Monday. I hate mondays like ever. Nakakatamad kayang pumasok sa school. Pero dahil hindi ako katulad ni Janilla na minsan ay nag-aabsent pa tuwing monday dahil natamad bumangon ay bumangon na ako at kinuha yung towel ko tapos naligo na.
Nag-bihis na ako ng uniform namin tapos nag-ayos then sinuot yung medyas tsaka sapatos ko then kinuha yung bag ko tapos lumabas na sa kwarto ko. Nilagay ko yung bag ko sa couch tsaka pumunta sa dining room. Pagdating ko dun, nakita ko yung pinsan ko na nauna ng kumain.
Tumabi na ako sa kanya at kumain na din. Tiningnan ko yung wrist watch ko.
6:35 am
Maaga pa naman. Uminom ako ng juice bago nilagay sa sink yung pinag-kainan ko. Kahit naman may mga maids kami eh syempre kapag kaya kong gawin eh ginagawa ko, ano. Hindi naman ako palaging umaasa sa maids namin.
"Sabay tayo?" Yaya sakin ng pinsan ko. Tumango lang ako at kinuha yung bag ko sa couch tsaka lumabas ng bahay. Tapos na din akong mag-toothbrush kaya okay na. Pumasok na ako sa sasakyan nya tapos nag-simula na syang mag drive.
Tiningnan ko ulit yung wrist watch ko.
6:56 am
Medyo maaga pa din naman. 7:30 kasi nag-sisimula yung klase namin sa first subject kaya okay pa. Huminto na yung sasakyan sa parking lot kaya naman bumaba na kami ng pinsan ko. Hinatid nya muna ako sa classroom ko bago sya pumunta sa classroom nya.
"Bye kuya!" Paalam ko sa kanya. Tumango lang sya at nag-lakad na papuntang classroom nya. Pumasok na ako at konti pa lang ang nandito sa classroom. Kaming 4 na GG tsaka yung iba pa naming classmates. Wala pa si Janilla. Absent nanaman ata yun.
Nakita kong papasok na si Cristine sa loob ng classroom kasama si Nikki. Naningkit ang mata ko nang nakita ko silang tumatawa. Aba, enjoy na enjoy ah? Huh. Tingnan lang natin kung ma-enjoy pa kayo kung sabihin ko na ang plano ko sa buong GG. Well, except kay Cristine, syempre. She's not a member of GG anymore.
"Hey Tzar." Bati sakin ni Melody.
"Hi." Bati ko pabalik.
"Si Janilla?" Tanong ni Gilia.
"Para namang hindi ka sanay na nag-aabsent yun tuwing monday dahil tinatamad." Sagot ni Maura. Natawa nalang kami at bumalik na sa mga upuan namin. Unfortunately, magkakalayo ang upuan namin sa isa't-isa kasi kapag nagtatabi raw kaming lima eh ang iingay namin at hindi kami nakikinig ng mabuti sa teacher na nagtuturo kaya ayun, pinaglalayo nila kami. Mga KJ sila eh.
May pumasok sa room and it was Sean and Janilla. Eh? Si Janilla? Pumasok? Weh? Di nga? Himala?
"Janilla?!" Sabay-sabay na sabi naming lahat. As in lahat. Pati yung ibang classmates ko.
"Ano?" Takang tanong ni Janilla.
"Pumasok ka?" Tanong ni Melody.
"Ay hindi. Lumabas ako. Kaya nga ako nandito sa harap nyo ngayon kasi lumabas ako eh. Langya. Malamang pumasok ako. Nakikita mo nga ako diba?" Pilosopo talaga nitong babaeng to.
"Psh. Sungit." Narining kong sabi ni Melody.
"I know and I'm proud." Sabi ni Janilla. Line nya yan eh.
Umupo na sya sa upuan nya at katabi nya si Sean. Lumingon si Sean sakin since nasa likod nila ako, mga 2 seats then pwesto ko na. Nginitian nya ako. Ngumiti ako pabalik sa kanya tsaka humarap na sya.
Dumating na yung first subject teacher namin. Nung nakita nya si Janilla na nakaupo eh nagulat sya. See? Hindi nga kasi sya pumapasok tuwing monday.
"Miss Oh?" Gulat na tanong ng teacher namin.
"Ano nanaman ba? Masama bang pumasok sa monday? Gusto nyo bang umuwi na ako? Bwisit lang eh. Kung tingnan nyo ako parang hindi ako welcome dito!" Inis na sabi ni Janilla. Natawa nalang kami.
"N-no. It's not like that Miss Oh. Actually, I was just shocked since you're always absent during monday but I was also happy because you're here. Sana ganyan ka palagi."
"Kung nasa mood ako palagi then why not?" Natawa kaming lahat sa sagot ni Janilla. Napailing nalang yung teacher namin at nag-simula ng mag-lesson. On the other side, nakita kong naka-ngiti si Clawd. Nuks. May inspiration sya. Hoho.
--
Break time. Nag-lakad kaming 5 papunta sa cafeteria at lahat ng nadadaanan namin ay nanlalaki ang mata tuwing nakikita si Janilla.
Padabog na umupo si Janilla sa upuan nya kaya nag-tinginan yung ibang estudyante sa kanya at nanlaki nanaman ang mga mata.
"Ayoko na. Uuwi na ako." Sabi nya. Tumawa naman kami. "Sige, tawa pa."
"Nakakagulat kasi na pumasok ka ngayon. Absent ka kaya tuwing monday." I said.
"Dapat nga matuwa sila kasi makikita nila 'tong maganda kong mukha eh! Bakit kapag dumadaan ako eh parang nakakakita sila ng multo?!" Reklamo nya.
"Bakit ka pala pumasok ngayon?" Tanong ni Maura.
"Pinilit lang ako. Tss."
"Nino?" Tanong ko naman.
"Basta! Psh. Mag-order na nga kayo."
Tumayo naman sina Maura tsaka Gilia.
"Kami na ang mago-order. Ganun pa din?" Tanong ni Maura. Tumango naman kami. Umalis na sila at pumila.
"C.R muna ako." Paalam ko sa kanila. Tumango lang sila kaya umalis na ako.
Pumasok na ako sa C.R at syempre umihi. Alangan namang kumain? Psh. Nag-hugas ako ng kamay tsaka tiningnan yung mukha ko sa salamin. Naks. Ang ganda ko talaga.
Lumabas ako sa C.R at saktong pag-labas ko ay nakita ko si Fred. Syetness. Dali-dali akong nag-lakad pabalik sa cafeteria pero ang gago, nakita ata ako at sinundan ako.
"Tzar!" Sigaw nya. Bwisit. Mapapatay ko to eh. Nagsitinginan sa amin yung mga tao sa cafeteria pati ang GG.
"Ano?!" Inis na tanong ko.
"Babe.. please..I--" Bigla syang natumba kaya napa-gasp kaming lahat.
"I told you to fucking stay away from my girlfriend you damn bastard!" Galit na sigaw ni Sean. Napangaga naman ako. Sinuntok nya si Fred!
"GIRLFRIEND?!" Malakas na sigaw ng buong GG well except for me. Uh-oh. I think I owe them an explenation.
BINABASA MO ANG
Call Sign
Romance"Because of that Call Sign. I met him." --Tzar Jung Tzar's story. She's a member of GG and one of Janilla's bestfriend.