Je Jae's POV
While inside the car, on our way to Incheon, ayun, yung hobby ko pag bored, I was reading a story sa wattpad. Si Ha Jin tulog, at si ate? 'Yun sya, naka-earphone nanaman. Nililihis-lihis nya pa yung phone nya para di ko makita. Hello? Eh alam ko naman na kung anong ginagawa nya. Wala naman syang ibang ginagawa sa phone nya kundi manood ng videos ng EXO. At! Wala naman syang ibang video sa phone nya kundi M.V. ng mga alien na yon.
"Ate." Tinawag ko sya. Gusto ko kasing mang-asar eh. Hehe. Pero di nya ko narinig. Tinawag ko ulit. Lumingon. Tinanggal yung isang earphone.
"Tawag mo ba ko?" Tanong nya.
"Ay, may iba pa ba kong ate na pwedeng tawagin dito?" Biro ko. Kaso si daddy biglang sumagot.
"Je Jae, ano ba yan?" Nasita ko.
"Di dad, binibiro ko lang po si ate." Medyo napahiya ko dun ah.
"Kahit na!"
"Sorry, ate." Sabi ko na lang. Nagbibiro lang naman kasi talaga ko eh.
"O bakit mo ko tinatawag?" Tanong ni ate.
"Wala lang. Anong ginagawa mo?"
"Wala."
"Panood nga ko 'te ng video ng EXO."
"Maya na, nagsa-soundtrip pa ko eh."
"Ok." Confirmed! Haha. 'Pag nagsa-soundtrip kailangan nakatingin sa phone? Ate talaga.
"Hyun Seok?" Si mommy.
"Po?"
"Ano yung pinapanood nyo kahapon sa tv nung dumating ako?"
"Ah.. yung 'My Love from the Star' po."
"Oh? Uyy.. Bakit, type mo yung lalake dun no?" Haha. Nang-aasar si mommy. Si Kim Soo Hyun yung tinutukoy nya. Yung reaction ni ate, 'O.O'.. Haha. Shock sya eh.
Natawa na lang si ate bago sumagot. "Di po ah." Ohoho. Ok, ako naman ang mang-aasar.
"Di nya yun type, mommy. May Xiumin na sya." Sagot ko.
"Sinong Xiumin?" Tanong uli ni mommy. Nung tignan ko si ate, parang napaparanoid na. Dedma lang ako kahit panay na ang senyas nya na tumahimik na ko.
"Yung sa EXO po?" Sabi ko.
"Oh?" Sabi lang ni mommy na nakangiti rin.
"Aba, Hyun Seok." Sabat ni daddy. Hahaha. Nakakatawa na yung facial expression ni ate. Sige, awat na ko.
"Joke lang po dad. Inis na inis nga po sya dun eh. Mukha daw mga bakla." Sabi ko then winked at ate.
Hyun Seok's POV
Nakakainis 'tong Je Jae na 'to. Daldal. Tss. Tutuloy ko na nga lang uli yung ginagawa ko. Soundtrip kuno. Pero ang totoo nanonood talaga ko. Hehe. Bago ko pa mai-open yung video, may pumasok ng text message. Galing kay ate Eun Mun, bestfriend ko. Meron daw reunion yung batch namin sa Joseon International Academy, next week na daw. I just sighed. Parang tinatamad naman akong pumunta eh. Ewan, bahala na.
"Uhm, uncle?" I said then poked his back.
"Hmm?"
"Baka po di na ko makasama sa inyo pabalik."
"Bakit?" Tanong ni uncle. Pati si aunt Soo Mi 'tsaka si Je Jae panay din ang tanong kung bakit.
"Nagtext po kasi yung classmate ko sa JIA. May reunion daw po kami next week. Batch reunion daw po." I explained.
BINABASA MO ANG
Still You
FanfictionIt's been already how many years since I've accepted the fact that I'm not yours, and you are not mine.. And now that you're back, I don't know how on earth you've managed to still hold my stone-like heart.. Among all others, why it's STILL have t...