting sagot ko. Why not naman diba? Gwapo-- este mabait naman ata sya.

"Great. O, tara na? Nauna na sila ate sa cafeteria." Yaya nya. Tumango nalang ako without looking at him. Nauna syang maglakad habang ako naka-sunod lang.

1 Hour ang lunch break namin kaya masaya.

Nag-taka ako kasi sa ibang dereksyon sa papunta.

"San tayo?" I asked him. He smiled at me.

"I want to know you more. Since one hour ang lunch break natin, dun tayo kakain sa restaurant na malapit lang dito sa school." Tumango nalang ako.

Meron ba?

Nag-lakad kami hanggang sa humito sya sa harap ng isang fancy restaurant kaya napahinto na lang din ako. Meron pala talaga?

Una nya akong pinapasok. Ngumiti ako sa kanya at pumasok na tapos ay umupo kami sa table for two. Malamang. Dalawa lang kami eh. Psh.

Nag-order na sya at sabi nya treat nya daw since sya naman daw ang nag-yaya. Pumayag naman ako. Grasya na yan eh. Alangan namang tanggihan ko pa? No way.

Bumalik sya at sinabing maghintay raw muna kami ng 15 minutes. Tumango ako. Kaya pa naman ata ng sikmura ko. Tahimik lang kmaing nag-hihintay sa pagkain nang bigla nyang binasag ang katahimikan.

"Can I have your number? I mean, lahat kasi ng kaibigan ni ate may number ako." Biglang sabi nya.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Sure. Give me your phone." Inabot nya 'yong phone nya at tinype ko na ang number ko dun. Maya-maya ay may nag-text sa akin.

"That's me. Save my number." Tumango na lang ako. Ang hilig atang mag-english nitong kapatid ni Janilla. 'Yong totoo, sa Korea ba talaga 'to galing o sa U.S? Sinave ko ang number nya tsaka Sean lang ang nilagay ko. Alangan namang babe 'diba?

Dyumating na 'yong order namin and OMG. Amoy palang nya natatakam na ako, paano pa kaya kung kainin ko na?

"You're drooling." Asar ni Sean sa akin. Inirapan ko na lang sya at nag-simula ng kumain. Wala ng hiya-hiya. Gutom ako eh, anong magagawa mo?

"Habang kumakain ako ay may nakita akong familiar figure na nakaupo sa harap ng table namin. Wait...

Nabulunan ako dahil sa nakita ko. The eff. Still ugly as ever. Inabutan ako ni Sean ng juice at ininom ko 'yon.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya.

"Of course. May nakita lang akong pangit. Bwisit. Nakakasuka. Kadiri." Natawa nalang si Sean sa mga pinag-sasabi ko.

"Babe?" Muntik ko ng malunok ng buo 'yong manok na kinakain ko. "Tzar, babe. It's me. Fred."

"Will you stop calling me babe? For pete's sake. Nag-hiwalay na tayo."

"Babe, let me explain--"

"Dude. Back off." Natakot ako sa tono ng pananalita ni Sean.

"And who are you?"

"I'm her boyfriend. So back-off because she's mine."

"Tss." Umalis naman 'yong asungot kaya naka-hinga ako ng maluwag.

"Thanks." Sabi ko kay Sean. Ngumiti sya at tumango.

"San 'yon nag-aaral?" Biglang tanong ni Sean.

"Sa paaralan natin."

"Ha? So may possibility na mag-kita ulit kayo?"

"Yup."

"Why don't we have a call sign?"

"Ha?"

"Para kapag lumapit sya satin, aakalain nya talagang boyfriend mo ako and by that way, iiwasan ka na nya. Ayos ba?"

"Ano namang call sign natin?"

"What about, love?" Nakangiti nyang suggestion.

"Okay." Pumayag na lang ako. Ayaw ko kayang sumusunod sa akin 'yong pangit na Fred na 'yon. Ew. Pangalan pa lang nya nasusuka na ako paano pa kaya kung lumapit sya ulit sa akin?

"So, pumapayag ka?"

"Yup. Ayaw ko namang palaging naka-sunod sa akin 'yong bakulaw na 'yon, no."

***

A/N:

Omona. May call sign na sila. Hohoho.

Call SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon