Chapter 1: Lost

35 18 1
                                    

[Special Note For The Readers:I am not a native English speaker, so expect grammatical errors

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Special Note For The Readers:
I am not a native English speaker, so expect grammatical errors. ]

~~❍~~


*clock ticking*

It's already 12 o'clock in the morning. A start of a brand-new day.
I closed my eyes with a smile on my face because yesterday was a beautiful day.

When I open my eyes I saw a huge tree in front of me. I look around and I got confused why I am here in the forest? I don't remember that I went in the forest and I never been in the forest before. Why am I here? Where am I?

I hear a sound from the bush at sa tingin ko may kung ano doon. Agad akong tumayo sa pagkakasandal sa isa pang puno at kinuha ang stick na nakita ko. Umatras ako ng kaunti at nang sa tingin ko ay lalabas na ang kung ano man yung nagtatago sa damuhan agad na sana akong aatake ng makita ko ang isang matangkad na lalaki na may kulay na kayumangging buhok. Nang makita nya ako, agad rin naman sya napa atras dahil sa gulat.

"Sino ka?! " Tanong namin sa isa't isa

"Nasan na tayo?" Tanong namin sa isa't isa

Matagal rin kaming nagkatitigan pero napunaw yun ng marinig namin ang lalaking sumisigaw

"Ahhhhhh!!!! Ahhhhhh!!!"

Nakita namin ang lalaki na may makulay na buhok. Hinahabol sya ng isang soro. At dahil sa takot sa soro agad akong nagtago sa damuhan ganun rin naman ang lalaki na may kulay kayumanggi na buhok.

Medyo matagal umalis ang soro, nang hindi nya na nakita yung lalaki na hinahabol nya. Nang hindi ko na sya makita at sa palagay ko ay malayo na sya, agad na akong lumabas ganun rin naman yung lalaking kayumanggi ang buhok

Nasaan na kaya yung lalaki? Baka alam nya kung nasaan tayo.

"It's so weird" sabi nung lalaking kayumanggi ang buhok sabay upo at sandal sa puno.

Tumingin lang naman ako sa kanya hanggang sa magsalita ulit sya

"Ang pagkakaalala ko di naman ako pumunta dito. But when i...when I open my eyes *sigh* I'm here, i don't even know this place" sabi nya

"Same here" sabi ko habang pumamewang

Maya maya ay may narinig kaming lakad na mukhang papalapit kaya agad tumayo yung lalaking may kayumanggi na buhok at tumabi sakin saka tumingin sa direksyon kung saan namin narinig banda yung tunog

Papalapit ito ng papalapit kaya yung puso ko palakas rin ng palakas ang tunog dahil sa kaba.

What if yung soro yun?

Napatingin nalang ako sa lalaki na may kayumanggi na buhok at kita ko na maski sya ay kinakabahan rin.

Nawala nalang yung kaba namin ng makita namin ang lalaki na itim ang buhok.

Tumingin muna sya samin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Sino kayo? Saan toh? Ba't walang signal dito? Kinidnap nyo ba ako?" Sunod sunod na tanong nya

"Isa ka rin? "Tanong ko sa kanya

"Anong isa ako? Syempre, alangan naman maging dalawa ako diba. Wala naman akong kambal. Pwede bang turo nyo nalang kung asan yung daan palabas dito ? " Sabi nya sakin

"Nawawala rin kami. Bigla nalang napadpad dito" sabi nung may kayumanggi na buhok.

"*smirk* You should tell me nalang, wala naman kayong mapapala sakin kung magsisinungaling pa kayo"sabi nung may itim na buhok

"I'm serious" sabi nung lalaking may kayumanggi na buhok

Bumuntong hininga lang naman yung lalaking may itim na buhok at tumaray saka nag cellphone

"Magsama sama nalang kaya tayo" sabi ko sa kanila

Tumingin lang naman sila sakin at nag tinginan rin sila bago umiwas na ng tingin sa isa't isa

"Uy, ayaw nyo ba? Kasi i think magandang idea yun since mapapadali yung paghahanap natin sa labasan dito. Tsaka maglibot tayo baka may ibang tao pa dito na alam palabas" sabi ko sa kanila

"OK." Sabi nung may kayumanggi na buhok na naka straight face

"Ikaw po?" Tanong ko sa may itim na buhok kaya lumingon sya sakin at tumingin na parang may ginawa akong masama sa kanya. Bumuntong hininga sya bago sumagot.

"Sasama ako... But... Ayoko lumapit sa inyo. Baka mamaya di naman pala kayo tao" sabi nung may itim na buhok

"Pano kung iligaw ka namin? "Tanong ko ng seryoso sa kanya kaya napa atras nalang sya

"Di na ako sasama" sabi nya

"Joke lang. Di naman toh mabiro. Tara na sama ka na" sabi ko sa kanya

"Di nako sasama. Isa pa,this is not the right time to make a joke. If this is fun for you then for me, it's not. " sabi nya pa.

"Mukha ba kaming manloloko? Dali na sumama ka na samin, pare-pareho lang naman tayo nawawala dito" sabi ko sa kanya at tumingin lang naman sya sakin

"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka dyan" sabi ko sabay lakad na at gaya ng inaasahan ko sumunod rin sya

Tatlo kaming naglibot libot dito sa kagubatan. Dahan dahan lang kami habang nagtitingin tingin sa paligid dahil baka mamaya may ahas, oso o kung ano man na papalapit na sa amin.

Patuloy lang kami sa paglilibot-libot hanggang sa magdilim na nga.

Nagugutom na akoooooo, ito kayang dalawang toh, di pa kaya toh mga toh gutom.

Tatanungin ko na sana sila ng may maramdaman akong may papalapit sa akin, napalunok ako, at tinawag yung dalawang lalaki pero sinenyasan na kami nung may itim na buhok na lalaki na wag gagalaw kaya yun hindi kami gumalaw.

"Ako na bahala" mahinang bulong nya sabay dahan dahan ang paglingon

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya

"Hindi pwedeng ikaw lang, susunod kami" sabi nung kayumanggi ang buhok

"Kaya nyo ba? "Tanong nya sa amin

"Huh? Bakit? Ano ba yun? "Tanong ko sa kanila

"Oso" sagot nya na mabilis pa sa kisap ng mata, lumaki naman ang mata ko dahil sa gulat at takot.

"Wag mo nga takutin yung babae" sabi nung lalaking may kayumanggi ang buhok

"Sige bahala kayo kung gusto nyo sumama, basta walang sisihan pag nakain kayo dyan" sabi nung may itim na buhok sabay dahan dahan ang lakad

"Ayoko sumama" sabi ko sabay upo dahil sa takot

"Naniniwala ka dun? Nagbibiro lang yun... I think... Don't worry kasama mo naman kami eh. Tara na. " sabi nung may kayumanggi na buhok sabay abot ng kamay nya sa akin. Tiningnan ko lang naman sya ng ilang segundo para mag isip at maya maya ay kinuha ko na ang kamay nya, medyo malayo na rin yung lalaking itim ang buhok kaya medyo binilisan namin ang paglakad para sama sama na kami sa paghahanap kung sino man yun.

Nauna ang lalaking kayumanggi na buhok sa paglalakad at ako ay sumunod lang sa kanila , nakakatakot dahil flashlight lang ng cellphone ang gamit namin.
Bakit pa kasi nag gabi pa *sob*
Di ba pwedeng wala munang gabi ngayong araw na toh para di ako sobrang kaba ngayon.

Matagal tagal na rin kaming naglalakad, napagod na ako kaya huminto muna ako saglit ng may humawak sa kanang balikat ko agad akong kinalibutan at napasigaw nalang sa takot.

12 o'clock NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon